Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 67 - Ang Panganay na Prinsipe (Pangatlong Bahagi)

Chapter 67 - Ang Panganay na Prinsipe (Pangatlong Bahagi)

Sa isang saglit, naging malaking itim na panter ang maliit na itim na pusa?

Hindi makagalaw si Mo Qian Yuan dahil sa malaking katawan nito at lumapit si Jun Wu Xie sa kanya.

"Hindi ako sanay na magsabi ng kung ano lang kaya kung hindi ka tanga, maiintindihan mo rin kung ano ang nangyayari." Lumuhod si Jun Wu Xie habang ang isa sa kanyang mga kamay ay humawak sa baba ni Mo Qian Yuan. Bagaman mukhang mahinhin ang mga kamay niya, sino ang nag-akalang ang lakas nito! Sa isang saglit, binuksan niya ang kanyang bibig at may sinaksak na tableta, sinarado ang kanyang bibig at sinapak ang kanyang dibdib. Segundo lang nangyari ang lahat. Mabilis at asintado.

Bago pa siya makakilos, nalunok na niya ang sinubo sa kanya.

"An… Ano ang binabalak mo…?" Tinignan niya siya ng may mapulang mata at naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam ang nasa isip nito kaya natakot siya ng kaunti rito.

"Little Black, bantayan mo siya." Hindi na siya nagsalita at naglakad papunta sa mga batong upuan at ummupo.

Tinangka parin ni Mo Qing yuan na kumawala. Binuksan ng panter ang bibig nito at umungol habang pinwesto ang leeg ni Mo Qing Yuan sa gitna ng matatalas na ngipin nito.

"Pag nagsabi siya ng kahit isang salita, pwede mo siyang kagatin." Inutos niyang walang emosyon.

Tumayo lang doon ang itim na panter na nakatitig sa taong hawak nito.

Takot na takot si Mo Qing Yuan habang nagiisip. Ito ang pinakapangit na kaarawan niya. Ang gabing ito siguro ay isa sa mga pinakanakalulungkot na gabi niya, akalain mo, nabaligtad siya ng isang munting babae!

Dahil sa pananakot ng panter, dahan-dahan niyang pinikit ang kanyang mga mata, at tinanggap ang kanyang kapalaran.

Totoo ngang wala siyang kwenta. Sumuko agad siya.

Sa mabagal na paglipas ng oras, naramdaman ni Mo Qian Yuan na ang lahat ng masasamang nararamdaman niya, ang pakiramdam ng mga langgam na gumagapang sa kanyang katawan sa mga nakaraang taon ay nawawala.

Nagulat siya at nanlaki ang kanyang mga mata kay Jun Wu Xie.

"Ikaw…"

"ROAR!" Binalaan siya ng panter at hinigpitan ang kapit nito sa kanyang leeg.

Lumingon si Jun Wu Xie at sinabing: "Little Black, bitiwan mo siya."

Matapos niyang sabihin ito, nawala ang kabigatan sa kanyang katawan nang tumalon ang anyo papunta kay Jun Wu Xie at may lumitaw ulit na maliit na itim na pusa sa kanyang mga kamay.

"Meow."

[Ugh, nangangamoy ang buong katawan niya! Grabe ang amoy ng alakl! Mamamatay ako sa baho!]

Hinaplos ni Jun Wu Xie ang kanyang balahibo.

"Ano..Hindi…Ikaw…Ano ang pinakain mo sa akin? Bakit ako…?" Matagal nang hindi nararanasan ni Mo Qing Yuan ang ganito kalinaw na pag-iisip. Sa biglaang pagtino ng kayang isip, nabigla siya't hindi alam kung ano ang itatanong.

"Ang makaliligtas sa iyong buhay." Napagdesisyunan ni Jun Wu Xie na ito ang pinakamadali at mabilis na paraan para sa mga resulta.

Malalim ang tingin sa kanya ni Mo Qian Yuan, nagtanong sa isang malalim na boses: "Bakit gusto mo akong tulungan?"

"Gusto kong labanan ang iyong tatay at si Mo Xuan Fei. Gusto kong maging ikaw ang hari at iligtas ang aking Pamilya ng Jun."

Ang pagiging Emperador ay matagal na dapat na napalitan dahil mamamatay na ang kasalukuyang Emperador, pati si Mo Xuan Fei. Dahil kailangan ng kaharian ng mamamahala, pipili si Jun Wu Xie ng makakapagligtas sa kanyang pamilya.

"Gusto mong angkinin ko ang trono?!" Nagulat si Mo Qian Yuan. Hindi niya inakalang ganun lang paguusapang ang usaping ito, higit pa rito, si Jun Wu Xie ang nagsimula. Nagulat siya sa mga mapanlinlang na mga salitang lumabas mula sa bibig niya.

Tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang mga kilay: "Ayaw mo?"