Ang method na kanilang ginagamit para iangat anng kanilang spirit power ay hindi rin nila gaanong maintindihan bilang mga taga-Middle Realm. Nagagamit nila iyon, ngunit bilang abilidad lang na naroon na simula pa nang sila ay ipinanganak. At kung hihingin mong iisa-isa nila ang detalye tungkol doon, ay hindi nila magagawa, sapagkat hindi rin nila alam.
Kung ang konsepto sa likod ng abilidad na iyon ay ganon kadaling intindihin, hindi magiging malayo ang pagkakaiba ng Middle Realm sa Lower Realm!
Kahit ang mga taga-Twelve Palaces ay hindi gaanong naiintindihan ang konsepto noon. Kaya hindi nila magamit sa kasalukuyan ang technique na iyon para mang-akit ng mga taga-Lower Realm para isuko ang kanilang mga buhay para sa mga ito,
Bukod sa may-ari ng bahay na iyon, wala nang ibang nakaalam ng konseptong iyon. Kahit si Ke Cang Ju ng Qing Yun Clan o si Ning Rui ng Zephyr Academy ay hindi iyon natutunan. Pumasok sa isip ni Jun Wu Xie na ayaw ipaalam ng Twelve Palaces sa Lower Realm ang kanilang kaalaman tungkol sa konsepto noon. Dahil kung may isang makakaalam ng konseptong iyon at kakalat iyon sa buong Lower Realm, ang kanilang kapangyarihan ay paniguradong lalakas at kaunti na lang ang pagkakaiba ng dalawang realm.
Ngunit kay Jun Wu Xie, nagawa niyang pag-aralan at maisagawa iyon sa loob lang ng ilang araw!
At base lang iyon sa sulat na nabasa nito sa pader na hindi naman gaanong malinaw ang ibig sabihin.
Kung hindi nila kilala si Jun Wu Xie at kanila lang itong nakasalubong sa kung saan, pagdududahan nilang nagmula ito sa Lower Realm.
Paanong nagkaroon ng ganitong klaseng tao!?
Maging si Ye Sha ay nagulat sa kakayahan ni Jun Wu Xie.
"Naisip ko nang henyo si Little Xie, at mukhang hindi nga ako nagkamali. Hindi tao ang babaeng ito! Isa siyang diyos!" Taas kamay si Qiao Chu sa kakayahan ni Jun Wu Xie. Dahil lang sa sulat na iyon ay nagkaroon ito ng ideya tungkol sa sikreto ng Middle Realm at natutunan iyon sa loob lang ng isang araw. Tanging si Jun Wu Xie lang ang kilala nilang nakagawa ng ganoong bagay!
Naghinala si Jun Wu Xie sa binulong ni Qiao Chu sa grup.
"May mali ba akong nasabi?" Inisip ni Jun Wu Xie ang kaniyang sinabi kanina at sa tingin niya ay wala namang mali doon.
[Pero bakit ganito sila makatingin saakin?]
Humalakhak si Rong Ruo at umiling-iling.
"Ngunit hindi pa ako gaanong bihasa sa abilidad na iyon. Kanina ang aking unang beses na napagtagumpayan iyon. At para magamit ko iyon, katulad niyo, kailangan ko ring maglaan ng panahon." Sumuko na si Jun Wu Xie sa mga tinging ibinibigay sa kaniya ng kaniyang mga kasamahan. Ang tanging nasa isip na lang niya ngayon ay ang bagong abilidad na kaniyang natutunan.
Kung siya ay magtatagumpay hindi lang siya ang makikinabang ng abilidad na iyon sa Lower Realm.
Kundi pati ang kaniyang Lolo, Uncle, ang Rui Lin Army... kapag na intindihin niya nang maigi, isusulat niyo iyon ng detalyado at ipapadala sa Lin Palace!
Natagalan pa bago tuluyang maniwala si Qiao Chu na ilang araw lang ang ginugol ni Jun Wu Xie para mapag-aralan ang pansamantalang pagpapangkat ng spirit power sa purple level. Nakabawi na sila sa kanilang pagkagulat at sa pag-aalala kay Jun Wu Xie. Bumalik na sa kanilang sistema ang sakit galing sa pinsalang kanilang natamo, pati na rin ang pagod nila sa paghahanap.
Makalipas ang ilang saglit ay pagod ang mga itong umupo sa sahig.
Inilibot ni Jun Wu Xie ang kaniyang paningin sa kaniyang kasamahan. Ang mga mukha ng mga ito ay namumutla. Sa wakas ay naintindihan niyang iba ang dinanas ng kaniyang mga kasamahan kumpara sa dinanas niya nitong mga nakaraang araw.
Ang bahay na batong ito na nadiskubre ni Drunk Lotus ay naging magandang lugar para maging pahingahan ni Jun Wu Xie.