Dahil sa kasam nila ang tupa, si Jun Wu Xie at ang kaniyang mga kasamahan ay nagdesisyon na tumigil na sa paghahanap ng mga Spirit Beast. Lahat sila ay naghahanda na sa pagbabalik nila kinabukasan ma siyang hudyat ng pagtatapos ng Spirit Hunt.
Magkakaiba ang kahulugan ng Spirit Hunt na ito sa ibang disipulo. Sa iba, pupwedeng kapareho lamang ito ng mga naunang Spirit Hunt, sa iba naman, isa itong hindi makakalimutang alaala. Ngunit sa ibang grupo ng disipulo, maaring natapos ang kanilanh buhay sa loob ng masukal na Battle Spirits Forest.
Ang bawat pangkat ng mga disipulo ay nagsimula nang maglakbay pabalik. Ang iba ay masaya samantalang ang iba naman ay malungkot at miserable. Karamihan sa kanila ay sugatan ang pagal na mga katawan.
Napagod ang mga disipulo sa kanilang pagkalakbay at pakikipagsapalaran sa loob ng kagubatan. Nagkaroon ng pagkakataon ang malalakas na disipulo na ipamalas ang kanilang kakayahan at kapangyarihan sa pamamagitan sa paghuli at pagpatay sa iba't ibang uri ng Spirit Beast habang ang mahihinang disipulo naman ay nahirapan sa paglakbay sa loob ng gubat dahil madali silang magupo ng mga Spirit Beast.
Isa isang binilang ng mga guro ang mga nakabalik na disipulo pati na rin ang mga bitbit nitong mga spirit stone. Ang iba ay may madaming nakuha habang ang iba naman ay kahit isa, walang nakuha.
Si Jun Wu Xie at ang kaniyang mga kasamahan ay dumating mg hindi ganoon kaaga at hindi rin ganoon kahuli. Halos puno na ng mga disipulo ang kampo pagkadating nila. Karamihan sa kanila ay halos nahirapan na itawid ang pitong araw sa loob ng kagubatan, kung kaya naman nakahinga na sila ng maluwag pagkabalik nila sa kampo. Abala sa pagkukwentuhan ang mga disipulo sa kanilang naging karanasan sa loob ng gubat.
Nang makabalik na si Jun Wu Xie at ang kaniyang pangkat, nagulat ang guro sa nakuhang tala ng pangkat. Iilang piraso lamang ng mababang antas na spirit stone ang inabot nila sa guro, hindi pinapansin ang nakataas na kilay nito. Unang plano ni Fan Jin na ibigay lahat ng nakuhang spirit stone.
Ngunit nang makita niya ang ginawa ni Jun Wu Xie at ng iba pang mga kasamahan, iilang piraso na lang din ng spirit stone ang kaniyang ibinigay sa guro.
"Fan Jin, kapag sumali ka ulit sa susunod na Spirit Hunt, huwag ka ng sumama sa mga walang kwentang disipulo katulad nila." Nakakunot ang noo ng guro na nakatalaga sa pagtala ng mga spirit stone na nakuha ng mga disipulo nang makita ang "resulta" ng kay Fan Jin. Sikat si Fan Jin sa mga guro dahil sa maganda at kapita-pitagang reputasyon nito sa Zephyr Academy. Kahit siya ang isa sa mga pinakamalakas at makapangyarihang disipulo, mataas pa rin ang inaasahan nila sa kaniya.
Sa mga naunang partisipasyon ni Fan Jin sa Spirit Hunt, hindi man siya ang nakakuha ng may pinakamaraming spirit stone, ngunit isa siya sa may matataas na marka. Subalit sa pagkakataong ito, ang bilang ng spirit stone na naiuwi ni Fan Jin ay mas mababa kumpara sa dating bilang ng mga nakukuha niya. At ang mga nakuha niya pa ngayon ay lahat galing sa mababang antas na spirit stone.
Isinisi ng guro ang mababang bilang ng spirit stone na nakuha ni Fan Jin sa kina Jun Wu Xie at ilang disipulo mula sa branch division na siyang kasama niya sa loob ng kagubatan.
Ngumiti na lamang si Fan Jin sa guro at hindi na nagsalita pa.
Sa kabuuan ng Spirit Hunt na tumagal ng pitong araw, hindi siya masyadong nahirapan. Dahil sa kay Qiao Chu at pangkat nito, hindi siya nagkaroon ng maraming oportunidad na maging kapakipakinabang sa loob ng gubat.
Pagkatapos itala ng guro ang kanilang marka, si Qiao Chu at ang iba pa ay nagsimula nang itayo ang kanilang tutulugan kasama ang iba pang mga disipulo ng branch division. Nagpaalam na si Jun Wu Xie sa kanila at paalis na dapat sila ni Fan Jin nang biglang tumakbo palapit si Fan Jin kina Qiao Chu.
"Qiao Chu, saglit lang!"
Nilingong siya ni Qiao Chu, nagtaka dahil sa pagtakbo palapit sa kanila ni Fan Jin na may malaking ngiti sa bibig habang humihingal.
"Ano iyon, nakatatandang kapatid Fan?" Tanong ni Qiao Chu.
"Ang lahat ng spirit stone na ito ay para sa inyong lahat." Inilabas ni Fan Jin ang mga itinabing stone at inilagay sa mga palad ni Qiao Chu.
"Bakit mo ito ibinibigay sa amin?" Nagulat si Qiao Chu, ang bigay ng mga bato na nasa kamay niya ay halos kapareho ng parte na ibinigay nila kay Fan Jin.
Nahihiyang sumagot si Fan Jin: "wala ako masyadong naitulong sa Spirit Hunt na ito. Kaya nararapat lang na mapunta sa inyo ito. May mga bagay pa akong kailangang asikasuhin kaya aalis na ako. Sa muling pagkikita natin." Hindi na hinintay pa ni Fan Jin ang tugon ni Qiao Chu at mabilis na tumakbo palayo.
Kumamot ng ulo si Qiao Chu at si Rong Ruo ay tumawa na lamang.
Kahit may kaunting katigasan si Fan Jin sa iilang pagkakataon, hindi nila maikakaila na ito ay tapat at tuwid na katangian.
Totoong isa siyang mabuting tao.