Basa na sa pawis ang mukha ni Nangong Xu. Sinabi niya ang lahat ng detalye patungkol sa mga nangyari sa Punong Tagapagturo at Pangalawang Punong Tagapagturo noong araw na iyon. Bagaman hindi siya sang-ayon sa pamamaraan ng dalawa sa paglutas sa pangyayari, wala siyang karapatang humindi.
Nahihirapan parin si Nangon Xu na magbigay ng maayos na sagot nang mapansin niyang ang kamay ni Long Qi na nakakapit sa hawakan ng espada sa kanyang hita ay nanigas, at dalawang pulgada ng makintab na bakal ang lumabas!
Malinaw ang mangyayari.
Napalunok si Nangong Xu.
Wala siyang nagawa kundi sabihin ang lahat ng nangyari sa harap ng lahat ng tao doon. Inulit niya ang pinaliwanag niya dati, at walang binago sa pamamaraan ng kanyang pagkwento.
Lahat, mula noong dinala niya ang kanyang grupo sa Battle Spirits Forest para hanapin si Lu Wei Jie, at nang sabihin ni Lu Wei Jie ang katotohanan sa kanya, pati na rin ang panahon na sinamahan niya si Lu Wei Jie, Ning Xin, at ang iba pa pabalik sa Akademya, hindi nakalimutan ang paguusap ng dalawang Punong Tagapagturo.
Wala siyang iniwang detalye.
Napuno ng pagsisisi ang mukha ni Fan Qi, at si Ning Rui ay namula sa galit.
Ang mga disipulong nakapalibot sa kanila ay nagsimulang magbulung-bulungan.
"Ginamit si Senyor Lu bilang sinangkalan? Halata na na si Ning Xin ang nagsimula ng mga pangyayari, ngunit si Senyor Lu ang nasisisi."
"Kung ganon, si Ning Xin ang anak ng Pangalawang Punong Tagapagturo, at galing siya sa maunlad na pamilya, paano ba siya matatapatan ng mga ordinaryong disipulo?"
"Gaano ba ka siya kawalang-hiya? Tinangka niyang pumatay at nakawan ang kanilang mga bangkay! At ngayon, kinaiinitan siya ng Hukbo ng Rui Lin at ng Cloud Treading Peak."
"Ang Pangalawang Punong Tagapagturo ay laging nagpapakita ng imahe ng pagiging marangal at hindi bumabaluktot, hindi ko aakalaing magagawa niya ang mga bagay na ito…"
Ang patuloy na pagdedebate ay sumabog, at sa loob ng ilang sandali, bumagsak ang reputasyon ni Ning Rui at Ni Ning Xin.
Naramdaman ni Ning Rui na magbigay ng tugon, ngunit wala na siyang masabi. Ang bilis ng mga pangyayari, bagaman binilisan niya ang paglutas sa problema, marami siyang bagay na hindi agad natakpan.
At ngayon, nagamit ni Jun Wu Xie ang lahat ng ito laban sa kanya, at wala na siyang magagawa para baligtarin ang sitwasyon.
"Ito ang sagot ng inyong ginagalang na Akademya, hindi ba?" Naglabas ulit si Jun Wu Xie ng malamig na tawa. Tinawid ng kanyang mga mata si Fan Qi at tumingin kay Ning Rui.
"Isa itong malaking pagkakagulo! Paninira lang ang sinabi ni Lu Wei Jie dahil galit siya sa pagpapaalis sa kanya!" Nagtangka pa si Ning Rui nang makita ang namumutlang mukha ng kanyang anak.
"Pagkakagulo? Sinasabi mo sa akin na ang mga tao galing sa Hukbo ng Rui Lin at Cloud Treading Peak ay may mali ring pagturo sa akademya? O sa tingin mo ba'y maliban sa iyo at iyong anak, ang lahat ay nagtutulungan para pahirapan ka?" Walang balak si Jun Wu Xie na hayaan lang si Ning Xin ngayon. Tinignan niya si Fan Qi.
"Ano ang masasabi ng Punong Tagapagturo dito?"
Basang basa na si Fan Qi sa kanyang pawis. Alam niya ang katotohanan. Pumayag lang siyang pagtakpan ito dahil nagmakaawa si Ning Rui. Ngayong nahukay ni Jun Wu Xie ang lahat, wala na siyang magawa.
"Hindi ako! Hindi talaga ako! Si Yin Yan! Si Yin Yan ang nagpalapit sa Spirit Beast! Wala akong ginawa!" Nang makitang ihahayag na siya ang may kasalanan, natakot si Ning Xin. Wala na siyang pakealam sa sinuman at nagturo sa anyo ni Yin Yan at sumigaw.
Takot na takot na si Yin Yan kung kaya't hindi siya makagalaw nang marinig ang pagbintang ni Ning Xin. Tinaas niya ang kanyang ulo at hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
Hindi niya inakalang siya ang pagbibintangan ni Ning Xin.
"Yin Yan, nakita ko kung gaano ka kaawa-awa noon at nagmakaawa ako sa aking ama na ipagtanggol ka. Hindi ko inakalang madadamay ang aking ama. Masyado akong naging malambot, at wala itong kinalaman sa amin ng aking ama." Sa daloy ng mga pangyayari, tinulak ni Ning Xin ang responsibilidad kay Yin Yan, ang kanyang mga mata, mapangahas.