Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 69 - Pag-ibig (Unang Bahagi)

Chapter 69 - Pag-ibig (Unang Bahagi)

Mahusay nga naman talaga si Mo Qian Yuan. Matapos ang salu-salo, kinaumagahan, gamit ang rasong 'nagkasundo talaga kami ni Jun Wu Xie', inimbitahan niya si Jun Wu Xie sa palasyo.

Ang mga pinakabagulat ay si Jun Xian at Jun Qing. Hindi nila maintindihan kung bakit biglaang inimbitahan ni Mo Qian Yuan si Jun Wu Xie, at mas nagulat nang pinakita ni Jun Wu Xie ang intensyon niyang tanggapin ang imbitasyon. Wala na silang nagawa kundi hayaan siyang magpunta.

Tanghali nang nakaupo si Jun Wu Xie sa harap ni Mo Qian Yuan sa kanyang silid, isang kamay sa kanyang galanggalangan, kinukuha ang kanyang pulso.

"Pinayagan ka talaga ng iyong lolo?" Tinanong ni Mo Qian Yuan na hindi makapaniwala habang hawak ang kanyang baba sa kabila niyang kamay at nakatingin kay Jun Wu Xie na nakalaan lahat ng atensyon sa kanyang pulso.

Kamakailan lamang ay hindi gaanong maganda ang pagtrato ng Hari sa Palasyo ng Lin, at dahil sa mabigat na hangin, nagulat siyang pinayagan ni Jun Xian na magpunta ng mag-isa si Jun Wu Xie.

Hindi siya tinignan ni Jun Wu Xie habang patuloy s kanyang pagsusuri: "Kasama ang isang prinsipeng 'walang kwenta', ano bang dapat katakutan?"

"..." Nangisay ang bibig ni Mo Qian Yuan, nakakalason nga talaga ang bibig nitong babaeng ito. Sinilip niya ang 'maliit' na itim na pusang nakahiga sa kanyang paa at naalala ang lahat ng nangyari kagabi.Napalunok siya dahil may naiwan pang takot para sa bola ng itim na balahibo at bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"Isipin mo nga naman, pag maraming sumusuporta sa akin at nagkaroon ako ng kahit kaunting kapangyarihan, pipigilan ka talaga ni Lin Wang sa pagpunta sa akin para maiwasan ang mga hinala. Subalit ang imahe ko ngayon ay ang Tagapagmanang Prinsipe na mawawalan ng korona, walang matalino ang nanaising magkaroon ng kinalaman sa akin." Tinawa niya.

Ang Palasyo ng Lin ang may hawak sa kalahati ng pwersa ng militar ng bayan at pag nagkampi sila ng Panganay na Prinsipe, magiging malakas ito na alyansa.

Ngunit pag pinag-isipang mabuti, tila ito isang barkong lumulubog na mayroong sakay na dalawang tigreng may sakit.

"Kaya mo bang hulaan… Kung ano ang sinabi kong rason para payagan akong imbitahan ka para bumisita?" Sinabi ni Mo Qian Yuan ng may ningning sa kanyang mga mata. Sa sarili niya, aya niyang tawaging ama ang taong iyon.

Hindi siya pinansin ni Jun Wu Xie at tinuloy lang ang kanyang ginagawa.

Tinuloy niyang natutuwa: "Sinabi ko sa kanya na nahulog ako sa iyo."

Napatingin na si Jun Wu Xie, ngunit walang bakas ng gulat sa kanyang mga mata. Tinignan lang siya ng may malinaw na mga mata.

"Bale, handa ka nang hayaan siyang isipin na interesado ka sa isang babaeng iniwan ni Mo Xuan Fei?"

"...." Nang sinabi niya ito, tuluyang natalo si Mo Qian Yuan at nawalan ng rason para sumagot. Tumawa siyang may pait at hindi mapigilan ang pagtingin sa kanya.

"Lagi ka bang ganyan magsalita? Lagi ka bang malupit sa iyong sarili?" Bakit kaya wala siyang awa sa kanyang sarili? Gumagamit ng mga salitang 'iniwan' sa kanyang sarili na parang wala lang. Naniwala talaga si Mo Qian Yuan na isang malaking tanga ang kanyang kapatid at malaking pagkakamali ang pagbitiw kay Jun Wu Xie.

Ang nakaraang Jun Wu Xie siguro ay hindi maayos, ngunit ang Jun Wu Xie na nakaupo sa kanyang harapan ay ang pinaka nakaka-intrigang babaeng nakilala niya. Dalaga, para mas tama.

Isang babaeng may lakas ng loob para paluhurin ang isang prinsipe at inutusan pa itong agawin ang trono? Anong lakas ng loob ang mayroon siya?

"Sinasabi ko lang ang katotohanan." Sabi niya.

Natawa si Mo Qian Yuan, medyo nairita. Hindi talaga niya siya mabasa.

"Noong ipaglaban kita nung pagdiriwang ng aking kaarawan, ang ninais ko lang noon ay galitin siya. Sino ang nag-akala na ito ang pinakamahusay na takip para sa ngayon?" Natawa siya nang maalala ang mukha ng Emperador nung sinabi niya ang nararamdaman niya para kay Jun Wu Xie. Walang katumbas ang itsura niya.

"Ang dalawang taong pinakanais niyang mawala ay magkasama na, dapat masaya siya diba? Ngayon, pwede siyang pumatay ng dalawang ibon gamit ang isang bato, mas madali na diba?" Tumawa siya sa kasaklapan nito.