Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 611 - Masyado kang Maganda (3)

Chapter 611 - Masyado kang Maganda (3)

Pagkababa ni Jun Wu Xie mula sa kabayo niya, nagpunta agad siya sa tolda na tinayo sa tabi at nagpalit ng damit. Paglabas niya, nakatayo na si Qiao Chu, Hua Yao, Fei Yan, at Rong Ruo sa labas at hinihintay siya.

"Meow?" Nakasabit ang itim na pusa sa kanyang mga braso, kinukumpas ang buntot nito, habang nakatingin kay Qiao Chu at sa mga kasama niya, na may ibang tingin kay Jun Wu Xie.

Nagtaka si Jun Wu Xie sa apat niyang mga kasama. Mukhang maayos ang mga kilos nila, ngunit iba ang tingin nila sa kanya kumpara sa dati.

"Little Xie?" Tinignan ni Qiao Chu si Jun Wu Xie ng may pagaalangan, may pagiingat sa kanyang mga salita.

"Hmm?" Nagtaas ng kilay si Jun Wu Xie.

Nakaramdam bigla si Qiao Chu ng init sa kanyang ilong. Agad niyang hinawakan ang kanyang ilong, tumingala para tignan ang langit, at tumakbo papunta sa tabi para itago ang kanyang pagkahiya.

Nagulat si Jun Wu Xie, ang kanyang mga mata, puno ng pagaalinlangan.

"Anong nangyari sa kanya?"

Kinakabahan si Fei Yan, ngunit matapos makita si Qiao Chu, natawa nalang siya.

"Pffft… Nagpapakabobo lang ang Bobong Qiao. Wag nalang pansinin."

Napailing nalang si Rong Ruo bago tignan si Jun Xie, "Hindi ko inakalang mayroong sorpresa ang Little Xie para sa amin."

"Sorpresa?" Medyo sumimangot si Jun Wu Xie. "Nahuli na kayo."

"Nahuli?" Nagulat si Rong Ruo.

"Patay na si Ning Xin." Sinabi ni Jun Wu Xie.

Nais sana niyang magpakita kayla Qiao Chu ng magandang pagganap ngunit, hindi sila agad nakarating.

"Hindi… Hindi si Ning Xin…" Gustong tumawa ni Rong Ruo habang nakatingin kay Jun Wu Xie. Ang maliit na dalaga ay madalas na may matalas na pagiisip, ngunit minsan, nakapagtataka kung bakit napakalala ng pagkalutang niya.

"Hindi siya?" Hindi naintindihan ni Jun Wu Xie. Ang alam niyang sorpresang sinasabi ni Rong Ruo ay ang pagparusa niya kay Ning Xin. Hindi alam ni Rong Ruo kung iiyak ba siya o tatawa, at tinuro lang niya ang mukha ni Jun Wu Xie.

Hinawakan ni Jun Wu Xie ang kanyang mukha ngunit wala siyang nakitang problema.

Ang pagkita sa kanilang demonyitang lumalaban sa Langit na magpakita ng pagkabagal sa pagiisip, natawa lalo si Rong Ruo.

"Mahal kong binibini! Hindi mo ako naintindihan!" Natatawa parin si Rong Ruo habang tinataas ang mukha ni Jun Wu Xie. Parehas silang babae kaya hindi na niya kailangang magpigil.

"Mayroon kang mukha na makakasira sa mga lunugsod at bansa, bakit mo pinapangit ang sarili mo?" Tumatawa si Rong Ruo habang nagsasalita. Sa katotohanan, hindi pangit si Jun Wu Xie matapos ibahin ang kanyang itsura, at nakakaakit parin. Dahil lang matapos makita ang totoo niyang itsura, ang laki ng pinagkaiba ng dalawa.

Nagulat si Jun Wu Xie. Kahit na sobrang talino niya, hindi niya naintindihan na ang mga salita ni Rong Ruo ay patungkol sa kanyang itsura.

Pagsira ng mga lungsod at bansa…..

Ang mga salitang naririnig lang niya sa iba ay umikot sa isipan ni Jun Wu Xie, sa kanyang nakaraan at ngayong buhay, hindi niya naisip na gamitin ang mga salitang iyon sa kanyang sarili.

Sa kanyang isip, ang pagiging maganda o pangit ng isang tao ay hindi magagamit sa panghuhusga sa tao.

Bilang isang manggagamot, kahit sino pa ang tinitignan niya, ang tinitignan niya ay ang looban nila sa kung maayos ba sila o hindi. Sa kanilang mga panlabas na itsura, wala siyang pakialam.

Maraming beses na niyang nakita ang sarili niyang mukha, at wala itong pagkakaiba sa mukha ng iba.

"Kasi, dahil bigla kang nagpakita ng ganyang mukha sa amin, natakot si Qiao at hindi na makapagisip!" Sinabi ni Rong Ruo ng tumatawa, nanggigigil kay Jun Wu Xie, na parang isang batang walang alam sa buhay.

Kumpara sa madalas na malamig na personalidad ni Jun Wu Xie, ang nakikita ni Rong Ruo ngayon ay kaibig-ibig.

"Hindi ako natakot!" Sinigaw ni Qiao Chu, ng nakaupo sa tabi at nakahawak parin sa kanyang kamay.

Sa malakas na sigaw na iyon, ang pagdugo ng kanyang ilong na pinipigilan niya ay umagos, at bumaba sa lalamunan niya. Ang biglaang lasa ng dugo ay nagpaduwal sa kanya at muntik na niyang madura ang dugo!