Tinitigan ni Jun Wu Xie ang paalis na Jun Wu Yao at umupo ulit hawak ang maliit na itim na pusa.
"Sa ilalim ng langit, ikaw lang ang may lakas ng loob na kauwaping ang Demonyong Hari ng ganoon." Sinabi ng maliit na itim na pusa.
[Utusan si Jun Wu Yao na magbigay ng regalo bilang kapalit at paghingi ng tawad? Ang lakas ng loob!]
Hindi man napansin ni Jun Wu Xie, nakita ito ng pusa. Kahit si Qiao Chu, Hua Yao, Fei Yan, Rong Ruo, o Fan Zhuo man, walang pagbubukod, ay parang dagang nakakita sa pusa, hindi makahinga sa harap ni Jun Wu Yao.
Nanatili si Jun Wu Yao sa aserang kawayan ng halos dalawang linggo. Maliban sa lutang na Fan Jin na hindi mapanood ng maliit na itim na pusa, hindi naglakas ng loob si Fan Zhuo na bigyan ng utos so Jun Wu Yao. Biglaang pumulot si Fan Zhuo ng walis at nagwalis ng bakuran sa sarili niya, at hindi binigyan ng pagkakataon si Jun Wu Yao para kumilos sa asera.
Sa pagsira ng gasera, kung sa iba ito nangyari, masasabing pagpapakita pa ito ng 'awa'.
Walang may lakas ng loob na magreklamo o magsaya sa pagsira nito.
Ngunit kay Jun Wu Xie, kailangan niya itong palitan.
Ang laki ng pinagkaiba sa pagtrato!
"Sumobra ba ako doon?" Tinanong ni Jun Wu Xie ng nakasimangot.
Nagulat ang pusa, hindi mahanap ang mga salita.
Nakasimangot si Jun Wu Xie, dahil hindi niya alam kung paano makitungo sa ganitong mga relasyon sa kapamilya.
"Hindi ko inakalang papalitan niya, pero kailangan ko talaga iyon." Nairita si Jun Wu Xie sa kanyang pagiisip.
HIndi niya sinadyang pahirapan si Jun Wu Yao, ito'y dahil… kapag wala siyang gasera, hindi siya makakagawa ng elixir. At kung hindi siya makakagawa ng elixir, wala siyang pera. Kung wala siyang pera…. hindi niya maiipon ang mga gamit na kailangan niya para sa kanyang paglalakbay sa Heaven's End Cliff.
Wala siyang pagasa sa kakayahang magipon nila Qiao Chu.
Ngumanga nag pusa habang nakatingin sa Binibini, at minaliit ang sarili nito. Sinampal nito ang sarili.
[Ang tanga ko! Sobra!]
[Nang umalis ang Demonyong Hari, magaan ang loob niya, ang kanyang mukha ay mayroong tuwa. Walang pagsisisi at sama ng loob, masaya pa siya! Edi, ano ang sinasabi nito sa Binibini?!]
Gustong umiyak ng maliit na itim na pusa, dahil gusto lang niyang makita ng Binibini na hindi sila magkadugo, at hindi dapat ituring na kapamilya si Jun Wu Yao. Iba ito kay Jun Xian at Jun Qing. Kailangan niyang makita ang pinagkaiba nito sa mga kapamilya niya at makita ang mga delikadong pwedeng mangyari!
Sadya nitong ilayo ng Binibini ang sarili nito mula kay Jun Wu Yao, ngunit hindi niya inasahang iba ang iisipin ng Binibini.
[Ang Demonyong Hari ay magaling sa mga tao!]
[Dahil sa malamig na personalidad ng Binibini, paano siya nahatak sa ganitong relasyon?!]
Nagmumukmok parin si Jun Wu Xie sa hindi kilalang problema sa 'relasyon', habang si Jun Wu Yao naman ay umalis ng may gana.
Magmula nang dumating siya sa Akademya, nanatili si Jun Wu Yao sa aserang kawayan, para alagaan ang relasyon nila ni Jun Wu Xie. Ngayong lumabas siya, nakarinig siya ng mga ingay.
Sa loob ng tahimik na asera ng mga kawayan, hindi niya alam kung kailan dumating ang grupo ng mga dalagang namumula. Nakasuot silang lahat ng uniporme ng Akademya, at ang bawat isa sa kanila ay nakatago sa mga kawayan, nakasilip kay Jun Wu Yaom na kalalabas lang sa asera.