Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 664 - Ilalim ng Cliff (2)

Chapter 664 - Ilalim ng Cliff (2)

Pinag-utos niya kay Mu Qian Fan na hanapin ang Spirit Fire Globes sa Chan Lin Town.

Dahil sa may kamahalan ang Spirit Fire Globes, kaunti lang ang nagtitinda noon. Kahit na ang Chan Lin Town ay palaging abala at maraming tao, karamihan sa mga taong iyon ay mga disipulo lang din ng Zephyr Academy. Ngunit hindi gaanong pinagtutuunan ng pansin ng mga disipulo ang bagay na iyon kaya kaunti lang ang nagtitinda.

Tatlo lang ang nabili ni Mu Qian Fan at lahat ng iyon ay galing sa Chan Lin Town at ang kaniyang binayaran ay mas mahal pa.

Hawak ni Jun Wu Xie ang ilang piraso ng low grade spirit stones na kanilang nakuha sa Battle Spirits Forest. Ang tinanggap lang ng Chan Lin Auction House ay ang medium at high grade spirit stones. Kaya naman ang mga low grade spirit stones ay naiwan sa cosmos sack ni Jun Wu Xie at ngayon ay magagamit niya ito.

Nagbigay ng kaunting liwanag ang Spirit Fire Globe sa baba ng cliff.

Hawak naman ni Rong Ruo at Hua Yao ang dalawa pang ilaw. Hindi sila nagdalawang isip na pailawin iyon nang makita nila si Jun Wu Xie na naglagay ng Spirit Fire Globe.

Mas lumiwanag pa ang paligid nang ang tatlong Spirit Fire Globe ang nasindihan.

Natigilan sila sa kanilang nakita!

Ang kanilang tinatapakan ay hindi purong lupa!

Iyon ay napakaraming kalansay! Mga nabaling buto at ang iba ay nagyeyelo.

"Ito ang mga buto ng mga taong kinuhanan ng buhay ng Heaven's End Cliff?" Takot na napasinghap si Qiao Chu. Natagpuan nito ang sariling nakatayo sa nagpatong-patong na buto. Halos tumalon ang kaniyang puso sa kaniyang nakita.

"Siguro." Sagot naman ni Jun Wu Xie. Inilibot ni Jun Wu Xie ang kaniyang paningin sa mga buto sa kanilang paligid. Karamihan sa mga butong iyon ay nadurog na. Nasa pader pa rin sila ng cliff at kung titingnan ang mga butong iyon, sa tingin niya ay buto iyon ng mga taong nahulog doon.

"Matagal nang patay ang mga taong ito." Sinuri ni Jun Wu Xie ang paligid. Sa lagay ng mga butong iyon, halata nang matagal na nga ang mga ito.

Kitang-kita ang mga buto at iyon ay natatabunan ng makapal na yelo. Kung titignan ang yelong iyon masyado iyong makapal para mabuo sa loob lang ng ilang taon.

Mapapabilis ng basang paligid ang pagkaagnas ng tao at tanging ang buto na lang nito ang maiiwan. Mamumuo ang mga yelo doon hanggang sa tuluyan na iyong balutin.

"Matagal nang kumalat ang usap-usapan tungkol sa Heaven's End Cliff. Noon ay marami nang sumubok na magpunta dito. Ngunit dahil sa dumadami ang bilang ng taong namamatay dito, tumigil sila sa pagpunta. Hanggang ngayon, kaunti lang ang nakakaalam kung saan ang tunay na lokasyon ng Heaven's End Cliff." Dagdag ni Fei Yan sa sinabi ni Jun Wu Xie.

Bahagya namang tumango si Jun Wu Xie at kinuha ang isang porcelain bottle sa kaniyang Cosmos Sack. Binuksan niya iyon at nagbuhos ng kaunti sa kaniyang palad.

"May lason ang hamog dito. Inumin niyo ito."

"Napakamaalalahanin ni Little Xie." Nakangiting lumapit sa kaniya si Qiao Chu saka ininom ang isang elixir. Hindi na ito nagtanong kung anong klase ng elixir iyon.

Si Hua Yao, Rong Ruo at Fei Yan ay uminom din ng tig-iisa. Saglit na nag-alinlangan si Ye Sha at Ye Mei at nang makita nilang nakatitig sa kanila si Jun Wu Xie ay agad nila itong ininom.

Pamilyar sa kanilang dalawa ang lason na ginamit ng Dark Regime at sila ay hindi na tinatablan ng epekto noon. Ngunit bago sila makasigurong gawa ng ng Dark Regime ang lugar na ito, hindi masama na sila ay mag-ingat.

Related Books

Popular novel hashtag