Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 638 - Spirit Rings (3)

Chapter 638 - Spirit Rings (3)

Ang mga spirit ring ay nagiging ring spirit, isang salamin ng isang espiritu, at sa kapangyarihan lang ng taong nakakontrata dito maaalis ang singsing ng anyong singsing parin.

Ang pagalis ng isang spirit ring ay delikado sa isang tao. Hindi maaalis ng ring spirit ang pagkadugtong, at ang may-ari lang nito ang makakagawang alisin ito mula sa katawan nito. Ang ring spirit na ihihiwalay mula sa may ari nito ay mahina, at hindi makakapag-iba ng anyo. Hindi makakalaban ang ring spirit sa kahinaan nito.

Sa parehas na pagtingin, kung may masamang loob na kikilos habang ginagawa ang singsing, masasaktan rin ang ring spirit.

Samakatuwid, ang paggawa ng isang spirit ring, ay delikado, at kung ang Ring Forger ay hindi mapagkakatiwalaan, walang magtatangkang ibigay ang kanilang spirit ring sa kanila.

Ang mga naghahanap ng Ring Forger, ay laging may kasamang mapagkakatiwalaan nila na magbabantay sa Ring Forger para mapigilan ang anumang aksidente.

Tinanggap ni Fan Zhuo ang zpirit ring ni Hua Yao at hinawakan ito sa kanyang palad. Linapit niya ito sa Soul Flame at ang spirit ring na nababalutan ng spiritua power ay nagliwanag. Habang dinidilaan ng apoy ng Soul of Flames ang singsing, nag-iba ang kulay nito.

Ang ring spirit ni Hua Yao ay ang Double Headed Bone Snake, at nang mag-anyong spirit ring ito, naging puting pilak ang kulay nito. Ngunit sa init ng Soul of Flames, ang kulay nito ay nagkaroon ng pagkapula.

Ito ang reaksyon ng pagsunog nito sa Soul of Flames.

Kahit ang laging kalmadong Hua Yao ay napanganga at pinapawisan.

Hindi sa wala siyang tiwala kay Fan Zhuo, ngunit hindi niya mapigilang maging maingat.

Hawak ni Fan Zhuo ang Soul of Flames sa isang kamay, habang linabas ang patalim sa kabila. Kuminang ang patalim sa dilim, at nagmukhang matalas. Dahan-dahan itong dinaan ni Fan Zhuo sa itim na pilak, sa taas ng mesa, at pinulot ang maliliit na piraso ng itim na pilak, at dahan dahan itong linagay sa spirit ring.

Isang itim na ilaw ang nagningning habang natutunaw ang itim na pilak sa Soul of Flames, at dahan-dahang dumadaloy para takpan ang buong singsing. Ang itim na likido ay nagkinang, at pinakita ang Soul of Flames, habang dumadaloy para palibutan ang spirit ring.

Hindi makahinga si Hua Yao sa kanyang nakikita.

Lumipas ang mga segundo't minuto, habang ang kamay ni Fan Zhuo na hawak ang Soul of Flames ay naglalabas ng spiritual power, na hindi nagbabago, at tinatakpan ang lahat ng hawak ng kanyang palad. Dumadaloy rin ang spiritual power na ito sa kabilang kamay ni Fan Zhuo, at binabantayan ang pumapatak na itim na pilak, sa tamang lakas ng spiritual power, para dahan-dahang malabas ang tamang dami ng itim na pilak sa spirit ring, inti-onti.

Ang Soul of Flames, ng mag-isa, ay walang init. Kung hinawakan ito ng isang tao, hindi sila masusunog, ngunit kung ang mga espiritu ang dumikit dito, masasaktan sila, at masusunog.

Lahat ng Ring Forger, ay hindi hahawak sa Soul of Flame. Kahit na wala itong idudulot na masama sa kanulang mga kaluluwa, magagawa nitong pikunin ang kaluluwa nila at hindi mapakali, at hindi nila makokontrol ang kanilang mga spiritual powers para gumawa ng maayos na spirit ring.

Sa taas ng Soul of Flames, mayroong kapangyarihang hindi makita, ang nagdadala sa tunaw na itim na pilak, para balutan ang spirit ring ng buo.

"Spirit Stone." Hiningi ni Fan Zhuo, ang kanyang mga mata'y kakaiba. Sa kanyang pagsasalita, hindi gumalaw ang kanyang buong katawan.