Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 543 - Chan Lin Town (6)

Chapter 543 - Chan Lin Town (6)

Sumagot si Fan Zhuo at ngumiti ng maaliwalas: "Alam ko ng konti."

"At iiwan na naming lahat ng ito sa'yo." Wala ng iba pang salitang binaggit si Qiao Chu at iniabot ang mga Spirit Stones kay Fan Zhuo.

Nagulat si Fan Zhuo. Akala niya ay marami pang tanong si Qiao Chu at ang mga kasama nito bago nila ikatiwala ang pag gawa sa Spirit Ring dahil hindi lang ito basta maliit na bagay at kung may masamang motibo ang manggagawa at dayain ang proseso sap ag gawa, maaring makaapekto ito sa kanilang Ring Spirits. 

Ngunit simple lang ang tinanong ni Qiao Chu at ng kanyang mga kasama kung marunong siya gumawa at ititwala nila ang importanteng gawain na ito sa kaniya. At lumagpas pa ito sa mga inaasahan ni Fan Zhuo.

Pagkatapos nito, si Hua Yao at ang mga kasama nito ay iniabot ang kanilang Spirit Stones kay Fan Zhuo ng wala ni ilang sandaling pag-aalinlangan.

"Tiwala ako sa palagay ni LittleXie sa mga tao." Sabi sa kanya ni Qiao Chu na nakatawa.

Ang maliit nilang kasama ay labis na matalas at matalino at kung hindi siya tiwala dito sa taong ito ay hindi niya ito isasama sa biyahe niya.

Tumawa si Fan Zhuo, nagniningning ang mga mata nito sa dahil sa kanyang pagtawa.

"Hindi ko kayo bibiguin, ngunit sa pag gawa ko ng Spirit Rings niyo, may mga kailangan akong gamit. Titingnan ko kung may angkop na gamit dito sa amboy." Ayaw na ni Fan Zhuo magpaliwanag pa ng mahaba, pakiramdam niya ay gantimpala na ang ibinigay nitong buong tiwala sa kanya para gawin ng maayos ang trabahong ito.

Pagkatapos pag-usapan ang mga plano, ang mga kasamahan ay nagsimula ng magkwentuhan ng masasaya. Sa karagdagan ni Fan Zhuo at muling pamumuno ni Qiao Chu ng pagpapapatawa, ang silid ay napuno ng malalakas na tawanan.

Pareho ng naramdaman si Hua Yao at ng mga kasama niya. Kumpara sa walang ekspresyong mukha ni Fan Jin, mas mainam tingnan si Fan Zhuo.

Isa lang ang amboy sa Chan Lin Town at tinatawag itong Chan Lin Town Auction House. Nagsasagawa sila ng amboy kada ikatlong araw at ngayong araw mangayyari ang isa. Pagkatapos nilang kumain ng hapunan, ang anim na mgakakasama ay umalis na sa bahay-pahingahan. Kumpara kapag umaga, mas maraming ginagawa sa gabi ang Chan Lin Town. May mga maiilaw na sulo na siyang ilaw sa madilim na gabi sa kalsada. May mga maiilaw din na mamalaking lampara na nasa taas na nakapalamuti sa daan at nakasabit sa maliit na kalye.

Maraming mas nakakainteresado na Gawain ang nadagdag sa Chan Lin Town kapag gabi. Ang mga entablado ay may mga iba't-ibang klase ng sirkus at Opera Performances at maraming tindero ang nagtitinda sa kalada ng iba't-ibang kagamitan.

Ang pangunahing kalye ay puno ng mga tao at mahirap gumalaw at karamihan dito ay mga disipulo ng Zephyr Academy. Ang ibang tao ay hinahanap din ang mga disipulo mula sa Zephyr Academy. Bagaman hindi pa lumalabas ang lahat ng disipulo ng Zephyr Academy, dahil sa mataas na reputasyon nila, ang kanilang mga kabataan ay sapat na bilang pinakamainam na pangkat. 

Ang iba't-ibang kapangyarihan na sadyang ikakapanalo ang sila ay bata pa at walang muwang at sapat na karanasan, pagkatapos nila magsipagtapos, magkakatgalay pa rin sila ng mapanganib na lakas.

Dahil sa rason na iyan, mas lalong madaming tao sa Chan Lin Town sa mga pagkakataong ito.

Ang anim na kabataan ay lumusob sa napakaraming tao at agad silang nasakop.

Dahil na rin sa masikip ang lugar, hindi na dinala ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh at iniwan niya ito sa bahay-pahingahan kasama ang maliit na itim na pusa at pwinersang maging bantay nito.

Havbang nasa daan, ninanains ni Fan Zhuo n asana ay mas marami pa siyang mata para mas marami pa siyang nakikita.dahil sa dami ng tao, mas lalong natuwa si Fan Zhuo. Sa kabutihang palad, matangkad si Qiao Chu at at ang malakas nitong awra ay nagagawa niyang protektahan si Fan Zhuo AT Jun Wu Xie, at dahil ditto naiiwas banggain ang maliliit na mga katawan nito ng mga nakakasalubong na tao.

Kahit na sanggain ang grupo ng mga tao sa nang narrating nila ang hindi dulong kalye, hindi maikakailang naging gusot-gusot ang damit ni Fan Zhuo.

"Sobrang pala talagang daming tao sa lugar na 'to!" Sabi ni Fan Zhuo na nasasabik at napakalaki ng ngiti.

"Nagustuhan mo?" Tanong ni Qiao Chu, habang hingal na hingal at nakatingin kay Fan Zhuo. Hindi nila alam na muntik ng mawala ang kanyang sapatos sa karamihan ng tao.

"Hindi masyado, ngunit bagong karanasan ito!"Masayang sagot ni Fan Zhuo.

"Kailangan pa nating tumawid ng dalawang kalye bago tayo makarating sa amboy. Kung magmadali na tayo ngayon, maabutan pa natin ang ikalawang bahagi ng subasta." Sabi ni Fan Yin na may hawak na mapa sa kanyang mga kamay, na kinukumpara ang mga palatandaan sa mapa sa kinakatayuan nila.