Kahit si Fan Zhou ay hindi alam kung saan nanggaling ang kanyang Soul of Flames. Namana niya ito sa kanyang ina na nagpasa sakanya nito. Nagamit lamang ito ni Fan Zhou dahil sa kanilang koneksyon sa dugo.
Sa buong kasaysayan, nanatiling isang malaking misteryo kung papaano nakukuha ng mga Soul of Flames ng mga Ring Forgers dahil ni isang Ring Forger ay hindi nagsasalita tungkol dito kahit kanino.
Kahit ang ina ni Fan Zhou ay walang sinabi ukol dito.
Dahil doon, walang magawa si Jun Wu Xie sa kanyang kagustuhang maging Ring Forger.
Sumapit ang hapon. Ang karwahe'y nasa loob ng kalye sa kabundukan. Natapos nila ang halos kalahati ng kanilang paglalakbay at tinatantyang sa limang araw, makakarating sila sa Heaven's End Cliff.
Sa ngayon, malayo na si Jun Wu Xie at ang kanyang mga kasama sa sibilisasyon at walang tao sa paligid nila. Isang daang milya ang layo nila sa pinakamalapit na sibilisasyon. Wala silang makitang ni isang bayan mula sa kanilang kinatatayuan, at hindi rin sila nakakakita ng kahit isang tao.
Tinigil ni Mu Qian Fan ang karwahe sa gilid ng kalye at isa isang bumaba sila Jun Wu Xie at ang iba mula dito. Gumawa sila ng apoy at nagtayo ng kanilang mga tolda, tila'y naghahanda nang magpahinga.
Kahit nasa loob lamang sila ng karwahe, ang paglalakbay nila ng sampung araw ay naguga ng maigi ng kanilang mga buto mula sa hindi patag na kalsadang kanilang dinaanan. Gumagaling na si Mu Qian Fan at higit sa kalahati na ng kanyang mga bendahe ang natanggal na. Kahit ang balat na tumubo na sa mga sugat niya'y may malalaking peklat, mas maayos naman ito kaysa sa una niyang itsura. Ang kanyang mukha, gayunpaman, ay nababalot parin ng bendahe dahil sa tuwing kinailangan niyang magsalita, nababanat ang kanyang mga sugat at nagpapatagal ang paggaling nito.
"Maghahanap ako ng panggatong." Nakita ni Mu Qian Fan ang pagdating ng gabi, at siya'y tumayo na't tumungo sa kagubatan.
"Napakalaking tulong ni Mu Qian Fan. Sa buong paglalakbay natin, kung paano niya kinukuha ang mga trabaho ng magisa, pakiramdam ko'y wala akong kwenta." Sabi ni Qiao Chu habang minamasahe niya ang kanyang mga tuhod. Sa mga unang araw ng paglalakbay nila, gusto niyang tulungan si Mu Qian Fan sa mga gawain, pero pinababalik lamang siya ni Mu Qian Fan sa iba.
Lagi niyang kinukuha ang lahat ng mabababang uri ng gawain at hindi niya hinayaang gumawa ang kahi na sino sa kanila.
"Susubukan kong maghanap ng pagkukunan natin ng tubig." Tumayo si Rong Ruo at ang spirit ring sa kanyang daliri ay kuminang. Nagsiliparan at sumayaw sa ere ang mga Hell Butterflies at pinalibutan si Rong Ruo na nanggaling sa kinang ng singsing nito.
"Sasama ako sayo." Tumayo rin si Fei Yan.
Sumunod ang dalawa sa mga Hell Butterflies at naglakad patungo sa kung saan maari silang makakita ng kuhaan ng tubig.
Nanatili si Lord Meh Meh sa paanan ni Jun Wu Xie at halos naubos na ang damong nakapaligid dito. Hindi parin siya nakuntento at sinisiko ang mga binti ni Jun Wu Xie gamit ang kanyang mabalahibong ulo.
"Meh!"
[Gutom pa si.. Lord Meh meh!]
Isinalin ng maliit na itim na pusa ang sinabi ni Lord Meh Meh kay Jun Wu Xie at ito'y hinaplos ni Jun Wu Xie sa ulo.
Hindi masisisi si Lord Meh Meh sa pagkatakaw niya. Sa araw, lahat sila'y nasa loob lamang ng karwahe. Nakakakain ang mga tao ng mga pinatuyuang pagkain, pero ang nakakain lang ni Lord Meh Meh ay mga gulay. Kahit mukhang maliit ang katawan ni Lord Meh Meh sa kasalukuyan, ang totoong anyo nito'y napakalaki at maraming metro kwadradong damo ay hindi parin magiging sapat para sa isang kainan nito. Kung papayagan nilang magpabusog si Lord Meh Meh sa bawat oras ng kanilang pagkain, matatagalan ng husto ang kanilang paglalakbay.
"Magiikot ako." Tumayo si Jun Wu Xie. Kapag nagpatuloy ito, maari nang magprotesta si Lord Meh Meh.
Tumatawang napatingin si Qiao Chu kay Jun Wu Xie at pinaalalahanan tong magingat bago kumuha ng mga pinatuyuang karne para lutuin.
Kung paguusapan ang kapangyarihan, kahit hindi kayang itaas ni Jun Wu Xie ang kanyang lebel sa lila tulad ng iba, dahil kasama niya ang maliit na itim na pusa at si Lord Meh Meh, ang dalawang mababangis na tagapagtanggol niya, si Jun Wu Xie ang pinakamakapangyarihan sa kailang lahat.
Naglakad patungo sa mga puno si Jun Wu Xie habang karga niya ang maliit na itim na pusa at masayang nakasunod naman si Lord Meh Meh sakanya, ang mga paa'y tumatapik sa lupa at ang mabalahibong buntot nito'y nasayaw.