Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 547 - Misteryosong Itim na Bato (4)

Chapter 547 - Misteryosong Itim na Bato (4)

Seryoso ang tono ni Fan Zhuo. Ang mga mata nito ay nakatuon sa Black Jade Stone habang iyon ay kumikinang.

"Black Silver?" Nagsalubong ang kilay ni Rong Ruo nang kaniyang marinig iyon. Tumingin siya kay Fan Zhuo na parang may hinahanap.

Mayroong kakaibang tingin din sina Qiao Chu sa kanilang mga mata.

"Iyon ay isang uri ng metal na ginagamit para sa paggaya ng ring spirits. Sobrang dalang noon. Ang pinakamalaking Black Jade Stone ay halos kasinlaki lang ng isang itlog." Masyadong nahulog si Fan Zhuo sa kaniyang sariling eksplanasyon bago ito bumaling kay Jun Xie.

"Little Xie, ang bagay na iyon ay magagawang magpanday ng ring spirits ng kahit na sino, bakit hindi ko subukang magbid doon?"

Mayroon na silang mga spirit stone, ngunit hindi pa sila nakakapagdesisyon tungkol sa metal na iyon.

"Hindi na kailangan." Sagot ni Jun Wu Xie. "Bibilhin ko iyon."

Nagulat si Fan Zhuo.

Lumingon si Jun Wu Xie kay Fan Zhuo at sinabing: "Hindi mo kayang bilhin iyon."

Agad namang Namula ang mukha ni Fan Zhuo.

Halos nakalimutan niya na ang tungkol doon! Bihira lang siyang lumabas at wala itong ideya sa mga presyo ng bagay-bagay. Bago siya umalis, binigyan siya ni Fan Jin ng ilang libong tael. At ngayon ay napagtanto niyang hindi pala iyon aabot sa tatlong daang libong tael...

Hindi niya talaga mabibili iyon!

Mas lalo pang namula ang mukha ni Fan Zhuo.

Si Qiao Chu naman ay parang hindi naiintindihan ang pangyayari at humagalpak ng tawa. Tinapik-tapik nito ang balikat ni Fan Zhuo.

"Little Zhuo, huwag kang mag-alala! Tayo ay hawak ng ating "naglalakad na banko"! Mayaman si Little Xie!" Matapos sabihin iyon ay kinindatan pa ni Qiao Chu si Jun Wu Xie.

Hindi naman sumagot si Jun Wu Xie, pinaikot lang nito ang kaniyang mga mata.

"Hindi na talaga nahiya si Qiao Chu." Inis na sabi ni Fei Yan.

Hindi pa rin tumahimik si Qiao Chu at sinabing: "Kung nahihiya ka, bilhin mo."

"..." Walang masabi si Fei Yan.

Umiling-iling naman si Hua Yao. Ang maging "hawak" ni Jun Wu Xie, ay isang malaking kahihiyan para sabihin ni Qiao Chu.

Matapos mabuo ang desisyon, pinatunog ni Jun Wu Xie ang maliit na kampana sa ikalawang palapag.

Malakas namang umalingawngaw iyon. Natigil ang bulong-bulungan. Ang lahat ay tumingala sa ikalawang palapag.

Ang pagtunog ng maliit na kampanang iyon ay nangangahulugang mayroon nagbid sa ikalawang palapag.

Sa likod ng entablado, ang lalaking may benda ay tumingala. Tumingin ito sa isa sa mga pribadong silid at nakita ng maliit na pigura. Ito ay bata pa. Nakatayo ito at hawak ang maliit na kampana.

Nakikipag-usap ang bata sa isang naninilbihan, pagkatapos ay sinigaw nitong: "Isang bisita sa pribadong silid ay nagbid ng tatlong daang libong tael!"

Lumakas naman ang usap-usapan ng mga tao sa Chan Lin Auction House!

[Mayroong bibili ng batong iyon sa halagang tatlong daang libong tael?! Nababaliw na ba ito?]

Sinubukan naman ng mga taong tignan kung sino ang nasa pribadong silid na iyon.

Nang kanilang makitang bata pa ang naroon, pare-pareho ang nasa isip ng lahat, "ang tanga at ang pera nito ay maghihiwalay, sa 'di katagalan." Marahil ay masyadong namangha ang bata nang marinig nito ang Heaven's End Cliff at iniisip na may pambihirang gamit ang batong iyon.

Bukod sa mga nagulat, marami rin ang nainis dahil iniisip nilang nagulangan si Jun Wu Xie ng Chan Lin Auction House.

Halos maiyak naman sa tuwa ang auctioneer. Hindi na siya nagdalawang isip nang kaniyang ipukpok ang malyete. Agad niya iyong pinukpok ng tatlong beses, hudyat na may nakakuha na ng misteryosong batong iyon. Natatakot siyang baka magdalawang-isip pa si Jun Wu Xie at bawiin ang bid nito.