Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 674 - Bahay na Bato (2)

Chapter 674 - Bahay na Bato (2)

"Iniwan ba ng may-ari ng bahay ang mga markang ito?" Tanong ni Jun Wu Xie sa kaniyang sarili. Nagpatuloy siya sa pagsuri sa mga batong abot ng kaniyang kamay. Pare-pareho ang mga markang naiwan doon. Limang marka sa isang grupo.

"Little Black." Tawag ni Jun Wu Xie.

Agad namang tumayo ang black beast.

"Tignan mo kung may mga marka pa sa ibang bato." Sa kaniyang palagay, ang mga markang iyon ay ginawa ng may-ari para ilista ang araw. Kung ang markang iyon ay base nga sa araw na inilagi niya doon, ang taong iyon ay tumira nang halos pitong taon!

Mukhang mag-isang tumira ang may-ari ng bahay na ito. Kung hindi, hindi sana niya nagawang magmarka sa mga batong ito.

Nakakulong ba siya dito? O may iba siyang dahilan?

Matapong ng ilang oras, hindi mahulaan ng maayos ni Jun Wu Xie ang dahilan sa mga markang iyon.

Umikot-ikot naman ang black beast sa silid. Ginagamit nito ang mabalahibo nitong buntot para pakiramdaman ang mga markang nasa bato. Seryoso nitong tinitigan ang mga marka bago humarap kay Jun Wu Xie at sinabing: "May mga kakaibang simbolo at karakter sa mga markang iyan."

"Karakter?" Tanong ni Jun Wu Xie. Napaangat ang isa niyang kilay.

"Mmm." Tumango ang black beast.

Sumagot naman si Jun Wu Xie: "Basahin mo."

Nabubuhayan siya ng kuryosidad sa kung anong ibig sabihin ng mga bakas na iniwan ng may-ari ng bahay na ito.

Tumikhim ang black beast bago mabagal na binasa ang mga karakter na nakaukit sa bato.

Ang mga karakter na iyon ay hindi ang mga huling sulat ng may-ari, iyon ay mukhang mga alaala nito bago namatay.

[Pitong taon na ang nakakalipas...at hindi pa rin ako nakakagawa ng paraan para makaalis. Ang mga halimaw na iyon ay bigla na lang nagsusulputan. Gusto ko nang makaalis sa sinumpang lugar na ito, ngunit hindi ko alam kung paano. Dito na ba ako mamamatay?]

[Hindi ko inakalang ang natitira kong buhay ay dito na lang. Sa lugar na itong wala gaanong nakakaalam. Ang puso ng isang tao ay hindi talaga marunong makuntento. Kung hindi sana ako nag-asam ng mas malakas na kapangyarihan at kakayahan, kung hindi sana pumayag na makipagtrabaho sa kanila, nanatili siguro ako sa palasyo at nanatiling nakasuot ng elegante ng robe, kumakain ng masasarap na pagkain at sumimsim ng masasarap na alak.]

[Purple spirits...Haha...Ano naman kung kaya kong pataasin ang aking kapangyarihan sa purple spirit level? Kahit ang magiting na nasa purple spirit level ay naging parang dagang nakakulong sa sinumpang lugar na ito! Ang tanga ko, Inakala kong hanggang nakikinabang ang magkabilang panig, hindi ako sa saktan ng mga taong iyon. Ngunit mali ako. Para sa kanila, walang silbi sa kanila ang namamahala ng isang bansa. Wala silang pakialam sa aking bansa, sa aking mga sundalo...]

[Tingin ko ay hindi na ako magtatagal. Walang tubig, walang pagkain... Nakaasa na lang ako sa aking spirit powers, mga lumot at hamog...kung magpapatuloy pa akong mabuhay ng ganito, mas gugustuhin ko na lang mamatay. Nagagawa kong iangat ang aking kapangyarihan sa purple spirit ngunit hindi pa rin iyon nakatulong para iligtas ang sarili ko sa lugar na ito. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayaw nilang sila mismo ang magpunta dito kahit na sila ay di hamak na mas malalakas. Dahil ang lugar na ito ay isang impyerno! Purple spirit...purple spirit...isa lang iyong bunga ng pagsunog ng spirit power ng isang tao. Isinuko ko ang lahat ng mayroon ako para dito. Isa akong malaking tanga.]

[Gagamitin ko ang aking huling lakas at kapangyarihan para gumawa ng isang malawak at galit na galit na impyerno para sirain ang lahat. Patawarin sana ako ng aking mga ninuno sa aking pagiging ganid. At iligtas ang aking kaluluwa pag ako ay namatay na.]

Related Books

Popular novel hashtag