Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 575 - Pagpatay sa Kapwa Disipulo (3)

Chapter 575 - Pagpatay sa Kapwa Disipulo (3)

Ngunit ngayon, sa buong Kingdom of Qi, sino pa ang mangangahas na magkalat ng masamang balita tungkol sa kaniya?

Ang Young Miss na kinamumuhian dati ng lahat dahil sa pagiging arogante, ngayon ay tinitingala sa buong Qi Kingdom.

Paghihiganti, hindi na mahalaga kung gaano katagal bago makitang mapatumba ng isang indibidwal ang kaniyang kaaway.

Bumuka ang bibig ni Fan Jin ngunit walang lumabas na salita doon.

Sa halip ay sinalinan ni Fan Zhuo si Fan Jin at Jun Wu Xie ng tsaa habang tumatawa at sinabing: "Hindi pa ba naniniwala ang aking nakakatandang kapatid sa kakayahan ni Little Xie hanggang ngayon? Hindi ito kumikilos pa sa ngayon dahil inaantay niya pang lumala ang sitwasyon. At hihintayin natin hanggang sa matunton ang tunay na salarin, bago iyon patayin. Hindi ba't mas mainam 'yon?"

Mapait na ngumiti si Fan Jin at umiling-iling.

"Maaaring mas mainam nga yon, ngunit habang kumakalat ang balitang iyon, mas maraming disipulo ang maniniwala, at ang mga disipulong iyon ay..."

Marahang ngumiti si Fan Zhuo at kinalma ang kaniyang kapatid: "Huwag kang mag-alala, kapag kumilos na si Little Xie, mababaliktad ang buong sitwasyon."

Napabuntong-hininga na lang si Fan Jin. Habang si Fan Zhuo at Jun Xie ay kalmado sa sitwasyong ito, siya naman ay punong-puno ng siphayo at pag-aalala.

"May natanggap ba tayong balita sa Rui Lin Army?" Biglang tanong ni Jun Wu Xie.

Saglit na nagulat si Fan Jin bago sumagot.

"Narinig kong sila ay darating limang araw mula ngayon." Sagot ni Fan Jin habang hinihilot ang sintido nito dahil hindi siya sigurado kung matutuwa ba si Long Qi kung paano sinolusyunan ng Zephyr Academy ang sitwasyon.

Napangisi si Jun Wu Xie na ikinasurpresa ni Fan Zhuo.

Walang dudang ang mukhang iyon ay pagmamay-ari ng isang bata. Bakit siya nahihirapang huminga dahil sa tipid na ngiting iyon?

"Limang araw. Sapat na iyon." Bumaba ang tingin ni Jun Wu Xie at tinignan ang sariling repleksyon sa tsaa nito. Bumakas sa mga mata nito ang determinasyon magtagumpay.

Nagtagal pa ng ilang sandali si Fan Jin bago ito umalis. Nang ito ay umalis, bakas pa rin sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

Pinanood naman ni Fan Zhuo ang kaniyang paalis nang kapatid at hindi niya mapigilang mapangiti.

"Ang kapatid kong ito ay napakainosente. Naniniwala akong mayroon nang ideya si Little Xie sa kung sino ang may pakana sa lahat ng ito." Nangulambaba si Fan Zhuo habang sinasabi iyon. Ang gwapo nitong mukha ay nakangiti kay Jun Wu Xie.

Tumaas naman ang isang kilay ni Jun Wu Xie.

"Bukod sa bobong humihiling ng kaniyang kamatayan, sino pa ba?"

Para mapaniwala ang mga disipulo sa ganon kaiksing panahon, wala nang ibang makakagawa non kundi ang taong naglalaro sa kaniyang isipan.

"Pinili niya ako noon para gamitin laban kay Fan Jin, ngunit nakikita ko na ngayon na pinalitan na nito ang kaniyang pinupuntirya." Malamig na humalakhak si Jun Wu Xie habang hinahalo ang kaniyang tsaa sa tasa. Naamoy ang aroma nito sa buong silid.

Dahil sa nabigo iyong kunin ang kaniyang loob at ilang beses nang pinagsupladuhan, hindi pa rin ito sumusuko. Dapat ba itong palakpakan dahil sa katapangan nito, o sadyang napakababaw lang talaga ng pag-iisip nito?

"Haha, tingin ko ay nasasagad na siya kung hindi, ay hindi ito gagawa ng bagay na ganito. Naghihintay siguro siyang ikaw ay palibutan ng iyong mga kaaway at walang tutulong, tapos siya ay darating para tulungan ka niya kunyari?" Mas lalo pang lumapad ang ngiti sa labi ni Fan Zhuo pagkatapos ay hindi na napigilang humalakhak.

Ang hindi maingat na mga paraan ni Ning Xin ay gagana lang siguro sa kaniyang kapatid. Pagdating kay Jun Wu Xie, masyado iyong pambata at hindi makokonsiderang wais na plano.

"Gusto kong makita, kung paano ito mapapahiya." Sagot ni Jun Wu Xie.

Related Books

Popular novel hashtag