Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 66 - Ang Panganay na Prinsipe (Pangalawang Bahagi)

Chapter 66 - Ang Panganay na Prinsipe (Pangalawang Bahagi)

Nag-iba bigla ang ekspresyon ni Mo Qian Yuan. Luminaw ang kanyang mga mata sa pagtahimik ng hangin at sa pagbigat ng hangin. Tila naging panter siya na naghihintay sa dilim para sagpangin ang kanyang bihag.

"Ano ang sinasabi mo?" Nagkaroon ng delikadong sinag ang kanyang mga mata.

Hinaplos ni Jun Wu Xie ang balahibo ng pusa, at ng hindi tumitingin, malamig niyang sinabi: "May ilang ayaw kang magpatuloy bilang Prinsipeng Tagapagmana at nais na maaga kang mawala. Kung ganun rin ang iniisip mo, ihampas mo nalang ang iyong ulo sa mesang bato, hindi mo na kailangang aksayahin pa ang oras ng lahat."

Nangisay ang bibig ni Mo Qian Yuan. Matagal na niyang naisip na mapangahas siya ngunit ngayon lang niya nakita na mas malala ang katotohanan matapos niyang maranasan ang kanyang lason sa unang pagkakataon.

Itong babaeng ito, hindi ba niya pwedeng ayusin ang kanyang pagsabi? Kailangan bang ganoon ang kanyang pagkakasabi?

"Hindi pwedeng basta-basta lang sabihin ang ganyang mga salita, magkukunwari nalang ako na hindi ko ito narinig." Kinamot niya ang kanyang nakakunot na noo.

"Basta-bastang salita? Kung gayon, dahil nasimulan ko naman na, itutuloy ko nalang rin. Kung gusto mong ipaghiganti ang iyong ina at ang pamilya mo sa kanya, kailangan mong mabuhay at panatiliin ang iyong pweesto bilang Prinsipeng Tagapagmana." Dahan-dahan siyang tumingin ng may matang puno ng alab na nakagulat kay Mo Qian Yuan.

"Ano ba ang alam mo?" Bakas sa kanyang mga mata ang pagkataranta.

"Alam kong isa kang duwag at aksaya." Tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang kilay.

"Ikaw!" Mainit na ang ulo ni Mo Qian Yuan, hindi dapat niya siya ipinaglaban kanina!

"Kung hindi ka magkukusa, edi maghanap ka ng mga paraan para mabuhay. Kung hindi, itaas mo lang ang kamay mo at sumuko." Sabi ni Jun Wu Xie.

Huminga ng malalim si Mo Qian Yuan, alam nitong babaeng ito kung paano manaksak nung saan masakit! Dahil nakainom siya bago ito, magaan ang ulo niya at nang may naramdaman siyang biglaan sa kanyang ulo, napatayo siya't hinitsa ang pitsel sa sahig.

Nabasag ito at nagkalat ng mga bubog, at kumalat naman ang amoy ng alak sa kapaligiran.

"Tingin mo ba gusto ko ito? Ha? Tingin mo ba hiningi ko ito? Ano naman sa pangalan ng Tagapagmanang Prinsipe? Hah! Wala na akong pakialam! Ang buhay ko! Ang posisyon ko! Hindi rin naman ako ang nay hawak sa kanila! Pati sarili kong ama gusto akong mamatay! Ang nasa isip ng lahat ay isa akong prinsipeng walang kayang gawin! Sino pa ba sa mundong ito ang makakapagligtas sa'kin? Ano naman kung hindi ako magkukusa? Ano pa ba ang magagawa ko?"

Sumigaw siyang pulang-pula ang mga mata habang linalabas ang lahat ng mga bagay na gumugunaw sa kanyang sarili ng pagkatagal-tagal. Ilang taong halaga ng mga problema ay umagos na parang rumaragasang ilog.

"Tama ka! Malapit na akong mamatay! Mamamatay ako! Ano pa ba ang magagawa ko? Para na rin naman na akong hindi nabubuhay! Sabihin mo sa akin, anong pwede kong gawin?!!!"

Tinignan siya ng malamig ni Jun Wu Xie habang siya'y nagwawala't nagmumukmok.

"Paano kung hindi mo naman kailangang mamatay?"

"Ano?" Nanlaki ang nga mata niya. Para siyang tinamaan ng kidlat.

"Kung tutuusin, hindi ka lang mabubuhay, hahaba pa ang buhay mo. Tinama niya ang kanyang mga salita.

"Ikaw…ikaw…ano ang iyong ibig-sabihin?" Lumunok siya ng laway at kinabahan, hindi inaasahang marinig ang kanyang pinakainaasam.

Hindi na niya sinagot ang kanyang mga tanong at sinabing: "Nalason ka diba??"

"Paano mo nalaman?" Ano itong babaeng ito?! Nagulat siya.

Bumaluktot ang kanyang mga kilay. Hindi talaga siya magaling magpaliwanag, mas maganda na sigurong ipakita nalang niya.

"Little Black, hawakan mo siya." Sinabi niya at hinitsa ang pusa.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang maliit na itim na pusa na kasing-laki lamang ng kanyang kamay ay nag-ibang anyo — Biglang lumaki ang katawan nito at naging isang malaki at malakas na panter at sinagpang si Mo Qian Yuan.

Ang nagulat na Mo Qian Yuan na nakaupo lang doon ay ngayo'y hawak na sa sahig ng isang malaking itim na panter. Nanigas siya sa takot sa nasa harap niya, iniintindi pa ang nangyari.