Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 512 - Ang Makulit na Buntot na Nakakubli sa Anino (3)

Chapter 512 - Ang Makulit na Buntot na Nakakubli sa Anino (3)

Bahgayang tumaas ang kilay ni Jun Wu Xie. Ang maliit na tupa ay nagsimulang kumain ng damo sa paligid ng paa ni Jun Wu Xie.

"Ang Spirit Beast na ito ay hindi natatakot sa tao? Dahil ba sa nabibilang ito sa napakababang antas?" naluluhang tumatawa si Qiao Chu. Ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng Spirit Beast na hindi takot sa tao. Kung ang ibang mababang antas na Spirit Beast ay nakaramdam ng tao na malapit ditto, agad itong kakaripas ng takbo palayo at hindi mag-iiwan ng marka. Ngunit ang maliit na tupang ito, kahit hinawak-hawakan at hinaplos-haplos na nila ng paulit-ulit, hindi pa rin natakot sa kanila.

At Masaya pa itong kumakain!

Hindi ba ito natatakot nab aka patayin nila ito?

"Kung titingnan ang sukat nito, mukhang bagong panganak pa lamang ito at hindi pa ito gaanong mapagmatyag sa kaniyang palibot." Saad ni Rong Ruo.

"Nakakita na baa kayo ng bagong panganak na tupa na sobrang kapal ng balahibo?" tumaas ang kilay ni Qiao Chu at hindi makasagot si Rong Ruo.

Ang maliit na tupa ay tila hindi naririning si Qiao Chu at nagpatuloy lamang sa masayang pag-nguya ng damo… ni hindi manlang nagtaas ng ulo.

Bahagyang inilipat ni Jun Wu Xie ang paa sa tabi upang mabigyan ng espasyo ang maliit na tupa habang ito ay masayang kumakain ng damo, ngunit hindi niya inaasahan na susunod pa din sa kaniyang mga paa ang maliit na tupa.

Tumigil sa paghakbang si Jun WU Xie at ganoong din ang ginawa ng maliit na tupa at ipinagpatuloy ang pagkain ng damo.

"…Ang ibig bang sabihin nito na gusto ng maliit na tupang ito si Little Xie? Ang alam ko ang mga ibo ay ganito ngunit ang tupa… ganoon din ba?" tanong ni Qiao Chu habang kumamot sa kaniyang ulo.

"Hindi. Hindi sila ganoon." Siguradong sagot ni Hua Yao.

Dahan-dahang nawawala ang liwanag at bumababa na ang temperature sa Spirit Moon Lake. Naging mahaba ang araw para kina Jun Wu Xie at sa mga kasamahan niya at kailangan na nilang magpahinga. Gaya ng dati, tumalon sila sa taas ng puno upang doon magpahinga.

Ang maliit na tupa na patuloy pa ring kumakain ng damo ay napansin ang mga paa ni Jun Wu Xie na gumalaw kaya tumigil ito sa pagkain at sumunod sa kaniya.

Alas…

Ang maliit na tupa ay tumingin sa taas at tiningnan si jun Wu Xie na tumalon paakyat sa puno, mababakas ang lungkot sa mata nito.

"Meh~ Meh~"

"Gusto mo bang iakyat iyon?" Tumingin si Qiao Chu sa maliit na putting tuldok sa baba ng puno.

"Hindi na kailangan." Malamig na saad ni Jun Wu Xie. Humiga na si Jun Wu Xie. Hinayaan niyang mahulog ang maliit na porselang bote na naglalaman ng medisina na nagtataboy sa Spirit Beast. Nagulat ang maliit na tupa sa nahulog. Nang wala itong makitang kahit na ano, matapang nitong nilapitan ang bote at sininghot bago itinulak ang bote gamit ang ilong nito.

"Natatakot ka bang kakainin ang maliit na tupang iyon ng ibang Spirit Beast?" tanong ni Qiao Chu ng makita nang ginawa ni Jun Wu Xie habang may ngiti sa kaniyang mga labi.

Sinabi nitong hindi na kailangan pang iakyat ang maliit na tupa pero inihulog lang din ang bote upang maprotektahan ito. Ngunit…

Alam kaya ng maliit na tupang iyon na ang boteng iyon ay makasalba sa kaniya sa kung ano mang panganib ang maaring dala ng kadilamn ng gabi?

"Matulog ka na." Inayos ni Jun Wu Xie ang kaniyang pagkakahiga at ipinikit na ang kaniyang mga mata. Ganoon din ang ginawa ng kaniyang mga kasamahan.

Sa ilalim ng puno, ang makulit na tupa ay patuloy pa din sa mahinang pag-iingay. Pagkalipas ng ilang sandal, ang dilim ay tuluyang sinakop ang paligid. Ang maliit na tupa ay napagod din at tumigil sa kaniyang b=pag-iingay. Inihakbang nito ang maliliit nitong mga paa palapit sa puno at humiga na rin. Pagkahiga nito, hindi nito nakalimutang kumain sa damo na nasa tabi nito. Ngunit sa pagkakataong iyon, ang nginunguyang damo ay iniluwa lang din.

"Meh…"

[Hindi nakakatuwa, hindi talaga nakakatuwa.]

Malungkot na pumikit ang maliit na tupa, natulog na masama ang loob at may isang maliit na butil ng luha sa gilid ng nakapikit nitong mata.

Related Books

Popular novel hashtag