"Matapos sipsipin ang butung, gutom ka na siguro."
TInignan ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao: "Kaya kong kumain magisa."
Kinuha niya ang hita at kinagat ito. Umalis si Jun Wu Xie sa yakap ni Jun Wu Yao at umupo sa damo ng magisa.
Hindi siya pinigilan ni Jun Wu Yao, na ngumiti lang at pinanood ang pagkain ni Jun Wu Xie.
Hindi makatayo ng deretso si Qiao Chu habang bumabalik sa apoy para umupo.
Tinapik siya ni Fei Yan: "Ano? Natakot ka nanaman?"
Tinignan ni Qiao Chu si Fei Yan: "Hindi! Naisip ko lang… parang… hindi naman masamang tao ang kuya ni Wu Xie." [Ang pogi niya nung ngumiti siya…..]
Nagulat si Fei Yan: "At paano mo naisip iyan?"
"Nginitian niya ako! Ang gwapo niya! Hindi nga sila magkamukha, pero parehas silang magandang tao."
Ang ngiti ng magagandang tao ay masarap tignan.
Walang masabi si Fei Yan. [Ibig sabihin mo bang basta magandang tao ang ngumiti sa'yo, mabait na sila… Diyos ko!]
Alam ni Fei Yan na hindi masyadong matalino si Qiao Chu at nagpasya siyang hindi nalang pansinin ang tanga. Tumalikod siya para kumain, uminom, at magpakasaya kasama si Rong Ruo at Hua Yao.
Sa madaling araw, naghanda na si Long Qi at ang hukbo para bumalik sa Kaharian ng Qi. Pinatulog si Yin Yan at sinakay sa likod ng isang kabayo, habang si Jun Wu Xie at ang iba ay naghandang bumalik sa Akademya.
"Magkasama?" Tinignan ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao ng may gulat, na nagtanong kung pwede siyang sumama sa Akademya.
Si Jun Wu Yao na laging lumilitaw at nawawala kung kailan niya gusto ay nagsabing gusto niyang sumama sa Akademya, nagtaka si Jun Wu Xie.
"Matagal nating hindi nakita ang isa't isa, hindi ba kita pwedeng samahan pa?" Tinanong ni Jun Wu Yao ng tumatawa.
Walang sagot si Jun Wu Xie, at napatango nalang.
Nakatingin si Fei Yan sa kanila at napailing nalang, nagluluksa para sa mga disipulo sa punong paghahati ng Akademya.
Sila Qiao Chu ay babalik sa ibang sanga ng Akademya kaya nauna silang umalis.
Pumasok si Jun Wu Xie sa tolda at nagpalit sa uniporme ng akademiya at iniba ulit ang kanyang itsura.
Habang papalabas, nakita niya ang likod ng isang anyo na nakatayo sa labas. May tuwa sa mukha ni Jun Wu Yao habang tumatalikod ito, ang kagwapuhan ay mas bata nang tignan at puno ng kawalang-hanggan ng kabataan.
Nagulat si Jun Wu Xie. Ang Jun Wu Yao sa harap niya ay mas batang tignan at sa isang tingin, mukha siyang labing-walo o labing-siyam na taong gulang na gwapong binata, hindi kasama ang aura niya.
Ang araw ay nagniningning sa mukha ni Jun Wu Yao, at pinagmukha pa itong mas bata.
"Sa itsura ko ngayon, hindi na ako magiging problema kay Little Xie, diba?" Hinaplos ni Jun Wu Yao ang mas bata niyang mukha. Hindi na niya matandaan kung kailan niya huling ginamit ang anyong ito.
"....." Nanahimik lang si Jun Wu Xie.
Kumpara sa husay ni Hua Yao sa kanyang mga buto, ang pagiibang anyo ni Jun Wu Yao ay mas malala. Hindi lang ang mga buto niya ang iniba niya, pati rin ang balat niya at ang kanyang voses. Kung hindi nakita ni Jun Wu Xie ang totoong itsura ni Jun Wu Yao, iisipin niyang ibang tao ito.
Naisip ni Jun Wu Xie, na kahit dalhin ang pinakabagong makina mula sa dati niyang buhay, wala sa mga ito ang makakahula sa edad ni Jun Wu Yao.
Ang gubat ay hindi malayo sa Akademya, at hindi nagtagal bago makarating ang dalawa sa akademya.
Kapapasok lang ni Jun Wu Xie sa pasukan at dinumog na siya ng ilang kabataan.