Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 536 - Paghabol sa Pagdurusa (4)

Chapter 536 - Paghabol sa Pagdurusa (4)

Tumitig si Jun Wu Xie kay Fan Zhuo, inaamin niyang mas matalino ito kaysa sa kapatid nito. Hindi nito kailangan ng mas halatang pruweba para lang maintindihan ang tunay na sitwasyon.

"Pero hindi din naman ito ganon kababaw. Matapos ng dalawang beses mo itong pinagsupladahan, sigurado akong malinaw na sa kaniyang hindi niya makukuha ang kailangan niya sa'yo." Saad ni Fan Zhuo na animo'y nakikipag-usap sa sarili. Sanay na ito sa madalas na tahimik na si Jun Xie at walang kaso sa kaniya iyon.

"Maaaring matalino nga ito, ngunit wag mong kakalimutang mayroon itong amang tuso. Kung hindi nila makukuha ang kanilang gusto, gagawa sila ng plano para burahin pati ang kanilang kailangang tao. Mag-iingat ka sa mga nasa paligid mo."

"Alam ko." Tumango-tango si Jun Wu Xie. Hindi siya natatakot na kikilos si Ning Rui laban sa kaniya, natatakot siyang magtitimpi ito at mawawala ang kaniyang pananabik.

"Bumubuti na ang lagay ng katawan ko, kung wala kang masyadong gagawin sa academy, maaari mo ba akong samahan sa isang maiksi ng paglalakbay, Little Xie?" Tanong ni Fan Zhuo.

"Saan?"

"Auction house."

Nagtaas ng isang kilay si Jun Wu Xie. Gusto niyang magtungo sa auction house. Nang sila ay nasa Battle Spirits Forest, marami silang nakuhang spirit stones. Sila nina Qiao Chu at ang buong grupo ay naghahanap ng oportunidad na maibenta iyon sa auction house ngunit hindi sila nagkaroon ng tsansang gawin iyon. Ang sinabi ni Fan Zhuo ay nakapagpaalala sa kaniya ng bagay na iyon.

"Mayroon akong kailangang bilhin, masasamahan mo ba ako? Alam mo na, sa kondisyon ng aking kalusugan, hindi ako papayagang lumabas mag-isa ng aking ama. At kung hahayaan ko silang pumili ng aking makakasama, malamang sa malamang ay napakaraming tao ang ipapadala ng mga ito. Pero kung ikaw ang aking kasama, hindi gaanong mag-aalala ang aking ama at kapatid." Marahang ngumiti si Fan Zhuo kay Jun Xie.

Dahil bumuti ang kalagayan ni Fan Zhuo, Natutunan ni Fan Qi na magtiwala sa galing ni Jun Xie sa Medisina at kahit na hindi pa ito nakakahanap ni Fan Qi, malaki ang pagpapasalamat nito kay Jun Xie.

"Para sa iyong paglalakbay, ang aking presensiya ay baka hindi sapat." Hindi binigyan ni Jun Wu Xie si Fan Zhuo ng Diretsong sagot. Kahit na naniniwala ang mag-amang Fan na magagawang tuluyang mapagaling ni Jun Xie si Fan Zhuo, hindi pa rin nila ito papayagang umalis si Fan Zhuo ng walang kasama.

Mas madaling mapapayag si Fan Jin dahil nasaksihan nito mismo ang kakayahan ni Jun Wu Xie sa Battle Spirits Forest. Ngunit si Fan Qi, mahihirapan silang mapapayag ito.

Nang naramdaman ni Fan Zhuo na tatanggihan siya ni Jun Xie, muling nagsalita ang huli: "Mayroon akong mga kasama. Kung aayain natin sila, magiging ayos ang lahat."

Lumapad ang ngiti sa mukha ni Fan Zhuo.

"May mga kasamahan ka rito? Kung papayag sila ay mabuti."

Nabubuhay ang kuryosidad ni Fan Zhuo sa kung anong klaseng tao ang mga tinutukoy ni Jun Xie. Sa loob ng mailing panahong nakasama niya si Jun Xie dito sa kakahuyan, alam niyang may malamig na personalidad si Jun Xie at minsan lang ito makisalamuha. Tanging sa magkapatid na Fan lang ito nakikipag-usap sa loob ng Zephyr Academy. Para sa mga sumusubok nangyayari lang sa mga ito ang nangyari kay Ning Xin at Yin Yan.

"Sigurado akong papayag sila." Kalmado ng sagot ni Jun Wu Xie.

Sa kaniyang pagkakatanda, si Qiao Chu ang nagbigay sa kaniya ng ideya na magpunta ng auction house para magbenta ng ilang ginto. Kaya naman ito ay magandang pagkakataon.

Naglalahad ng plano si Fan Zhuo kay Jun Xie ng kanilang plano sa pagpunta sa auction house at sa kabilang banda naman, madilim ang mukha ni Ning Xin habang nagmamadaling lumabas sa kakahuyan, nakasunod dito si Yin Yan.

Nang sila ay makarating sa isang lugar kung saan walang tao, hindi na nagawang itago ni Ning Xin ang kaniyang galit!

"Ang mayabang na lalaking iyon! Kung hindi lang dahil sa kasamahan nitong nagtataglay ng purple spirits, wala siyang binatbat saakin!"