Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 656 - Pagbabayad (3)

Chapter 656 - Pagbabayad (3)

Matapos ang engkwentro sa grupo ng mga lalak, pinakarga muli ni Jun Wu Xie ang walang malay na si Mu Qian Fan sa likod ng itim na halimaw, at sila'y bumalik sa kanilang kampo. May distansya ang pagsunod ni Lord Meh Meh sakanila. Dahan dahan itong naglalakad sa likod nila at biglang titigil habang nakatingin lamang sa likod ni Jun Wu Xie. Nang mapagtanto niyang hindi magreresponde si Jun Wu Xie sakanya, napayuko na lamang siya. Tahimik siyang sumunod at lungkot na lungkot. 

Pakiramdam ni Lord Meh Meh na hindi niya naman kasalanan ang unang lalaking nadurog niya. Paano niya ba malalaman na napakahina at napakadaling madurog ng isang tao? Dahan dahan, at napakarahan niyang hinawakan ito nang bigla syang mamatay!

Sa kanilang kampo, sa tabi ng apoy, nakabalik na si Rong Ruo at si Fei Yan at ang lima pa nilang kasama ay nakapalibot dito't nagkukwentuhan.

Nang marinig nila ang mga yapak, lumingon silang nakangiti ngunti nawala agad ito nang makita niyang di magisang bumalik si Jun Wu Xie, kungdi kasama niya si Mu Qian Fan!

Ang mas nakapagpataka pa sakanila ay nababalutan ito ng dugo!

"Anong nangyari?!" Dali daling tumayo si Qiao Chu.

Sinabi ni Jung Wu Xie ang mga pangyayari tungkol sa engkwentro ni Mu Qian Fan sa grupo ng mga lalaki at siya'y inatake. Ipinaliwanag niya ang may napakatiting na detalyeng kinakailangan bago ibinigay ang duguang mapa kay Hua Yao.

Ikinumpara ni Hua Yao ang hindi kumpletong mapa sa iba at sinabi niya "Kung di ako nagkakamali, isa ito sa walong piraso ng mapang nagpapakita ng daan sa Dark Emperor's tomb. Nakakapanghinayang at namantsahan ito ng dugo, kung hindi ay may isang piraso pa man din sana tayo sa mga kamay natin."

Hindi napigilang magbuntong hininga ni Hua Yao sa dulo ng kanyang sinabi.

Hindi madali makuha ang bawat piraso ng mapa, at para masayang ang oportunidad na ito, maraming oras at pagod ang igugugol nila para mabawi ito.

Hindi nagsalita si Jun Wu Xie, sa halip ay tumingin lamang kay Lord Meh Meh sa kanyang tabi. Napatingin si Lord Meh Meh kay Jun Wu Xie at nang makita niya ang malamig na titig nito sakanya, hindi nito mapigilang manginig.

"Meh meh meh!!"

[ Hindi ko sinasadya! Hindi ko talaga sinadadya! ]

Tumakbo si Lord Meh Meh sa kagubatan at nagtago sa mga puno.

"Ano… anong nangyari kay Lord Meh Meh?" Tanong ni Rong Ruo nang makita niyang tumatakbo papalayo't mukhang nababagabag pero ang tanaw ng isang bola ng puting lanang tumatakbo ay nagudyok sakanya para tumawa. 

[kaibig-ibig itong tignan!]

"Wag niyo nang pag abalahan pa." Tahimik na nagsalita si Jun Wu Xie.

"Kahit hindi natin magagamit ang mapa, nakakuha naman tayo ng importanteng impormasyon, hindi ba? Mukhang nasa kamay ng tagapagmanang prinsipe ng bansang Yan ang pangapat na piraso ng mapa. Pag nakuha na natin ang pirasong nasa Zephyr Academy, maari na nating isunod ang paglakbay sa bansang Yan." Masayang sinabi ni Hua Yao. Walang napapala ang pagmumuni sa kung anong nangyari na. Nakatulong naman ang impormasyong nakuha nila.

"Malayo layo ang lakbayin mula sa Zephyr Academy papunta sa bansang Yan." Nabanggit ni Fei Yan habang iniisip ang mapa ng napakapamilyar na mapa ng Lower Realm.

Sa pagitan ng bansang Yan at ng Zephyr Academy, marami raming maliliit na bansa ang kanilang kailangang daanan. Base sa layo, kakailanganin nilang maglakbay ng mahigit isang buwan para makarating sa malayong bansa ng Yan. At ang mahigit isang buwan na paglalakbay ay nangangailangang sagarin ang kakayahan ng mga kabayo.

"Hindi naman natin kailangan magmadali. Matapos ang paglalakbay na ito, makakapasok na tayo sa pangunahing dibisyon ng Zephyr Academy sa loob ng isang linggo. Sigurado akong makukuha na natin ang mapa sa panahong iyon." Nagdahilan si Hua Yao.

"Sino sa tingin mo ang may hawak ng mapa sa Zephyr Academy?" Tanong ni Fei Yan..

"Ning Rui." Biglaang sumagot si Jun Wu Xie.

Tinuloy ni Jun Wu Xie ang kanyang sinasabi. "Nang naghahanap ng tao ang Twelve Palaces sa Lower Realm, hindi nila lalapitan ang mga walang kapangyarihan. Kung hindi ang punong guro, ang bise punong guro lamang ang maari."