Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 612 - Masyado kang Maganda (4)

Chapter 612 - Masyado kang Maganda (4)

Ang lakas ng tawa ni Rong Ruo.

Hawak hawak ni Rong Ruo ang mukha ni Jun Wu Xie na medyo nakasimangot, at medyo nalilito parin.

Hindi parin niya naiintindihan ang mga nangyayari.

Ang isang henyo at tanga ay pinagkakaiba ng mga alam nila. Sa kadalasan, walang katapat na henyo si Jun Wu Xie, ngunit sa ibang mga bagay, wala siyang kaalam-alam.

"Ano kaya, pag nakita nung mga taga Zephyr na hinahayaan ni Little Xie na pisil-pisilin ang kanyang mukha ni Rong Ruo, ano kaya sasabihin nila?" Ngumiti si Fei Yan habang nakatingin sa naguguluhang tingin ni Jun Wu Xie. Kung hindi lang sila magkaiba ng kasarian, sumali na siya kay Rong Ruo.

Nakakagigil ang dalagang ito!

"Masisiraan silang lahat." Ngumiti si Rong Ruo.

Na ang Jun Wu Xie na nagpahirap at pumatay kay Ning Xin sa harap ng buong Akademya ay papayag na gawin ito sa kanya ni Rong Ruo ay mayroong matinding pagkakaiba para matanggap ng mga disipulo.

Habang hinahaplos ang mga pisngi ni Jun Wu Xie, at hindi makabitaw, nagiging emosyonal si Rong Ruo. Kung lalaki lang siya, mas malala pa ang naging reaksyon niya kaysa kay Qiao.

Ang mga sundalo ng Hukbo ng Rui Lin ay nakabantay sa gilid ng kampo. Sa malayo, nakikita nila ang kanilang binibini na "malapit" ang kilos sa mga kabataan, at muntik nang lumabas ang kanilang mga mata.

Ang ilan sa kanila na mas magaspang ay naglabas ng kanilang mga espada para putulin ang mga kamay ni Rong Ruo ngunit napaatras nang makita ang malamig na titig ni Long Qi sa kanila.

Ang mga sundalong tinitigan ay nagtago sa isang sulok habang nagsusulat ng mga bilog sa lupa. "Binabastos ang binibini ng batang iyon, paano nagpipigil ang Heneral… Hahayaan lang ba natin ang pangaabuso ng batang iyon?"

Nasaktan sila, ang kanilang Dyosa ay binanastos at hindi sila pinayagang patayin ang nambabastos…

Hindi pinansin ni Long Qi ang mga nawasak na puso. Nanatili lang siya sa kanyang pwesto at tinignan si Jun Wu Xie kasama sila Rong Ruo, at saglit lang na tawa ang nakita sa kanyang mga mata.

Kapag nakita ng pangulo at ng hari ang mga nangyayari, gagaan ang kanilang mga isip.

Matapos lang sulitin nila Rong Ruo ang mukha niya nakatakas si Jun Wu Xie. Hindi sa ayaw niya ang hawak ni Rong Ruo, ngunit hindi niya alam kung paano sasagot.

Hinawakan niya ang mga pisngi niyang namumula parin sa abuso ni Rong Ruo. Habang tumatawa si Rong Ruo at Fei Yan, umupo siya sa isang bato.

Lumapit si Long Qi, matigas ang mukha, hindi sanay sa biro.

"Binibini."

"Hmm?" Hawak parin ni Jun Wu Xie ang kanyang mga pisngi habang tumingin sa kanya. Ang pamumula ay nawawala na at lumalabas na ang kanyang maputing kutis. Ang malinaw na mga mata niya ay nabawasan ng malamig na tingin, at sa panahong iyon, nagmukha siyang musmos na bata.

Hindi lumabas ang mga salita sa lalamunan ni Long Qi. Nanigas lang siya bago huminga ng malalim, para matahimik ang kanyang puso.

Naiintindihan na niya kung bakit malakas ang tawa ng mga kabataan.

Ang mukha ng kanilang Binibini, ay may malalang atake!

"*Ahem* Ang alagad niyo ay may nais itanong, Binibini. Ano ang dapat naming gawin sa disipulong galing sa Akademya?" Tinanong ni Long Qi.

"Dalhin niyo siya sa akong tito." Sinabi ni Jun Wu Xie.

May pagkatanga nga si Yin Yan, ngunit ang kanyang kaalaman sa Pamamaraan ng Spirit Healing ay sapat. Mayroon na siyang pagkumpirma mula kay Gu Li Sheng.

S lahat ng disipulo sa pakultad ng mga Spirit Healer, bagaman hindi masasabing magaling, si Yin Yan ang masasabing may kaalaman patungkol dito.

Ang pamamaraan ng Spirit Healing ay magagamit ng Hukbi, ngunit dahil hindi pa makakabalik si Jun Wu Xie sa Kaharian ng Qi, nagpasya siyang magagamit niya si Yin Yan.

Sino ang mabubuhay, at sino ang mamamatay? Alam ni Jun Wu Xie sa kanyang isip.

Related Books

Popular novel hashtag