Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 659 - Sa Dulong Talampas ng Langit (3)

Chapter 659 - Sa Dulong Talampas ng Langit (3)

Umiling si Ye Mei.

"Walang iniwang utos sa atin ang Poong Jue tungkol dito at hindi tayo pwede magdesisyon lang. Bukod dito…" Napakunot ang noo ni Ye Mei. "Sa tingin ko, ang rason kung bakit hindi nagpakilala ang Poong Jue kay maestra ay para makaiwas sa panganib na pwedeng ikasangkot niya. Hanggang ngayon, hindi parin natatapos ang mga taong iyon sa paguusig sa Poong Jue."

Galit na sinuntok ni Ye Sha ang kanyang palad.

"Kung hindi lang tayo nahulog sa patibong nila, base sa mga mababang insektong yon, wala silang magagawa sa poon natin! Nakakapanghinayang na matapos ang pagkakulong niya ng ilang taon, nabawasan ng husto ang kapangyarihan ng ating poon, o ako ang unang susunod sa kanya sa pagbura ng kahihiyang tiniis."

Ang mga nangyari kay Jun Wu Yao ng mga panahong iyon, ay isang tinik na nakatusok sa mga puso nila Ye Sha at ang kanyang kasamahan.

Dahil sa kawalang kakayahan ng kanyang mg kasama, napahiya ang kanilang poon!

Kung hindi lang sila ang nautusang hanapin si Jun Wu Yao, malamang ay nagpakamatay na sila sa pagkabigo nilang maprotektahan ang kanilang poon.

"Nakaraan na iyon. Kailangan natin hintayin kung paano sosolusyunan ng Poong Jue ito. Pero sa nakikita ko, determinadong bumaba ang maestra sa Heaven's End Cliff. Kung hindi natin masasabi ang totoo sakanya, dapat natin siyang samahan. Una, magkakaoportunidad tayong mabantayan ang maestra, at pangalawa, matitiyak natin kung ang lugar sa ilalim ng Heaven's End Cliff ay gawa talaga ng Dark Regime." Matapos pagisipan ni Ye Mei ang lahat ng pwedeng gawin, ito ang pinakalohikal na pwede nilang piliin.

Hindi na rin makapagbigay ng ibang mungkahi si Ye Sha kaya't siya'y sumangayon nalang.

Bumalik sila sa grupo at nakipagusap kay Jun Wu Xie na pasamahin sila sa pagbaba sa Heaven's End Cliff, dahil hindi sila makakaharap kay Jun Wu Yao pag may nangyari kay Jun Wu Xie.

Nang mabanggit nila ang pangalan ni Jun Wu Yao, hindi na naglaban pa si Jun Wu Xie.

Bukod dun, talagang magaling si Ye Sha, at sa pakikipagugnayan ni Ye Mei kay Ye Sha, hindi nagpapahuli ang galing nito. Sa pagsama ng dalawang magagaling na manlalaban, mas magiging ligtas ang grupo.

Nakapagdala ang grupo ng sampung makakapal na lubid para sa mga di inaasahang pangyayari, at nabigyan nila ng dalawang sobra sila Ye Sha at Ye Mei.

Mananatili si Mu Qian Fan sa tuktok at magbabantay ng kanilang mga gamit habang sila Jun Wu Xie at ang iba ay nakapaghanda nang bumaba. Ang kanilang mga lubid ay mabilis nawala sa makapal na hamog.

"Hayaan niyo kaming mauna." Sinabi ni Ye Sha.

Tumango si Jun Wu Xie.

Kinuha nila Ye Sha at Ye Mei ang dalawang pinakadulong lubid, kung saan ito ang pinakamapanganib. Kasabay nito ang pagkuha ni Ye Sha kay Lord Meh Meh mula kay Jun Wu Xie, para mabawasan ang bitbit nito.

Ilang sandali ang nagdaan matapos bumaba nila Ye Sha at Ye Mei, narinig ni Jun Wu Xie ang pagsigaw nila, sensyas na pwede na silang bumaba.

Ang layo mula sa tuktok ng talampas sa pinakababa nito ay napakalayo at sila'y nakapagpalipas pa ng isang gabing nakabitin sa lubid. Ang kanilang mga kasama'y nakapagpalit na ng mas makapal na damit at ang pinakalabas na pandamit ay ginawang water-proof. Bagama't hindi sila nakaligtas sa pagkakamamasa-masa mula sa ulap, mas mabuti na yun kaysa sa wala.

May suot na makakapal na damit si Jun Wu Xie sa kanyang mga kamay, at ito'y humawak ng mahigpit sa lubid, dahan dahang bumababa sa talampas. 

Hindi sila nagmamadaling gumalaw. Para sa napakahabang pagbaba, ang masyadong paggamit ng kanilang lakas ay makakaubos lang ng kanilang enerhiya sa gitna.

Nang makababa sila ng mga sampung metro, naramdaman ni Jun Wu Xie ang pagbaba ng temperatura. Ang kanilang lubid na kakatapon lang nila'y nabasa na ng hamog. Kung di sila naghanda sa pagbili ng mas magaspang na lubid at ang magagaspang na guwantes para madadagdagan ang friction at kanilang kapit, magkakaroon sila ng maraming problema sa madudulas na lubid.

Tumingin si Jun Wu Xie sa taas. Hindi na niya makita ang tuktok ng talampas. Lahat ng nakikita niya'y puro puting ulap lamang.

Related Books

Popular novel hashtag