Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 574 - Pagpatay sa Kapwa Disipulo (2)

Chapter 574 - Pagpatay sa Kapwa Disipulo (2)

Sa Spirit Hunt, ang maling balita na inanyayahan ni Jun Xie si Li Zi Mu na sumama sa kanilang pangkat ay naging dahilan para paghinalaan si Jun Xie sa kaniyang intentsyon.

Pagkatapos ni Li Zi Mu na sumama sa kanilang grupo ay namatay ito sa Battle Spirits Forest. Sa lahat ng kagrupo ni Jun Xie, tanging si Li Zi Mu lang ang namatay habang ang iba ay wala man lang galos. Ang pangyayaring iyon ay lubos na pinaghinalaan ng ibang mga disipulo ng academy.

Siguradong intensyon na ni Jun Xie una pa lang na papatayin nito si Li Zi Mu!

Nag-aalalang tumingin si Fan Jin kay Jun Wu Xie. Ang balitang iyon ay kumalat sa buong academy na parang apoy sa kagubatan. Sinikap ni Fan Jin na huwag kumalat ang balitang iyon ngunit siya ay nabigo. Mas lalo pang naging mabilis ang pagkalat non at ang lahat ay naniniwalang pinatay ni Jun Xie si Li Zi Mu dahil sa galit at inggit.

Ang pinsala ng balitang ang isang disipulo ay pumatay ng kapwa disipulo ay may malaking epekto. Tulad na lang ng nangyari kay Lu Wei Jie, inakusahan nito si Ning Xin na may plano itong pumatay ng kapwa disipulo. Kahit na hindi nagtagumpay ang babae, ang reputasyon ni Ning Xin ay sirang-sira. At ngayon na pinagbibintangan si Jun Xie na pumatay ng kapwa disipulo, ang resulta non ay mas malala!

Kung ang isang disipulo ay napatunayang immoral, ito ay may kaakibat na parusa. Ngunit kapag ang isang tao ay nadiskubreng mayroon itong intensyong pumatay at talaga ngang namatay ang kaalitan nito, mas mabigat ang kakaharapin nito!

Nitong mga nakaraang araw, kalat na kalat ang usap-usapan kay Jun Xie sa buong academy at nakarating iyon kay Fan Jin.

Tahimik lang na nakinig si Jun Wu Xie at wala man lang bahid ng pag-aalala ang mukha nito.

"Little Xie, anong gagawin natin tungkol dito?" Alam ni Fan Jin na mayroon nang ideya si Jun Wu Xie at magagawa nitong ayusin ang sitwasyong iyon.

Ngunit dahan-dahan lang na humarap si Jun Wu Xie kay Fan Jin at sinabing: "Ang sinasabi nila ay tama, pinatay ko talaga siya."

Kahit na masyadong pinalala ang balita at may kaunting mali doon, sa katotohan, hindi nalalayo doon ang tunay na nangyari.

Ngunit ang katotohanan ay magtagumpay na namanipula ng sinumang nagpakalat noon.

Kahit na totoo ngang pinatay ni Jun Wu Xie si Li Zi Mu, ang tunay na rason non ay hindi kasing-babaw ng nasa bali-balitang iyon.

Walang mahanap na salita si Fan Jin para tumugon kay Jun Wu Xie.

Oo, pinatay ni Jun Wu Xie si Li Zi Mu, ngunit ang rason ay hindi dahil sa may galit si Jun Wu Xie dito!

"Ngunit ang katotohanan ay hindi ang sinasabi ng iba. Ayaw mo bang ipagtanggol ang sarili mo? Ang implikasyon ay mas malala ngayon. Kahit na napapalagpas pa ng aking ama ang mga balitang iyon, kapag magpapatuloy pa ito..." Napakamot si Fan Jin sa kaniyang ulo sa sobrang siphayo. Hindi niya maintindihan kung paano nagagawa ni Jun Xie na manatiling kalmado sa ganitong sitwasyon.

Wala ba itong pakialam sa reputasyon nito?

Lahat ng mga disipulo ng Zephyr Academy ay galing sa mayayamang pamilya. Kung ang balitang ito ay tuluyan pang kumalat, magkakaroon ito ng malaking epekto para sa kaniyang kinabukasan.

Si Fan Jin ay labis na nag-aalala habang ang biktima mismo ay nanatili pa ring kalmado sa sitwasyong ito.

"Kung gusto pa nilang palalain, hayaan mo sila. Nangahas akong gawin iyon, alam ko kung paano pangatawanan iyon. Ngunit hindi pa hinog ang sitwasyon. Gusto ko munang malaman kung kanino ng bibig nanggaling ang balitang ito." Bahagyang umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie. Hindi niya hinayaaang maapektuhan siya ng usap-usapang iyon.

Matapos niyang muling mabuhay, habang siya ay nasa Imperial City ng Qi Kingdom, minsan na rin siyang naging usap-usapan.

Related Books

Popular novel hashtag