Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 654 - Pagbabayad (1)

Chapter 654 - Pagbabayad (1)

Maaaring sabihin na ang bansang Yan ay naging pinakamalakas na kapangyaihan sa Lower Realm. Nahilig ang bansang Yan at ito'y nakapagdala ng matatangumpay na kilusang digmaan. Ang pinakamalaking digmaang nangyari isang siglong nagkalipas, ang naging selyo ng kanilang paghahari at onti-onting nabawasan ang kanilang pakikipagdigma.

Nakatutok na ang mga gawain ng bansang Yan na payamanin ang kanilang ekonomiya. Ang kanilang mga tao'y nanatiling magagaling sa pakikipaglaban, para mapanatili ang kanilang hindi matinag na paghahari.

Pinagmulay-mulayan ni Jun Wu Xie ang mga katotohanang ito. Ang mapang nagtutungo sa Dark Emperor's Tomb ay nabubuo ng walong hiwahiwalay na piraso. Ang pagkakaroon ng isa sa mga piraso'y limit sa kaalaman ng Twelve Palaces dahil ito'y itinago mula sa kanila, at kasalukuyang nasa kamay ni Fan Zhou. Ang natitirang pitong piraso hinahawakan ng pito sa Twelve Palaces hindi nasasabing paglaban sa iginagalang kapangyarihan ng Dark Emperor at ang sobrang lakas na pangingibabagaw na gawa ng Dark Regiment.

Ang Twelve PalacesI ay natatakot gawin ang hindi kapatapatawad na krimen ng pagistorbo ng walang katapusang pahinga ng Dark Emperor, kung kaya't pinadala nila ang kanilang tao para makipagugnayan sa iba't ibang kapayangyarihan sa Lower Realm, ibinibigay ang mga piraso ng mapa sa mga taong ang kanilang kapangyariha'y pinapayabong nila, para palihim na tulungan silang hanapin ang Dark Emperor's tomb.

Hanggang sa sandaling iyon, alam ni Jun Wu Xie ang tatlong piraso sa mapang iyon. Maliban sa itinatagong mapa ni Fan Zhou, isa ay nasa kamay ng pinakamalaking angkan, ang angkan ng Qing Yun. Ang isa nama'y nasa loob ng pangatlong pinakamataas ng akademya sa buong kalupaan, ang kilalang Zephyr Academy. Sa isang mabilis na pagsusuri sa dalawang nabanggit na tagapaghawak ng piraso ng mapa, hindi mahirap maghinuha na ang pinili ng Twelve Palace ang ay mga pinakamalakas at maimpluwensyang kapangyarihan sa Lower Realm. Gayunpaman, ang mga mas mahihinang kapangyariha'y walang laban sa mga pagsubok sa Heaven's End Cliff.

Pilong mga palasyo ang kasangkot dito, at hindi alam ni Jun Wu Xie ang ginawa ng lima pang palasyo, pero ang alam niya lang na ang bawat indibidwal na palasyong may kasangkutan sa lahat ng ito, at ang kanilang mga interes sa iba't ibang kapangyarihang kanilang sinilo.

At ang bansang Yan ay maaaring maging isa sa mga napili nilang pitong palasyo.

"Ang prinsipeng tagapagmana ng bansang Yan." Napatingin lamang si Jun Wu Xie sa namamanang nakayuko sa kanyang harapan. Alam niyang nasabi na nito lahat ng nalalaman niya.

Wala na siyang makukuha pang ibang impormasyon sa lalaking ito.

"Pa…pa…papakawalan niyo… na po ba kami?" Tanong nitong nagmamakaawa, ang kanyang katawa'y nanginginig. 

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang panang nasa kamay ng namamana na pinagibang anyo-an ng kanyang ring spirit.

"Akin na." 

Nalito panandalian ang namamana bago niya napagtanto ang pagtitig ni Jun Wu Xie sa kanyang ring spirit. Hindi siya nagdalawang isip at madaliang ibinigay ang pana sa kanya.

Tinignang maigi ni Jun Wu Xie ang panang nasa harap niya bago niya sinabi sa itim na pusang nasa balikat niya. "Subukan mo"

Nagmeow ang itim na pusa sa kanyang balikat.

Nakatingin lamang ang namamana kay Jun Wu Xie, tila hindi naiintinidhan ang ginagawa nito.

Ngunit, sa susunod na sandali ay nagulat siya sa mga nangyari't siya ay di makaimik.

Ang maliit na itim na pusa'y hinawakan ang isang dulo ng pana at dahan dahan itong ipinasok sa kanyang bibig.

Ang pana na mukhang matibay at biglang nakagat ng matatalas na ngipin ng pusa at ito'y nilunok nito.

Bago pa makarecover ang namamana sa nakita niya, naramdaman niya ang hirap at sakit ng pagsira ng kanyang spirit ring at siya'y nangisay sa lupa.

Ang kahirapang ito'y inatake ang kanyang buong katawan, ang mukha niya'y naging berde at bumubula ang kanyang bibig.

"Meow?"

[Na..kakain naman siya pero iba ang pakiramdam niya sa isang beast spirit]

Ang pirasong nakagat niya ay naging isang walang hubog na ispirito sa bibig ng pusa. Hindi niya kinailangang ngumuya at diretso nitong linunok.

Nakain na ng maliit na itim na pusa ang Golden Lion ni Mo Xuan Fei, at ito ang unang beses na siya'y kumain ng weapon spirit. Ginusto lamang subukan ni Jun Wu Xie at di niya akalaing ito'y magiging matagumpay!

Onti onting kinain ng pusa ang weapon spirit at ang namamana sa mga panahong iyon ay namimilipit na't nanginginig dsa sahig, ang mga mata'y puti na lamang ang nakikita at ang mga hininga'y hirap na lumabas.

Magkumpulan ang mga kasama ng namamana at wala silang magawa kungdi panoorin ang paghihirap ng kanilang kasamahan, ang kanilang mga puso'y nabalot na ng nakakaparalisang takot!

Related Books

Popular novel hashtag