Chapter 670 - Krisis (1)

Umungol si Lord Meh Meh at tumalon ito palapit kay Jun Wu Xie. Pinansagang nito ang kaniyang katawan kay Jun Wu Xie!

Agad na tumama ang bola ng apoy sa katawan ni Lord Meh Meh. Agad namang kumalat ang apoy sa buong katawan ni Lord Meh Meh. Ang puti nitong balahibo ay naging itim!

Parang tumigil naman sa pagtibok ang puso ni Jun Wu Xie nang kaniyang makita ang nasusunog na si Lord Meh Meh. Agad siyang lumapit dito at kinarga ang tupa. Hindi na nito pinansin ang nakakapasong init sa kaniyang mga braso!

Isang malakas na dagundong ang kanilang narinig,

Nang makita ng grupo na inaatake si Jun Wu Xie mabilis na tumakbo palapit sina Qiao Chu kay Jun Wu Xie!

Bago pa man sila tuluyang makalapit, isang malakas na hangin ang naglipad sa kanila palayo. Lahat sila ay nasa ere at parang nasa loob ng isang ipo-ipo!

"Little Xie!"

Nanlaki ang mga mata ni Qiao Chu nang kaniyang makita si Jun Wu Xie na nasa loob ng isang malaking buhawi bago niya matagpuan ang sarili at ang iba pa sa parehong sitwasyon!

...

Sa kadiliman, nagising si Jun Wu Xie at hilong-hilo pa rin. Ramdam niya ang kirot sa kaniyang ulo at parang ang kaniyang mga buto ay nabali. Malamig ang lupang kaniyang hinihigaan, bago pa man siya nakatayo naramdaman niya ang matinding sakit sa kaniyang kaliwang binti!

Tumulo ang malamig na pawis sa kaniyang sintido habang pinipilit niyang mangapa sa kadiliman.

Sa wakas ay kaniyang naramdaman ang malamig na Spirit Fire Globe. Agad niya iyong hinawakan at ipinasok doon ang spirit stone.

Kumisap-kisap ang ilaw at agad ding nawala. Muling binalot ng kadiliman ang paligid.

Purong itim lang ang kaniyang nakikita at may maliliit na apoy sa lupa sa kaniyang paligid. Isang maliit at sunog na pigura ang nakahiga sa kaniyang tabi. Hindi iyon gumagalaw.

Pinilit ni Jun Wu Xie na makagalaw. Ang kaniyang kaliwang binti ay napinsala gawa ng kaniyang malakas na pagbagsak sa lupa. Tiniis niya ang sakit at pinilit na makalapit sa maliit na pigurang nasa kaniyang tabi.

Ang sunog na pigurang iyon ay si Lord Meh Meh. Sa oras na iyon ang maputing balahibo nito ay nasunog at balat na lang ang natira dito. May mga galos din ito sa katawan. Tumutulo ang dugo nito sa mga sugat na nasa iba't-ibang parte ng katawan.

Hindi pinansin ni Jun Wu Xie ang pinsalang kaniyang natamo. Agad nitong sinuri ang kondisyon ni Lord Meh Meh. Malubha ang mga paso sa katawan ng tupa at mahina ang paghinga nito. Nakapikit ang mga mata nito at bakas sa mukha nito ang sakit na nararamdaman.

Saglit na nanginig si Jun Wu Xie.

Pinilit niyang kalmahin ang sarili. May kinuha siyang gamot sa kaniyang cosmos bag at hinalo iyon sa tubig bago ipinahid sa katawan ni Lord Meh Meh.

Mabagal ang reaksyon ng katawan ng tupa sa gamot na ipinahid ni Jun Wu Xie. Walang nagawa si Jun Wu Xie kundi direktang ipahid iyon sa mga sugat. At tuwing dadampi ang healing salve sa sugat ay kumikislot ang katawan ni Lord Meh Meh.

Kung noon ay napaka-cute ng itsura ni Lord Meh Meh, ngayon ay nakakakilabot ang itsura nito. Para itong sunog na bola na may mga dugo. Nagmantsa sa kamay ni Jun Wu Xie ang dugo ng tupa pero hindi iyon pinansin ni Jun Wu Xie. Maingat nitong kinarga si Lord Meh Meh para magamot niya ng maigi ang mga sugat nito.