Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 510 - Ang Makulit na Buntot na Nakakubli sa Anino (1)

Chapter 510 - Ang Makulit na Buntot na Nakakubli sa Anino (1)

"At ang mga disipulong ito…" sabi ni Nangong Xu habang tinitingnan sila Lu Wei Jie at ang mga kasamahan nito.

"Maari niyo na silang isama pabalik." Maikling sagot ni Long Qi. 

"Maraming salamat." Hiyang-hiya si Nangong Xu at mabilis niyang inakay ang mga disipulo bago siya humingi ulit ng patawad sa kay Rong Heng at Long Qi at sinigurong aaksyonan niya agad ang insidenteng ito.

Bumuntong hininga si Fan Jin nang makaalis na sila Nangong Xu. Naiilang pa din siya dahil sa nangyari. "Siguradong maipaparating ng maayos ni Nangong Xu ang insidenteng ito sa aking ama."

Sobrang pagkakapahiya ang nadarama ni Fan Jin. Bakit kasi may mga hangal na disipulo ang Zephyr Academy? Sinisira lamang ng mga ito ang pangalan ng Zephyr Academy.

Hindi na nagsalita pang ulit si Long Qi tungkol sa nangyari at nilingon na lamang si Jun Wu Xie.

"May iba ka pa bang ipag-uutos?"

Bahagyang tumango si Jun Wu Xie at sinabing "Pagkalipas ng ilang araw, magpadala ng ilang taohan sa Zephyr Academy."

"Masusunod!" bahagyang nag-alangan si Long Qi bago nagsabing "ikinonsidera mo na bang lumipat ng ibang Academy? Mukhang hindi na maganda pang tumuloy sa Zephyr Academy."

Si Fan Jin na nakatayo sa tabi ay gusto ng ilibing ang kaniyang ulo sa lupa dahil sa labis na pagkapahiya.

"Hindi na kailangan." Simpleng sagot ni Jun Wu Xie. Ang totoong rason kung bakit siya tumuloy sa Zephyr Academy ay hindi naman sa kadahilanang gusto niyang matuto dito.

Hindi na napag-usapan pa ang nangyaring insidente. Ang mga sugat na natamo ng mga mandirigma ng Rui Lin Army ay hindi naman malubha at kailangan lang malapatan ng lunas upang Malaya nang makagalaw muli ang mga ito. May nakuha na silang Aqua Spirit Grass na siyang pakay nila sa Battle Spirits Forest at kailangan na nilang makaalis ng kagubatan.

Matapos makapagpaalam kay Jun Wu Xie, iginiya na ni Long Qi ang grupo pabalik sa kaharian ng Qi. Bago umalis, ipinangako niya kay Jun Wu Xie na sasabay siya sa Rui Lin Army sa pagbisita sa kaniya sa Zephyr Academy.

Pinanood ni Jun Wu Xie ang paglisan nila Long Qi at nang tuluyang nawala na ito sa kaniyang paningin, nilipat niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga kasamahan. Dahil kay Long Qi, naalala niya ang kaniyang tiyuhin na si Jun Qing at tila pakiramdam niya, hindi niya nilisan ang palasiyo ng Lin.

"Ano na ang kailangan nating gawin? Ipagpatuloy?" tanong ni Qiao Chu habang ang dalawang kamay ay nakasalikop at nakapatong sa likod ng kaniyang ulo.

"Oo." Pinilit ni Jun Wu Xie na ibalik ang kaniyang sigla. Malayo pa ang kaniyang tatahaking daan, ang daan tungo sa lakas at kapangyarihan, ang daan na gigiya sa kaniya pauwi sa kaniyang tahanan.

Si Jun Wu Xi at ang kaniyang mga kasamahan ay nagsimula na ulit sa kanilang paghahanap ng Spirit Beasts.

Dahil sa papalapit na pagtatapos ng Spirit Hunt, kaunting oras na lamang ang nalalabi para makahuli sila ng Spirit Beast.

Halos takip-silim na nang makarating sila sa Spirit Moon Lake galing sa isang masaganang huli.

Kumagat si Jun Wu Xie sa hawak niyang pinatuyong karne habang nakatunghay sa paglubog ng araw, at walang kahit na sino ang nakakaalam sa kung ano ang kaniyang nasa isipan.

Nakaramdam siya ng mariing titig. Nilingon niya ang pinanggalingan nito at sa tingin niya may nakita siyang isang maliit na pigura na mabilis na nawala sa likod ng mga matatayog na puno, hindi kalayuan sa kanilang inuupuan.

Sa sobrang bilis nito at dahil na din sa dilim na nagsisimulang lamunin ang kapaligiran, hindi niya ito nakita ng maayos.

"Ano iyon?" tanong ni Qiao Chu.

Sumingkit ang mga mata ni Jun Wu Xie, pero wala siyang maramdamang panganib dahil dito. "Mayroong nakakubli sa malapit."

Dahil sa liit ng pigurang iyon, malamang hindi ito isalang tao.

"Isang Spirit Beast? Dito sa Spirit Moon Lake pumupunta ang mga Spirit Beast upang uminom ng tubig. At dahil nandito tayo pumwesto sa gilid ng lawa, maraming mga Spirit Beast ang nagpapatulis na ng kanilang mga pangil." Tumawa ng nakakaloko si Qiao Chu.

"Ngayong gabi, matulog sa tabi. At sa pag gising natin kinabukasan, si Hua na ang bahalang kumuha ng iyong mga buto para gawing kagamitan. Matigas at matibay ang iyong mga buto, maari naming mapakinabangan ang mga iyon." Mapang-asar na sabi ni Fei Yan kay Qiao Chu.

Bumusangot lang si Qiao Chu at umusog ng upo sa tabi ni Hua Yao.

"Ang maliliit kong mga buto ay hindi pa lumalaki, kung siguro umabot na ako sa isang siglo, malaya kong ipepresenta ang aking mga buto kay Hua."

Related Books

Popular novel hashtag