Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 652 - Walang Gumugulo sa Aking Pasyente (4)

Chapter 652 - Walang Gumugulo sa Aking Pasyente (4)

Napatingin lang siya kay Jun Wu Xie, ang panginginig ng kanyang katawa'y di maitago. Kahit mukhang lampa't payat ang batang nasa harap niya, hindi niya minaliit ang kakayahan nito kahit konti.

Para sa isang taong makapagutos ng isang legendary Guardian Grade Spirit Beast hindi pwedeng isang simple't ordinaryong bata lang ito.

Kahit sila'y marami, walang ni isa ang nakatakas sa lakas ng Guardian Grade Spirit Beast. Lahat sila'y nahuli. Kahit naghiwa-hiwalay na sila'y nagtago na sa siksikang mga puno sa kagubatan, walang ni isa ang pinalad na makatakas.

Matapos nilang mapagtanto ang kakayanan ng Guardian Grade Spirit Beast, sumuko na sila sa kahit anong pag-asa ng pagtakas.

"A...a…" Napatigil ang lalaki, at ito'y napapatingin sa kanyang paligid.

Bahagyang nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie. Mabilis na napansin ito ni Lord Meh Meh ang pagkainis ni Jun Wu Xie at palihim na pinitik ang isa sa mga buntot nito, at hinampas ang paligoyligoy na lalaki sa lupa.

Ang isang balewalang pitik ng Guardian Grade Spirit Beast ay hindi makakaya ng isang ordinaryong tao.

"ARRGH!!" Isang masakit sa tengang hiyaw ng lalaki, at nang ilayo ni Lord Meh Meh ang kanyang buntot, nakahandusay na sa lupa ang lalaki. Nagkalat ang sugat sa kanyang katawan at ang kanyang dugo ay nagmansta na sa lupa.

Naglabas pa ng huling mga ungal ang lalaki bago ito tumigil sa pag-galaw. 

"...." Nakatitig lang si Lord Meh Meh sa lalaking inihampas niya sa lupa at napapikit ng ilang beses bago binaling ang tingin kay Jun Wu Xie. Nang makita niyang nanlalamig ang mga mata ni Jun Wu Xie, ito'y nakaramdam ng lamig sa kanyang mga buto at dali daling ibinuhat ang lalaki mula sa lupa. Dahan dahan nitong hinaplos at ginising ang katawan.

Ang resulta ay….

Walang dudang patay na ang katawang kanyang hinahaploas. 

Ang ilong ng lalaki'y napipi sa kanyang mukha, at ang kanyang tadyang ay nakatusok na sa kanyang dibdib. Hindi na ito maari pang maibalik sa pagkabuhay.

"...." Napatigil si Lord Meh Meh, ang kanyang tenga'y nakayupyop sa kanyang mukha sa pagsisisi. Ito'y yumuko at hindi makatingin kay Jun Wu Xie.

[Paano niya ba malalaman na napakarupok ng katawan ng lalaki?! "Hinaplos" lang naman ng kanyang buntot ang lalaki at bigla nalang itong namatay! ] 

[Ang dali niyang masira!]

Tinignan ni Jun Wu Xie ang bangkay bago binaling ang tingin sa mga kasamahan nito.

Hindi nila alam ang naganap na "paguusap" nina Jun Wu Xie at ni Lord Meh Meh gamit ang kanilang mga mata. Ang nakita lang nila ang pagkamatay ng kanilang lider. Wala man lang kahit kaunting awa mula sa dalawa!

Sa mga panahong iyon, kahit sila'y nagpapasalamat at buhay sila, sila'y halos mabaliw sa takot at ni hindi sila tumingin ni minsan sa bangkay sa tabi nila.

"Ikaw, halika dito." Tinuro ni Jun Wu Xie ang isang lalaking may hawak na pana.

Napaiyak ang lalaki at magmamakaawa nang bigla siya sinipa ng mga kasama nya. Siya'y nadapa't natigil sa mga paa ni Jun Wu Xie. Walang naglakas loob na tumulong dahil lahat sila'y napupuno ng takot na sila ang isunod.

Sa kanyang gulat, siya'y napaluhod at napayuko na sa lupa sa harap ni Jun Wu Xie. Sa kanyang takot ay hindi siya makatingin habang siyang nanginginig at nakaluhod.

"Ikaw magsabi sakin." Ang kanyang malamig na boses ay maririnig mula sa taas ng ulo ng lalaki.

"Hi… hindi ako… ang nakaisip… na patayin siya…. Siya…. Siya ang… siya ang nagutos sakin…." Sagot nitong halos nakahiga na sa lupa. Gusto na sana nitong lumubog sa lupa habang ipinipilit na makasagot.

"Dahilan." Hindi ito ang gustong marinig ni Jun Wu Xie.

Naalala niya kung paano namatay ang kanilang lider, kung kaya't di na siya nagdalawang isip at sumagot. "Na.. narinig niya kasi ang paguusap namin nang hindi sadya. Natakot ang lider namin na baka kumalat ito, kaya inutusan niya kaming patayin siya."