Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 53 - Sinundan (Pangalawang Bahagi)

Chapter 53 - Sinundan (Pangalawang Bahagi)

Sa mga taong dumaan, si Long Qi lang ang responsable sa pagbabantay kay Jun Qing, hindi nangengealam sa iba pang mga usapin sa Palasyo ng Lin. Sa pagtakas ni Jun Wu Xie, sapat na ang paghahanap ng mga piling mga gwardya sa kanya. Hindi na kailangan pang personal na magbantay ni Long Qi sa kanya.

Napakahusay nga ng kanyang mga gamot, marami siyang naakit dahil sa mga ito!

Nalungkot si Jun Wu Yao, hindi niya siya hinintay na magsalita, hinarap sa kanya si Jun Wu Xie, isang kamay sa kanyang bewang, isa, hawak ang kanyang panga at itinaas ang kanyang tingin.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan, isang mukhang makakapagpagalaw ng mga bayan, natakpan ng isang ordinaryong mukha.

Habang hinahaplos ng kanyang magaspang na mga daliri ang kanyang mga labi, ngumiti siya ng may halong pangaasar at pagbibiro.

"Grabeng pangit." Nagpipigil siyang punasan ang mukha ng dayuhang mukhang nakatingin sa kanya.

"Edi wag kang tumingin." Sumimangot si Jun Wu Xie, hindi talaga niya maintindihan ang nasa isipan niya.

Madalang lang siya sa Palasyo ng Lin, hindi mapansin ang kanyang presensya. Minsan, susurpresahin niya si Jun Wu Xie sa pamamagitan ng biglang paglitaw, minsan, walang bakas niya na mahahanap.Sabi nga niya dati, wala siyang poot sa palasyo at walang masamang balak sa kanila. Iniiba lang niya ang kanilang mga alaala, kung saan naaalala lang siya pag nakikita siya nila. Kung hindi, hindi siya maiisip ng kung sino man. Pag malayo siya kay Jun Xian at Jun Qing, makakalimutan nila na merong Jun Wu Yao na nabubuhay.

"Gusto kong bumalik." Biglaang sinabi ni Jun Wu Xie habang nakatingin sa kanyang mga kamay, senyas para bumitaw siya.

"Sige, sabay tayong bumalik." Sinabi ni Jun Wu Yao ng nakataas ang kilay, at binuhat niya si Jun Wu Xie na tila isang prinsesa.

"..." Tinignan siya ng masama ni Jun Wu Xie.

Hindi ito pinansin ni Jun Wu Yao nang binuhat niya ito, at sumunod lang ang itim na pusa.

Sa kalye, galit si Long Qi sa sarili niya dahil sa nawala si Jun Wu Xie sa kanyang paningin. Nagbuntong-hininga siya at gumaan ang pakiramdam niya nang makitang kinakarga ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie paglabas sa isang eskinita.

"Ginang, binibini." Sinigaw niya, pero siya'y hindi parin makapaniwala dahil hindi niya naramdaman ang kanilang presensya bago sila magpakita.

Hindi pinansin ni Jun Wu Yao si Long Qi at patuloy lang na binuhat si Jun Wu Xie pabalik sa palasyo.

Tahimik na sumunod si Long Qi.

....

'Nakalimutan' lahat ng nangyari kay Jun Wu Xie. Nang sumikat ang araw sa kinaumagahan, hindi na pinagusapan ni Jun Xian at Jun Qing ang nangyari. Sinundan lang ni Long Qi si Jun Qing at ginamot ang kanyang mga sugat habang patuloy lang sa kanilang mga gawain.

Pagpasok na pagpasok ni Jun Wu Xie at ng maliit na itim na pusa sa parmasya, tinawag ng maliit na itim na pusa ang little lotus.

[Lumabas kang buhong ka!]

Lumabas ang isang nanginginig na anyo na agad na lumuhod sa sahig.

Nakatupi ang mga braso ni Jun Wu Xie sa kanyang dibdib at tinitigan ng malamig ang anyong iyon.

Nanginig ng husto ang little lotus.

Tumahimik ang kwarto.

Matapos ang kalahating-oras, hindi na matiis ng little lotus ang nakakasakal na kapaligiran. Nagsimula siyang umiyak, ang kanyang mga mata na mismo ang nagmamakaawa kay Jun Wu Xie. Alam na niyang mapapala niya ang galit ng kanyang panginoon dahil sa kanyang pagsuway sa Bayang Naulog.

Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie at tinitigan siya ng masama.

Nanginig nanaman ang mga binti ng little lotus.

[Nung sinabi kong wala kang kwenta, hindi ko naisip na ganun ka pala kawalang kwenta. Pinilit mo pa ang panginoong bilhin ang mga sira-sirang libro para. Sabihin mo sa akin, ano ang gagawin mo sa mga nabubulok na mga bagay na iyan?]

Umakyat sa mesa ang maliit na itim na pusa at pinatong ang kanyang paa sa nakatambak na mga libro at tinitigan ng masama si little lotus.