Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 617 - Hinahanap-hanap Mo na Ako? (5)

Chapter 617 - Hinahanap-hanap Mo na Ako? (5)

Umiling si Jun Wu Yao at hinawakan ang kabilang kamay ni Jun Wu Xie para takpan ang gintong butung gamit ito: "Parang paghigop mo sa isang ring spirit, ganong rin ang pagsipsip mo sa gintong butung."

Sinarado ni Jun Wu Xie ang mga mata niya at sinunod ang sinasabi ni Jun Wu Yao, at dahan-dahang hinigop ang gintong butung sa kanyang kamay.

Sinarado niya ang kanyang isip, at tila sumisid sa kadiliman ang kanyang kaluluwa. Itim lang ang kapaligiran niya, at hindi niya makita ang mga daliri niya sa harap niya. Ngunit isang kislap na kulay ginto ang biglang lumitaw sa kadiliman, at nagpakita ng nakakabulag na liwanag.

Ang tulin ng mga gintong kislap ay tumindi, at nagiwan ng mga buntot na ilaw sa dilim. Habang isa lang ang ilaw sa simula, habang tumatagal, dumadami at nagsasabay-sabay ang mga ito, at gumawa ng isang gintong lambat sa loob ng kadiliman!

BIglaan, ang gintong lambat ay sumabog at kumalat sa kadiliman, dahan-dahang nawala.

Hindi nagtagal, dumilim ulit ang kapaligiran. Matapos ang ilang sandali, may mahinang sinag ng gintong ilaw na lumitaw sa gitna ng bumabalot na dilim.

Ito ang gintong butung, na nag-anyo habang nakalutang, naglalabas ng mahinang ilaw.

Naramdaman ni Jun Wu Xie ang kanyang isipan na nagugulo, habang kinakain siya ng kadiliman.

Biglaan niyang binuksan ang kanyang mga mata, at ang walang kupas na mukha ni Jun Wu Yao ang nakita sa kanyang mga mata.

Maaraw pa kanina, ngunit ngayon, ang gubat ay napupuno na sa ingay ng mga insekto at ang malinaw na asul na langit ay pinalitan na ng gabi. Ang buwan ay nakalutang sa abot-tanaw, at ang walang dulong mga langit ay napupuno ng mga nagniningning na mga tala.

Isang kisap-mata lang, at kalahating araw na ang lumipas.

Nag-isip muna si Jun Wu Xie.

Naramdaman niya na parang saglit lang siyang pumikit ngunit gabi na nang siya'y nagising.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tinanong ni Jun Wu Yao sa naguguluhang Jun Wu Xie.

Nagising si Jun Wu Xie at tinignan ang kalagayan ng kanyang kaluluwa. Matapos ang mga pangyayari sa Cloudy Peaks, isang parte ng kanyang kaluluwa ay nagkukulang at may problema at hindi niya ito nagamot. Bagaman hindi halata sa karamihan, si Jun Wu Xie lang ang nakakaalam ng bigat na dulot ng pagkakulang ng kanyang kaluluwa.

Matapos sipsipin ang gintong butung, hindi parin buo ang kaluluwa ni Jun Wu Xie, ngunit hindi na siya mabilis mapagod tulad ng dati.

Ramdam niyang gumagaling ang kanyang kaluluwa ng napakabagal, at kung gusto niyang gumaling ito, hindi ito mangyayari agad.

"Gumagana." Hinawakan ni Jun Wu Xie ang dibdib niya, pinakikiramdaman ang kanyang kaluluwa, na natatahimik, sa ilalim ng misteryosong kapangyarihang nagpapagaling.

"Mabuti." Napangiti si Jun Wu Yao at inalis ang kamay niya mula sa balikat ni Jun Wu Xie.

"Ano iyon?" Wala pang nakikita si Jun WU Xie na ganun. Sa nakaraan niyang buhay, kahit na malayo na ang narating ng agham, wala pang ganitong nagagawa ang agham sa pagpapagaling ng mga kaluluwa.

"Buto lang ito. Hindi na kailangang malaman ni Little Xie kung ano ito. Basta't gumagana, iyon lang ang gamit nito. Kung hindi, basura lang iyan." Sinabi ni Jun Wu Yao, para iparating na ang mahiwagang gintong butung, ay wala lang sa kanyang mga mata.

Talaga?

Hindi agad na naniwala si Jun Wu Xie. Kung wala lang ito sa kanya, bakit ang tagal niyang nawala?

Ngunit walang balak na magsalita si Jun Wu Xie, at hindi na niya pipilitin pang magtanong.

"Salamat." Sabi ni Jun Wu Xie.

"Sinabi ko na dati. Kung para sa iyo, hindi ko na kailangan ng pasasalamat." Hinawakan ni Jun Wu Yao ang maliit na kamay ni Jun Wu Xie. Bagaman ito ang sinabi niya, nagningning parin siya sa tuwa.