Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 595 - Pampitong Sampal (2)

Chapter 595 - Pampitong Sampal (2)

"Sabihan mo si Fan Jin na dalhin dito ang tangang Qiao at mga iba pa dito bukas. Kung may nais kang malaman, tanungin mo sila." Sinabi ni Jun Wu Xie habang nagsasalin ng tsaa sa kanyang tasa.

"Patungkol ba sa hukbo ng Rui Lin?" Tinanong ni Fan Zhuo. Tinanong na niya si Jun Xie patungkol sa kanyang koneksyon sa hukbo, ngunit tinamad ang walang hiya para magpaliwanag sa kanya at binalewala ang usapin.

Tumango si Jun Wu Xie.

Pinanood ni Fan Zhuo si Jun Wu Xie, bago tanungin: "Dadating ang hukbo bukas, hindi ba?"

"Mmm." Tumango ulit si Jun Wu Xie.

Ang mga kanto ng mga labi ni Fan Zhuo ay umangat. Darating ang hukbo bukas, at sinasabi ni Jun Xie na mawawala siya ng sandali. Ang sabay na pagganap ng dalawang pangyayari ang nagdulot kay Fan Zhuo na isiping mayroong kinalaman ang mga ito.

Subalit, wala paring balak si Jun Xie na ipaliwanag ito kay Fan Zhuo at matapos niyang magsabi ng ilang mabilis na paalam, agad siyang umalis.

Hindi malayo ang pagitan ng Kaharian ng Qi sa Akademyang Zephyr at ang kanilang dadaanan ay sa pangunahing daanan.

Pinangunahan ni Long Qi ang kanyang grupo ng mga sundalo ng hukbo, isang enggrandeng prusisyon, dumadaan sa malawak na daanan, ang kanyang mga sundalong mayroong pilak na sandatang nakasakay sa malalaking kabayo. Ang ereng ramdam mula sa mga bihasang mga tauhan ang nagdudulot sa kanilang mga nakakasalubong na tumabi.

"Boss, nasa akademyang Zephyr talaga ang Binibini?" Tinanong ng isang sundalo sa tabi ni Long Qi, may pagnanasa sa kanyang mga mata.

Sinulyapan ni Long Qi ang sundalo.

"Wala tayong karapatang mangialam sa mga gawain ng Binibini."

Umatras ang sundalo, at tumango. Ngunit ang pagaabang ay nanatili sa kanyang mga mata.

Habang dumadaan sila sa kalsada, ang mga sundalo ay nangailangang dumaan sa makitid na kalsada. Bagaman makitid, mahaba ang daanan, at tahimik, medyo mahangin. Ang daanan ay nagdulot na tatlong kabayo lang ang pwedeng dumaan ng magkatabi, at makakapal na puno ang nakahilera sa bawat gilid ng daanan. Dahil dapit-hapon na, walang masyadong tao dito.

Biglaan, may anyong lumitaw sa daan. Mula sa malayo, ang ilaw ng araw mula sa likod ng anyo ang nagtago sa mukha nito. Ang liwanag ng takip-silim ay umulan sa paligid ng anyo mula sa likod nito .

Sumimangot si Long Qi, at ginalaw ang kanyang kamay. Agad na tumayo ng deretso ang kanyang mga tauhan, alerto.

Subalit, nang lumapit si Long Qi at ang kanyang mga tauhan at nalapit sa anyo, agad siyang bumaba mula sa kanyang kabayo at nagmadaling bumagsak sa kanyang tuhod!

"Panginoon!"

…..

Sa loob ng akademya, isang araw ang lumipas. Ang kaguluhan sa pakultad ng mga Spirit Healer ay humihinahon na. Ngunit ang mga naiwang pagyanig ay hindi pa natitigil nang dumating ang isa pang nakabubugabog na balita, at nagkagulo nanaman ang akademya.

Sa harap ng mga pasukan ng akademya, daan-daang sundalo nakasakay sa malalaking kabayo, ay humarang sa daanan. Sa likod ng mga kabayong may sandata, ay makikisig na lalaki, ang kanilang mga aura ay mababangis. Ang kanilang pagtayo, ay tumakot sa mga disipulong nakatayo sa likod ng pasukan ng akademya.

Ngunit, sa kalagitnaan ng mga katakot-takot na sundalo, may isang anyo na kakaiba.

Nakasuot ng puti, ang kanyang mahinahong grasya sa taas ng kabayo, ang kanyang mukhang napakaganda. Ang lahat ng disipulong nandoon ay nabighani, at walang nakatakas.

Sa loob ng akademya, walang kakulangan ng magagandang kabataan. Ngunit walang makakatapat sa babaeng nakasakay sa gwapong kabayo.

Ang nakaputing babae, ay mukhang bata pa. Ang kanyang nakabibighaning aura ay nagdulot ng pagtigil ng mga tao, at pagkatakot sa kanyang ganda. Malamig ang kanyang mukha, at malilinaw na mga mata'y nakakakilabot. Habang dinadaanan ang mga disipulo, ang mga matang iyon ay hindi bumaba, sa kahit isa sa kanila.

Malamig, nakakakilabot, at nakakatakot.

"Sino ang mga ito?" Isang kabataan sa likod ng pasukan ay bumulong.

"Iyan ang hukbo ng Rui Lin! Ang pinakamabangis na mga sundalo!" Isang kabataang may matalas na mata ay nagturo sa mga banderang tinatangay ng hangin.

Related Books

Popular novel hashtag