Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 560 - Heaven's End Cliff (7)

Chapter 560 - Heaven's End Cliff (7)

Ang Twelve Palaces ay nagpatuloy sa pagpapadala ng mga tao para sa paghahanap ng puntod ng Dark Emperor. Kahit na ang mga iyon ay tapat sa kapangyarihan kanilang pinagsisilbihan, nag-isip pa rin ang mga iyon ng mabuti. Isa na doon ang mga magulang ni Fan Zhuo. Nakarating ang mga ito sa puntod ng Dark Emperor matapos makarating ng mga kapamilya ni Hua Yao doon. At ang iba ay pinilit na sumali sa kanilang gagawin. Lahat sila ay may tattoo ng mapa sa kanilang mga likod bago sila bumalik sa Middle Realm.

Ngunit ang tunay na ama ni Fan Zhuo ay may naramdamang hindi tama. Hindi nito dinala si Fan Zhuo at ang asawa nito pabalik. Pansamantala niyang iniwan ang mga ito sa Heaven's End Cliff.

At hindi nga ito nagkamali. Isang malaking bangungot ang naghihintay dito sa Middle Realm.

Hindi na ito nakabalik sa kaniyang asawa't anak. Ang buong pamilya nito ay pinatay at pinatay ang ina ni Fan Zhuo sa kaniya mismong harapan, habang siya ay natamo ng malubhang pinsala sa katawan.

Buti na lang at dumating di fan Qi at iniligtas si Fan Zhuo.

Malaki ang utang na loob na tinatanaw ni Fan Qi sa magulang ni Fan Zhuo kaya naman napagdesisyunan nitong kupkupin si Fan Zhuo. Ngunit maluha ang pinsalang natamo ni Fan Zhuo. Para protektahan si Fan Zhuo, pinalabas ni Fan Qi na ang tunay nitong anak ang ampon at si Fan Zhuo ang tunay na anak para ito ay tratuhin at gamutin ng maigi.

Para na rin iyon hindi siya ituring na masama.

Subalit ang mga pinsalang natamo ni Fan Zhuo ay nanatili hanggang sa kaniyang pagtanda. Bago nito makilala si Jun Wu Xie, naisip niya nang wala na siyang pag-asang mabuhay pa ng matagal. At kahit gaano pa kalaki ang galit niya sa Twelve Palaces, tinanggap na niyang wala siyang sapat na kakayahan para baguhin ang kaniyang kapalaran.

Kung hindi niya mapapanatili ang kaniyang buhay, hindi niya malalabanan ang Twelve Palaces.

Hanggang sa kaniyang makilala si Jun Wu Xie. Nagkaroon siya ng pag-asa!

Kwinento ni Fan Zhuo sa grupo ang lahat ng tungkol sa kaniya. Ang rebelasyong iyon ay muli nanamang nakapagpagulat kina Qiao Chu.

Tama si Fan Zhuo. Lahat sila ay buhay pa ngayon dahil sa lalaking iyon. Yan Bu Gui. Itinago silang lahat ni Yan Bu Gui sa Phoenix Academy at matagumpay na natakasan ang kalupitan ng Twelve Palaces. Ngunit si Fan Zhuo ang labis na minalas sa kanilang lahat.

Hindi lang nito nasaksihan ang pagkamatay ng kaniyang ina, nakatamo pa ito ng malubhang pinsala galing sa mga umatake sa kanila. Halos malumpo siya sa ginawa ng mga iyon sa kaniya.

Malinaw kina Qiao Chu kung gaano nila kinasusuklaman ang kanilang kaaway kay naiintindihan nila kung bakit sila sinubok ni Fan Zhuo kanina.

"Ngunit nagbago na ang mga bagay-bagay ngayon. Napansin kong lahat kayo ay hinahanap ang puntod ng Dark Emperor, bakit?" Kalmado si Fan Zhuo. Bahagya itong nakangiti. Animo'y ang kwentong ibinahagi nito kanina ay kwento ng ibang tao at hindi ng kaniyang sariling buhay.

Ngunit hindi makalimutan nina Qiao Chu ang galit na sumiklab sa mga mata ni Fan Zhuo kani-kanina lang.

"Kailangan naming lumakas at ang puntod ng Dark Emperor ay naglalaman ng mga pinakamalalakas na bagay na may mahika sa Middle Realm. Sa oras na matunton namin ang puntod ng Dark Emperor, mayroon na kaming sapat na lakas para labanan ang Twelve Palaces!" Bulalas ni Qiao Chu. Hindi nito ikinubli ang katotohanang iyon.

Tumawa naman ng malakas si Fan Zhuo.

"Hindi masamang plano. Ngunit hindi ganoon kadaling mahanap ang puntod ng Dark Emperor."

"Kahit gaano pa kahirap iyon, kailangan naming subukan. Ito lang ang tanging paraan para magkaroon kami ng lakas na kalabanin ang Twelve Palaces." Sagot naman ni Hua Yao.

Related Books

Popular novel hashtag