Ngunit may pakiramdam si Jun Wu Xie na ang binata ay mas malakas kina Qiao Chu, at ang tatlo pang lalaking kasama nito ay kasing-lakas din ng binata.
Ang paglitaw ng apat na malalakas na lalaking iyon ay nagbigay sa kaniya ng babala para mag-ingat.
Bakit naparito sa Chan Lin Town ang apat na taga-Middle Realm?
"Hindi mo talaga masasabing purple spirits." Saad ni Hua Yao. "Sadyang ang mga taga-Middle Realm ay may kakaibang paraan kung saan pwede silang maging purple spirits. Ngunit ang pamamaraang iyon ay hindi nagtatagal. Habang tumataas ang aming spiritual power, ang oras na magagamit namin ang purple spirit level ay tumatagal din hanggang sa talagang makaabot na kami ng tunay sa purple spirit."
Ang dahilan kung bakit mas malakas ang mga taga-Middle Realm kaysa sa mga taga-Lower Realm ay dahil sa oras na magising ang kanilang ring spirits, magagawa na nilang gamitin ang kakayahan ng isang purple spirit.
Ang katotohanang basta na lang lumitaw ang apat na lalaking taga-Middle Realm ay naging dahilan kina Hua Yao para mas lalong mag-ingat. Sa Cloudy Peaks noon, may nakaharap silang dalawa at muntik na nilang ikamatay iyon kung hindi lang dahil sa pagsasakripisyo ni Ye Sha.
Ngayon ay apat ang mga ito. Kahit na hindi nila masiguro kung ang mga iyon ay nagmula sa Twelve Palaces, alam nilang hindi sila pwedeng magkamali ng kilos.
Hindi inaasahan ni He Chang Le na magtatapos ng malagim ang gabing iyon.
Hindi makakapagpatuloy ang auction at natigil sa kalagitnaan. Namumutla ang mukha ni He Chang Le habang nag-utos na alisin ang mga bangkay at linisin ang auction house.
Sinamahan ni He Chang Le sina Jun Wu Xie nang ang mga ito ay paalis na. Nagpapanggap lang itong maayos siya, pero nararamdaman nina Jun Wu Xie ang lungkot at takot sa puso nito.
Matapos ng madugong pangyayari, hindi nito matukoy kung masasabing tagumpay ang gabing ito sa Chan Lin Auction House.
Ngunit pagkatapos ng auction, ang gwapong binata at ang tatlo pa nitong kasama ay naglahong parang bula at hindi na nakita sa lugar na ito.
Nang gabing iyon, muling nagpalit ng anyo si Hua Yao at nagtungo sa Chan Lin Auction House. Kinuha nito ang napagbentahan ng mga elixir at dahil sa nangyari kanina, natigil ang auction. Mayroon pang mga spirit stones na natira at napagkasunduan nilang doon na lang muna iyon para sa susunod na auction.
Nang makita ni Hua Yao si He Chang sa auction house, namumutla pa rin ito. Ngunit hindi nito nakaligtaang sabihin ang tungkol sa kanilang kasunduan. Ibinigay ni He Chang Le maging ang dapat na komisyon nito sa elixir at ibinigay ang buong pinagbentahan ng elixir kay Hua Yao. Hiningi niya lang kay Hua Yao na patuloy itong suportahan sa pagsuplay ng elixir.
Sinabi naman ni Hua Yao na kailangan niya munang umuwi at pag-isipan iyon bago niya ito masasagot. Hindi na nagpumilit si He Chang Le. Isang matinding sakit sa ulo nito ang nangyari ng kaguluhan sa gabing ito.
Isang kakila-kilabot na pagpatay ang nangyari sa gitna ng auction at mahigit sa sampung tao ang namatay. Isa iyong malaking kaganapan sa Chan Lin House at hindi nito alam kung malalagpasan niya ba iyon.
Kung hindi agad nasolusyunan ang sitwasyon, baka hindi na magpapatuloy ang auction house.
Inasa na lang ni He Chang Le ang kaniyang pag-asa sa lalaking nagdala ng mga elixir.
Ipinaabot naman ni Hua Yao ang interes ni He Chang Le kay Jun Wu Xie at agad namang pumayag ang huli.
Nagtutugma ang isip ni He Chang Le at Jun Wu Xie sa pagkakataong ito.
Kailangan niya ng pera, habang si He Chang Le naman ay kailangang ayusin ang reputasyon ng Chan Lin Auction House. Sila ay nagtatrabaho sa isa't-isa para sa kanilang kaniya-kaniyang pangangailangan.