Nang buksan ni Fan Zhuo ang pinto sa bakuran, saglit siyang nabigla habang nakatingin sa magandang babaeng nakatayo sa labas. Bumakas sa kaniyang mga mata ang samu't-saring emosyong ngunit agad ding nawala.
"Little Xin?" Naguguluhan ang itsura ni Fan Zhuo habang nakatingin kay Ning Xin. Matagal-tagal na rin simula nang huli niya itong makita.
Kahit na sila ay ipinagkasundong ikasal, ang kalusugan ni Fan Zhuo ay nagpatigil na pag-usapan ang bagay na iyon. Para siya ay magkaroon ng lugar para magpagaling, lumipat si Fan Zhuo sa kakahuyan at bihira na lang magpunta si Ning Xin sa lugar na ito.
Sa kaniyang pagkakatanda ay mahigit isang taon na ang nakakalipas simula ng magtungo si Ning Xin.
"Kuya Zhuo." Matamis na ngumiti si Ning Xin.
"Kuya Zhuo, matagal nang hindi nakakabisita si Little Xin, galit ka ba kay Little Xin?"
Marahang ngumiti si Fan Zhuo at sinabing: "Hindi naman."
Tumingin si Ning Xin na parang nanghihingi ng paumanhin kay Fan Zhuo.
"Na-mimiss ko ang aking Kuya Zhuo ngunit pinaalalahanan ako ni Papa na kailangan mong magpahinga at hindi kita dapat istorbohin. Kaya naman pinipigilan kong hindi ka dalawin. Patawarin mo ako Kuya Zhuo."
Mahinang tumawa si Fan Zhuo at umiling.
Nanumbalik ang masiglang ngiti sa mukha ni Ning Xin habang nakatingin kay Fan Zhuo bago ito muling nagsalita: "May inihanda akong makakain mo, Kuya Zhuo. Paborito mo ito noong mga bata pa tayo." Matapos sabihin iyon ay inilabas ni Ning Xin ang isang lunchbox.
Saglit na tinignan iyon ni Fan Zhuo bago muling sinalubong ang tingin ni Ning Xin: "Napakamaalalahanin mo Little Xin. Mainit na diyan sa labas, halika pumasok ka at uminom ka ng tsaa."
Tumango naman si Ning Xin at ngumiti bago sinundan si Fan Zhuo. Ang inosenteng itsura nito ay agad na naglaho nang tumalikod sa kaniya si Fan Zhuo. Lumalim ang kaniyang titig sa payat na likod ng lalaki.
Gwapo si Fan Zhuo at may mabuting katangian. Tanging ang kalusugan lang nito ang problema para makakamit ng tagumpay.
Kung maayos lang ang kalusugan ni Fan Zhuo, magiging masaya si Ning XIxn na maikasal sa isang gwapong binata. Ngunit ang mahinang kalusugan nito ang naglugmok dito. Araw-araw ay itinuturing na nitong huling araw niya. Kung mamatay si Fan Zhuo, ang pagmamay-ari sa Zephyr Academy ay mapupunta sa kamay ni Fan Jin, sa oras na iyon, wala nang tsansa ang kaniyang ama.
Ngunit...
Napangisi si Ning Xin. May gamit pa rin si Fan Zhuo, dahil sa malinis nitong puso ay madali itong manipulahin.
Sa puso nito, ang tingin nito sa kaniya ay isang malambing at inosenteng babae.
Inayos ni Ning Xin ang kaniyang sarili sa kakahuyan. Matapos mapaalis si Ah Jing, ang natira sa kakahuyan ay tanging si Fan Zhuo at Jun Xie na lamang. Habang si Fan Jin ay na paparito tuwing kakain na.
Narito sa kaniyang harap si Fan Zhuo, as an si Jun Xie?
Naningkit ang mga mata ni Ning Xin para suriin ang paligid.
Masyadong tinangay si Ning Xin ng kaniyang iniisip at si Fan Zhuo ay tumigil sa paglalakad.
Huli na nang mapagtanto iyon ni ni Ning Xin at tumama siya sa likod ni Fan Zhuo. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang maliit na pigurang nakatayo malapit sa kubo. Nakatingin ito sa kaniya, ang mga mata ay nagyeyelo!
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Ning Xin. Simula nang kaniyang masaksihan si Jun Xie na nakipaglaban sa Guardian Grade Spirit Beast, namuo na ang takot niya sa maliit na batang ito.
Ang mga nagyeyelong mata na nakatitig sa kaniya ngayon ay naging dahilan ng kaniyang hindi mapigilang pagnginig!