Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 585 - Pagsampal sa mga Dumumog (3)

Chapter 585 - Pagsampal sa mga Dumumog (3)

Tinuloy ni Ning Xin ng tumatawa: "Mas malala ang ipatanggal ka ni Gu Li Sheng sa Akademyang Zephyr kaysa ang Punong Tagapagturo mismo ang magpaalis sa'yo. Ang pamamaraan ni Gu Li Sheng sa Spirit Healing ay minamataan ng marami. Kapag nalaman ng mga tao na ginalit ni Jun Xie si Gu Li Sheng, hindi nila magagalit si Gu Li Sheng at pahihirapan ang buhay ni Jun Xie. Sa kanyang pagdadala ng kamuhian ni Gu Li Sheng, ang buhay ni Jun Xie pagkatapos niyang umalis mula sa akademya ang tatapos sa kanya. Kung hindi ko siya itulak ng ganoon, paano niya ititigil ang malamig at mayabang niyang dayag?

Hindi siya nagiging malupit, ngunit si Jun Xie ang hindi nakakaalam ng mas nakabubuti sa kanya at hindi pinansin ang sanga ng olibang inabot niya sa kanya. Samakatuwid, kailangan niyang magdusa!

Nanatiling tahimik si Yin Yan nang makitang dumating na si Jun Xie sa plasa, at umatras siya para makiisa sa mga tao.

Kahit gaano pa kataas ang tingin ni Ning Xin, nagkaroon na ng takot si Yin Yan kay Jun Xie.

Hindi niya makakalimutan ang eksenang nakita niya sa Battle Spirits Forest.

Sa pagdaring ni Jun Xie, mayroong mainit na usapang sumabog at nakatingin ang lahat sa maliit na anyo. Ang mga titig ay nararamdaman na rin ni Fan Jin, na naglalakad sa tabi ni Jun Wu Xie, parang mga kutsilyo sa kanyang likod, nagpapahirap sa kanyang paghakbang.

Ngunit si Jun Wu Xie naman ay tila hindi natatablan, kalmado ang kanyang mukha, ang kanyang mga hakbang, hindi nagmamadali, habang naglalakad sa ilalim ng maraming mala-kutsilyong mga titig. Tila wala siyang kinalaman sa mundo at naglalakad lang sa tabi ni Fan Jin, mag-isa.

Ang pagka-kalma ni Jun Xie ay nagdala sa mga nagaabang sa kanyang pagkatakot ay nabigo.

Binato ang mga mura at panlalait kay Jun Xie ngunit hindi niya pinansin ang kahit isa sa mga ito, o tumingin man lang sa kanila. Ang kanyang mga mata'y nanatiling nakaharap sa kanyang pinupuntahan.

Habang nag-iingay ang mga tao, biglaang lumitaw ang punong tagapagturong si Fan Qi sa harap ng plasa. Ang kanyang matangkad na anyo, na nakatayo sa harap ng lahat ng disipulo, ang kanyang kaakit-akit na mukha, na mayroong mahinhin na ngiti.

"Ang pagpapatawag sa inyo dito ay hindi ko kagagawan, ngunit iminungkahi ni Gu Li Sheng ng pakultad ng mga Spirit Healer. Ngayon, mayroon siyang nais sabihin sa inyong lahat." Pinaliwanag ni Fan Qi ng may ngiti at umatras para magkaroon ng lugar sa harap ng mga kabataan.

Ang langit lang ang nakakaalam, sa mga salot na sunod-sunod na nangyari sa akademya, nahirapan siyang ayusin ang mga ito. At ngayong nagkusa si Gu Li Sheng, masaya si Fan Qi na ibigay sa kanya ang mga pangyayari at ilayo ang kanyang sarili sa trabaho.

Dahan-dahang naglakad si Gu Li Sheng sa ilalim ng mga nag-aabag na titig para lumapit sa harap ng nagtipon-tipong mga disipulo. Nakasuot siya ng isang asul na balabal na may brokeid at mayroong magandang piraso ng esmeraldang nakasabit sa kanyang hita. Ngunit ang hangin na nakapalibot sa kanya ang nagpaatubili sa mga taong lumapit sa kanya, at nagpanatili ng distansya mula sa kanya.

Ang itsura ni Gu Li Sheng ang nagdulot ng malakas na paguusap ng mga tao matapos silang patahimikin ni Fan Qi.

Bagaman marami sa kanila ang nanghula kanina na nais niyang ipaghiganti si Li Zi Mu at iyon ang dahilan ng kanyang pagpapatawag sa buong akademya, bago siya makita, marami ang nagduda.

Ngunit ngayong nakita na nilang lahat si Gu Li Sheng sa kanilang harapan, nawala na ang mga pagdududa nila!

Marami sa mga disipulo ang napatingin kay Jun Xie, at ang mga pag-iisip nila'y malalaman kahit na hindi nila ito sabihin.

Ngunit, nabigo ulit ang mga disipulo ng akademya nang makita ang reaksyon ni Jun Xie. Malamig parin ang kanyang mga mata at hindi na siya nag-abala pang tignan ang sinuman sa kanila, at ang maliit niyang mukha na hindi masasasabing gwapo ay mayroong malamig na ekspresyon at wala nang ibang emosyon.

Nakatayo si Gu Li Sheng sa harapan ng mga disipulong nakatipon sa harap niya habang tinitignan ang bawat isa: "Katahimikan."

Agad na nawala ang mga bulong.

Walang may lakas ng loob na lumaban sa nagsimula sa pamamaraan ng Spirit Healing at gagalit sa kanya. Mas mahirap iyon kaysa paalisin sa akademya.

Related Books

Popular novel hashtag