Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 532 - Pagtanim ng Kalapati sa Pugad ng Uwak (3)

Chapter 532 - Pagtanim ng Kalapati sa Pugad ng Uwak (3)

Nanigas ang kamay ni Fan Zhuo na nakahawak sa kutsara at napatuwid ng pag-upo. Hindi ito nag-angat ng tingin ngunit nanatiling tahimik ng ilang sandali bago sumagot, ang boses nito ay bahagyang basag: "Anong magagawa ko kahit na sabihin ko sa kanila? Kung walang pruweba, hindi maniniwala si Papa at si Kuya. At kung makakarating iyon sa taong iyon, mas lalo lang gugustuhin ng taong iyon na mawala ako. Hindi ba't mas maigi kung patagalin ko pa at maghintay na lang ng milagro?"

Iba ang dating ng boses ni Fan Zhuo, malayo sa madalas na masiyahing boses nito. Ang basag na tinig nito ay nakakalungkot para sa kung sino man ang makakarinig non.

"Tiwalang-tiwala si Fan Qi sa taong iyon?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Jun Wu Xie.

"Iniligtas siya ng taong iyon. Kaya simula noon, mas inuna niya ang kapakanan ng taong iyon kaysa sa sarili niya. Alam ko na noon pa na may gustong mawala ako, ngunit hindi ko alam kung saan galing at kung sino. Walang pruweba o bakas man lang. Hindi maniniwala sa akin si Papa kung ibabase lang sa mga sasabihin ko." Nag-angat ng tingin si Fan Zhuo. Walang ngiti sa gwapong mukha nito. Matalas ang tingin nito at malamig ang titig.

Kung hindi siya kumpiyansa sa sarili na hindi niya matatalo ang kaniyang kalaban sa isang atake lang, hindi siya gagalaw para hindi makatunog ang kaniyang kaaway.

"Ngunit bakit kumikilos ka na ngayon?" Tanong ni Jun Wu Xie.

Tumitig si Fan Zhuo kay Jun Wu Xie. Ang madilim nitong anyo ay biglang napalitan ng ngiti.

"Dahil mayroon akong Little Xie sa tabi ko."

Kumurap-kurap si Jun Wu Xie ng ilang beses.

"Simula nang mapalapit ka Little Xie sa aking kapatid, nagamit kang piyon para sirain ang reputasyon ng aking kapatid. Sa iyong personalidad, hindi mo hahayaang makawala ang mga salarin. Alam kong gaganti ka isang araw. At sa araw na ikaw ay kumilos, ay ang araw na ako ay lalaya." Kumikinang ang ngiti sa mukha ni Fan Zhuo. Dahil sa presensiya ni Jun Wu Xie ay nagkaroon siya ng pag-asa. Pag-asang isang araw ay hindi niya na kailangang magtago.

"Mas matalino ka kaysa sa iyong kapatid." Tumitig si Jun Wu Xie kay Fan Zhuo. Hindi siya makapaniwalang naghihintay na lang ng kamatayan si Fan Zhuo. Maaaring mayroon itong nabubuo ng plano. Ngunit kailangang paghandaan ng matagal ang plano nitong iyon.

"Masyadong mabait at medyo mangmang ang aking kapatid. Lagi niyang tinitignan ang mabuti sa mga tao. Kung hindi niya iyon mismong masasaksihan, hindi siya maniniwala at iisiping hindi lang iyon malinaw pagkakaintindihan." Nagkibit-balikat si Fan Zhuo. Kilalang-kilala na niya ang kaniyang kapatid.

"Kung malalaman ni Ning Xin na mayroon kang tsansa na tuluyang gumaling, baka hindi na niya antayin ang iyong pagkamatay." Kalmadong saad ni Jun Wu Xie.

Ang tunay na hinahanap ng mag-amang Ning ay matatanggap nila mismo kay Fan Zhuo.

Hindi nagbago ang ngiti sa labi ni Fan Zhuo.

"At kung hindi ako ang tunay na tagapagmana?"

Nagulat si Jun Wu Xie.

Tumayo si Fan Zhuo. Tinulak nito palayo ang malamig nang pagkain.

"Kung ang tunay kong pagkatao ay ginawa para magtanim ng kalapati sa pugad ng uwak at si Fan Jin talaga ang tunay na kadugo, ganon pa rin kaya ang takbo ng kanilang isip?"

Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie. Nabubuhayan siya ng interes sa kaniyang naririnig.

Nakatitig pa rin si Fan Zhuo kay Jun Wu Xie.

"Mabuting tao sina Papa at Kuya. Kung hindi dahil sa kanila, malamang ay wala na ako. Ang pagtanim ng kalapati sa pugad ng uwak ay pagtanaw ng utang na loob. Pagkatapos ng bagay na ito sa pagitan ng Fan at Ning Family, ang tunay kong pagkatao ay ilalantad."

Kaya naman ang kaniyang pananahimik ay para ikonsidera ang damdamin ng mag-amang Fan bilang kabayaran sa kabutihan ng mga ito. 

Humilig ang ulo ni Jun Wu Xie at tumingin kay Fan Zhuo. Mukhang bago siya makilala ni Fan Zhuo ay nawalan na ito ng pag-asa. Alam na niya sigurong hindi na kakayanin pa ng kaniyang katawan na matagal pa at sinusubukan nitong gumawa ng paraan para makahalata ang mag-amang Fan saa intensyon ng mag-amang Ning.

Ginamit nito ang sariling buhay bilang kabayaran.

P.S. - "Kalapati sa Pugad ng Uwak" Ito ay isang literal nna translasyon galing sa isang Chinese title. Nagtingin-tingin ako ng tungkol dito at nakuhang (malayo ang kinalaman sa tunay na ibig sabihin dahil sa limitado kong kaalaman) ito ay galing sa ancient Chinese poem kung saan ang mahinahong kalapati ay hindi marunong gumawa ng pugad. Ang translasyon sa diksyunaryo ay parang --- pwersahang pagkuha ng tirahan ng iba". Idinagdag ko ang "Pagtanim ng" para mas lalong maintindihan. Sana ito ay makatulong.

Related Books

Popular novel hashtag