Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 576 - Pagpatay sa Kapwa Disipulo (4)

Chapter 576 - Pagpatay sa Kapwa Disipulo (4)

Kung hindi masyadong mataas ang tingin ni Ning Xin sa kaniyang kakayanan, ibig sabihin masyado niyang minaliit si Jun Wu Xie.

Magbalak ng masama laban sa kaniya? Walang sapat na kaalaman si Ning Xin para doon.

"Limang araw mula ngayon, ipapamukha ko sa kaniya ano ang tunay na ibig sabihin ng ipagtanggol ang sarili." Saad ni Jun Wu Xie pagkatapos ay marahang inilapag sa mesa ang tasa.

Kung may taong lumalapit sa kaniya para hingin ang kamatayan nito, wala siyang nakikitang dahilan para hindi ito pagbigyan.

Tatlong araw mula nang makabalik si Jun Wu Xie sa Zephyr Academy, hindi pa rin humuhupa ang usapan tungkol sa kaniya. Mayroong mga disipulong sinadya pa siya sa kakahuyan at binato sila ng mga bato. Ang mga batong iyon ay sinayang ipatama kung saan naroon ang silid ni Jun Wu Xie.

Ilang beses nang nahuhuli ni Fan Jin ang mga kabataang iyon tuwing siya ay nagtutungo sa kakahuyan.

Maging ang Ilang mga guro ay nakikisali na rin. Iyon ay ang mga gurong galing sa Beast Spirit Faculty at ang nagpasimuno non ay ang isang beses pa lang na nakikita ni Jun Wu Xie na si Qian Yuan He.

Ang sabi ay mayroong disipulo ang nagtungo kay Qian Yuan He at nagtanong sa opinyon nito tungkol sa ugali ni Jun Wu Xie.

Sumagot si Qian Yuan He na may halong panghuhusga sa buong pagkatao ni Jun Wu Xie. Sinabi pa nitong isang malaking bahid sa kaniya ang magkaroon ng disipulong katulad ni Jun Wu Xie.

Ang sagot na iyon ni Qian Yuan He ay naging dahilan para tuluyang maniwala ng mga disipulo sa balitang kumakalat tungkol kay Jun Wu Xie. Kaya naman ay mas lalong sumiklab ang galit ng mga iyon kay Jun Wu Xie.

At ngayon, nang muling nagtungo si Fan Jin sa kakahuyan, may nakita siyang grupo na hinaharangan ang pintuan at pinagsasalitaan ng masama si Jun Xie. Nagpanting ang kaniyang tenga dahil sa kaniyang narinig.

"Jun Xie, 'wag mong isipin na matatakasan mo ang iyong kaparusahan sa pagtatago diyan! Pumatay ka ng iyong kapwa disipulo dahil sa kababawan mo! Ikakamatay mo isang araw ang ugali mo! Hinding hindi ka magtatagumpay!"

"Ang isang basurang katulad mo ay dapat na umalis dito sa Zephyr Academy! Isa kang malaking kahihiyan!"

"Wala kang hiya! Bakit hindi ka na lang mamatay..."

Papalapit pa lang si Fan Jin sa kakahuyan nang kaniyang marinig ang masasamang salitang itinatapon ng mga disipulong iyon dahilan para madilim ang kaniyang itsura.

"Itahimik niyo yang mga bibig niyo! Sino ang nagpahintulot sa inyong manggulo dito!? Wala ba kayong alam sa alituntunin ng academy? Ang sino man ang mahuhuling nagtrespass dito sa kakahuyan ay patatalsikin! Gusto niyo na bang umalis ng aademy!?" Madilim ang ekspresyon sa mukha ni Fan Jin habang sinisigawan niya ang grupo ng disipulong nasa kaniyang harapan.

Nangatal ang mga disipulo matapos marinig ang paninitang iyon ni Fan Jin. Ang intensyon ng kanilang mga binti ay ang tumakas na doon, ngunit sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay humakbang ang mga iyon palapit kay Fan Jin.

"Senior Fan! Nirerespeto ka namin dahil ikaw ay walang pagtatangi. Pero bakit pinoprotektahan mo pa rin si Jun Xie!? Sigurado akong alam mo ang insidenteng sinubukan niyang magnakaw kay Li Zi Mu, ngunit palit-ulit mong pinrotektahan si Jun Xie. Pero ibang usapan na ang ngayon, pinatay niya ang Kapwa namin disipulo na si Li Zi Mu! Paano mo siya naaatim na protektahan pa rin!? Ikaw pa rin ba ang Senior Fan na kilala namin? Ang lalaking iyon ay walang puso kaya siya namimihasa dahil sa patuloy mo pa rin siyang pinoprotektahan! Kung mananatili ka pa ring bulag, Senior Fan. Huwag niyo kaming sisisihin kung tuluyan kaming mawalan ng tiwala sa inyo!" Saad ng binatang namumuno sa grupo.

Kung ito ay noon nangyari, walang magkukwestiyon kay Fan Jin. Ngunit ngayon, matapos ng mga balitang kumakalat, wala na gaanong takot at tiwala ang mga disipulong ito kay Fan Jin.

Ito ang unang beses na mayroong disipulong harap-harapan sumagot kay Fan Jin. Nanlaki ang mga mata ni Fan Jin at namuo ang galit sa puso.