Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 593 - Pagsampal sa mga Dumumog (11)

Chapter 593 - Pagsampal sa mga Dumumog (11)

"Pumunta ka na sa pakultad ng mga Spirit Healer magmula ngayon. Siyempre, kung mayroon kang ibang ginagawa, pwede mo rin iyong gawin. Hindi mo na ako kailangang sabihan." Magalang si Gu Li Sheng sa kanyang mga salita habang ang dalawa niyang kamay ay nakakapit sa balumbon na binigay sa kanya ni Jun Xie. Linaan niya ang nakaraang araw at gabi para basahin ito, ngunit hindi parin niya tuluyang maintindihan ang lahat ng sinulat ni Jun Xie at nagaatubili siyang humingi ng payo mula kay Jun Xie.

Binigyan ni Gu Li Sheng ng pinakamataas na awtoridad si Jun Xie na hindi pa niya binibigay sa kahit sino dati.

Ngunit marapat si Jun Wu Xie dito at sa lahat ng kanyang natanggap.

Mayroon siyang kakayahan, at kahit na bigyan siya ng mga pribilehiyo ni Gu Li Sheng, walang hindi sumang-ayon dito.

Ag mga kakayahan niya ay tumulong sa pagpapaunlad sa Spirit Healing, at pagangat nito sa mas mataas pakay Gu Li Sheng!

"Kailangan kong umalis ng ilang araw pagkatapos ito." Mahinhin na sinabi ni Jun Wu Xie, agad na sinabing may gagawin siyang iba.

Nabigla si Gu Li Sheng at sinubukang buksan ang kanyang bibig. Hindi niya inakalang na may gagawin agad si Jun Xie…

Naramdaman niyang tinanggihan siya, ngunit hindi masabi ang mga ito.

Kumirot ang kanyang puso habang iniisip ito.

"*ahem*..... Mga… ilang araw kang mawawala?" Iba ang itsura ni Gu Li Sheng. Gusto talaga niyang ipaliwanag ni Jun Xie ang sinulat niya sa balumbon.

"Hindi matagal."

[Hindi pa tapos ang palabas, at kailangan niya itong tapusin. Kundi, hindi makikita ng lahat ang kasukdulang pinlano niya para sa kanila.]

"Sige, tapusin mo ang mga kailangan mong gawin. Pagkatapos mo, pwede ka bang bumalik at hanapin ako? Sa totoo lang… tungkol dito… sa balumbong binigay mo sa akin… may isang bahagi… dito, na hindi ko talaga maintindihan." Namumula ang mukha ni Gu Li Sheng sa hiya. Hindi niya alam kung tama bang magtanong ang isang matanda sa isang binata. 

Ngunit ang kanyang pagkahumaling sa Spirit Healing ang pumilit sa mga salitang iyon palabas sa kanyang bibig.

Tinitigan ni Jun Wu Xie si Gu Li Sheng. Parang sinasabi ng kanyang mga mata na: "Ang simple lang ng bagay na iyan, hindi mo parin maintindihan?"

Nagliwanag pa si Gu Li Sheng sa tingin na iyon.

"Sige." Pumayag rin si Jun Xie matapos mamula ng mamula ang mukha ni Gu Li Sheng.

Tumango si Gu Li Sheng ng nakangiti.

"Ito ang esmeraldang sagisag ng pakultad ng mga Spirit Healer. Alagaan mo ito." Inabot ni Gu Li Sheng ang sagisag kay Jun Xie.

Inalog ni Jun Wu Xie ang kanyang ulo.

Naguluhan si Gu Li Sheng.

"Matapos ang mga pangyayari ngayon, wala nang hindi alam ang aking pagkatao." Mahinhin na sinabi ni Jun Xie. Ang silbi ng sagisag ay para ipakita kung aling pakultad ang kinabibilangan ng mga disipulo. Ngunit ngayong binagsak ni Gu Li Sheng ang bawat isa sa kanila ngayon, naniwala si Jun Wu Xie, na makikita na sa mukha niya ang kanyang pwesto sa akademya kaysa sa mga sagisag na mabibigay ni Gu Li Sheng sa kanya.

"Tama." Binalik ni Gu Li Sheng ang esmeralda sa kanyang manggas.

Hindi mapigilan ni Gu Li Sheng ang kanyang sarili at pinanatili si Jun Xie para magtanong tungkol sa ilang bahagi ng balumbon na hindi niya maintindihan. Matagal pa bago niya hayaang umalis si Jun Xie.

Lumabas si Jun Wu Xie sa opisina ni Gu Li Sheng. Nang makababa siya sa hagdan at makarating sa silid-anuran sa baba, nakita niya ang ilang mga disipulong nagkukumpulan. Nakatago sila sa isang sulok, at nakasilip sa kaniya.

"Jun….. Jun Xie…" Isa sa mga kabataan ay tinulak palabas sa grupo, at nautal siya habang nahihiyang nakatingin kay Jun Xie.

Nang inalala nila ang ilang beses na pinag-usapan nila si Jun Xie sa kanyang likuran, nahita sila at nahirapang harapin si Jun Xie. Ngunit…

Mataas ang tingin ni Gu Li Sheng kay Jun Xie at kung may sama ng loob si Jun Xie sa kanila, hindi sila magtatagal sa pakultad na ito.

Hindi nagduda ang lahat ng disipulo sa pakultad, na kung hingin ni Jun Xie na paalisin sila mula sa pakultad, hindi tatanggi si Gu Li Sheng.

Related Books

Popular novel hashtag