Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 569 - Isang Mamamatay Tao (1)

Chapter 569 - Isang Mamamatay Tao (1)

Sa sumunod na sandali, pumutok ang hiyawan sa loob ng auction house at agad na tumaas ang bid sa elixir!

Umabot sa two hundred thousand ang simula ng bid ng ganon kabilis!

Nang umabot na sa five hundred thousand ang kada isang elixir ay bumagal ang bidding. Noon, tanging ang mga elixir lang ng Qing Yun Clan ang umaabot sa ganoong presyo.

Kung tumaas pa ang presyo nito, hindi na iyon kakayanin ng bulsa ng mga taong naririto.

Nakita ng auctioneer na tumigil ang bidding. Tatlong beses niyang sinigaw ang huling bid at ipupukpok niya na sana ang malyete nang mayroong sumingaw sa gitna ng katahimikan!

"One million taels!

Ang boses na iyon ay nagmula sa isa sa mga pribadong silid sa ikalawang palapag. Nang marinig ng lahat ang boses na iyon ay sabay-sabay na lumingon ang mga tao sa pinanggalingan ng boses na iyon!

Sa isa sa mga pribadong silid na iyon, may apat na lalaking naggagwapuhan at nakasuot ng mamahaling kasuotan. Ang nagsalita ay ang pinakabata sa kanila. Naglalaro sa labing-lima o labing-anim na taong gulang ang edad nito. Gwapo ito ngunit sa tindig nito ay mata takot ang sinumang lalapit dito.

Inilibot ng gwapong binatilyo ang kaniyang tingin sa mga tao sa baba. Dahil sa tinging iyon ay natakot ang mga taong magsalita.

Ang auctioneer na nakatayo sa entablado ay natigilan, gulat na gulat ito.

Sa halos isang dekada niya bilang auctioneer sa Chan Lin Auction House, hindi pa siya nakakapagbenta ng bagay na aabot sa ganoong presyo!

Isang elixir para sa isang milyong tael?!

Ang kamay ng auctioneer na nakahawak sa malyete ay nanginig.

May iba pa bang magbi-bid?" Tanong ng gwapong binatilyo habang inililibot ang tingin sa mga tao. Ngumisi ito.

Natahimik ang buong auction house. Tatlong beses na nagtanong ang auctioneer at nakita niyang nauubusan na ng pasensya ang binata. Nang kaniyang masigurong wala nang ibang bid pinukpok niya ang malyete at isinarado ang presyo sa unang Hibernation Elixir.

Nagkaroon ng bulong-bulungan sa auction house pagkatapos non.

Sinundan ng tingin ng mga tao ang unang Hibernation Elixir na dinala sa isang pribadong silid sa ikalawang palapag.

[Tanga ba ang lalaking iyon? Magbibitaw siya ng ganon kalaking presyo para sa isang elixir?]

[Siguro ay totoo ngang ang mga tanga ay biniyayaan ng maraming pera. Mayroon pa namang apat na elixir at hindi nila kailangang magmadali.]

Ngunit naramdaman ng mga tao na ang kanilang inaasam-asam ay parang mahirap nang abutin.

Inanunsyo ng auctioneer ang starting bid sa ikalawang elixir nang muling sumigaw ang binata galing sa parehong silid at ang batang iyon ay muling nagbid ng isang milyong tael!

Sa apat pang elixir, siya ay nagbid ng isang milyong tael bawat isa. Walang nagawa ang mga tao kundi ang mapasinghap.

Ang limang Hibernation Elixir ay napakasamay ng lalaking iyon!

Lihim na humanga si Qiao Chu sa lalaking bumili non sa ganoong halaga. "Buong akala ko ay baliw na si Little Xie nang siya ay gumastos ng napakalaking halaga noon, at hindi ko Inaakalang makakakita ako dito na mas baliw pa sa knaiya! Tumataginting na limang milyong tael! Umuulan ba ng pera sa kaniyang bahay!?"

Masamang tinitigan ni Jun Wu Xie si Qiao Chu at sinabing: "Hindi ako kasing-baliw niya."

Natahimik naman si Qiao Chi. Nagsalin ito ng tubig sa baso at inalok ka Jun Wu Xie: "Hindi ko sinasabing ikaw, ang tinutukoy ko ay ang lalaking iyon."

Tinanggap naman ni Jun Wu Xie ang tubig at umiinom doon.

Nakahinga ng maluwag si Qiao Chu.

Samantala, nagiging kakaiba ang ihip ng hangin sa auction house.

Ang mga taong nagmula pa sa iba't-ibang pangkat ay nag-aasam na mapapakasamay nila ang kahit isa man lang sa limang Hibernation Elixirs. Hindi nila inaakalang may isang magbubuhos ng ganong halaga at pagkakataon sila ng tsansang makakuha man lang ng isa.

Sa oras na iyon, bumakas ang galit sa kanilang mga mukha!