"Malapit na tayong makarating sa Chan Lin Town. May gusto ka bang bilhindoon Little Xie?" Tanong ni Fan Zhuo na namumula pa rin ang pisngi dahil sa haplos ng pusa dito.
"Magtitingin-tingin muna ako." Sagot ni Jun Wu Xie na hinahaplos naman ang katawan ni Lord Meh Meh.
Wala siyang gaanong gustong bilhin pero mayroon siyang ilan na gustong ibenta.
Bukod sa mga spirit stones na kanilang nakuha sa Battle Spirits Forest, mayroon ding dala si Jun Wu Xie na mga elixir. Kaniya iyong ginawa nang siya ay nasa Qing Yun Clan nang wala siyang gaanong ginagawa kaya naman ay marami-rami iyon.
Sa kanilang pagtungo sa auction house, hahanap din siya ng gamit na makakatulong sa kaniya para sa paggaya ng elixir. Para iyon sa may pinagkakaabalahan siya sa Zephyr Academy kapag wala siyang ginagawa. Simula nang binigay sa kaniya ni Yan Bu Gui ang cosmos sack, hindi niya kailangang mag-alala kung ilang elixir ang kaniyang ddadalhin.
Masasabing maalalahanin si Fan Jin at maayos sila nitong naipaghanda. Hindi lang ito nagpahanda ng karwahe para sa kanilang dalawa ni Fan Zhuo, kundi maging pati kina Qiao Chu. Simula sa mga karwahe hanggang sa kanilang tutuluyan sa Chan Lin Town ay wala itong nakaligtaan. Pagkarating nila sa Chan Lin Town, hindi na kailangang isipin ni Jun Wu Xie kung saan sila magpapahinga.
Dahil maayos na iyong naayos ni Fan Jin, hindi na kailangang mag-alala ng dalawang may kahinaan sa mga mababalbon at matatabang hayop.
Huminto na ang karwahe at sa wakas ay nakarating na sila sa Chan Lin Town.
Sakto lang ang kanilang pagdating para magtanghalian at ang daan ay puno ng mga tao. Karamihan sa mga ito ay nakasuot ng uniporme ng Zephyr Academy at may mga dala itong bag sa kanilang mga likod.
Ang isang bagay na hindi kulang sa mga disipulo ng Zephyr Academy ay, pera!
Inihatid ng kutsero ang kaniyang dalawang pasahero sa Inn na pinahanada ni Fan Jin sa grupo bago dinala ang karwahe sa kung saan para magpahinga.
Ito ang unang beses na makakita ni Fan Zhuo ng maraming tao. Sumisigaw ang mga tindero sa magkabilang gilid ng daan para ilako ang kanilang tinitinda. Ang mga lantern ay nakasabit sa daraanan, habang ang mga mata naman ni Fan Zhuo ay kumikislap sa kaniyang nakikita.
Nakasuot lang silang dalawa ng kaswal na kasuotan at kung ikukumpara sa mga batang nakasuot ng uniporme ng Zephyr Academy ay hindi sila gaanong kapansin-pansin.
Matapos pagsawain ni Fan Zhuo ang kaniyang sarili, pumasok na ito sa Inn kasama si Jun Xie.
Ngunit bago pa man sila tuluyang makapasok, may narinig silang sigaw galing sa loob ng Inn!
"Kalokohan! First come first served, hindi mo ba iyon alam?! Pinareserba na namin ang kwarto noon, bakit sainyo ibibigay?" Isang pamilyar na boses ang umalingawngaw at si Jun Xie na naglalakad katabi ni Fan Zhuo ay bahagyang nag-angat ng tingin.
Sa unang pa lapag ng gusali, ilang kabataan ang nahati sa dalawang grupo at kasali sa argumento.
Isang grupo ay nakasuot ng uniporme ng Zephyr Academy at nakataas-noo ang mga ito.
Sa kabilang bahagi naman ay tatlong lalaki at isang babae. Mga gwapo ang mga iyon at ang isa dito ay nakataas ang paa upang harangan ang dadaan an paakyat.
Ang ibang mga naroon ay nanonood lamang. Maging ang may-ari at ang assistant nito ay nag-aalalang nanonood. Gustong lumapit ng mga ito ngunit mukhang hindi rin nito alam ang sasabihin.
Isa sa mga kabataang nakasuot ng uniporme ng Zephyr Academy ay lumapit at tinawanan ang lalaking nakaharang sa daraanan.
"Mga asong hangal, 'wag kayong paharang-harang sa daraanan ng mga tao. Kalokohan ang sinasabi mong first come,first served. Ang Inn ay isang negosyo, kung kaya't ibibigay nila ang silid sa kung sino ang may kakayahang magbayad. Kung tingin mo ay hindi patas iyon, pwede kang makipag-bid saamin. Kung hindi mo kaya, dun ka tumahol sa iba!"