Si Fan Jin ay nakasunod kay Long Qi at sa mga kasamahan nito pabalik at nang nakabalik na sila, nakita nila na ang mga guro ng Zephyr Academy ay nakikipaglaban sa mga mandirigma ng Rui Lin Army!
"Grandpa Xu! Patigilin mo sila! Hindi dapat kayo nakikipaglaban sa kanila! Kailangan nilang tumigil!" Halos naiiyak na si Fan Jin habang nagmamakaawa kay Nangong Xu.
Ano talaga ang nangyayari dito!
"Tama na!" biglang saad ni Nangong Xu. Tumigil sa pag-atake ang mga guro ng Zephyr Academy at ibinaba ang kanilang mga hawak na espada.
Si Rong Heng at ang dalawa pang disipulo galing sa Cloud Treading Peak ay mabilis na nilapitan ang mga mandirigma ng Rui Lin Army at ginamot ang mga sugat nito.
"Ano ang nangyayari dito? Fan Jin, saan nanggaling ang mga taong nasa likod mo? Bakit nila dinukot ang mga disipulo ng Zephyr Academy? Kung hindi niyo ako bibigyan ng magandang paliwanag sa nangyari ngayon dito, kahit nandito ka pa, hindi ko palalagpasin ang nangyaring ito." Nakakunot ang noo ni Nangong Xu. Siya ang nakatalaga sa kaligtasan ng mga disipulo habang ginaganap ang Spirit Hunt ng Zephyr Academy, at ngayong araw, nalaman niyang nadukot ang mga disipulo ng Zephyr Academy. Hindi niya pupuweding mapalagpas ang pangyayaring ito at madumihan ang pangalan ng Zephyr Academy.
Mabilis na nagpaliwanag si Fan Jin "hindi ito gaya ng iniisip mo, Grandpa Xu. Isa itong hindi pagkakaunawaan…"
"Hindi pagkakaunawaan? Ang katotohanan ay nakikita na ng dalawang mata ko. Sa tingin mo ako ay isang bulag?" malamig na sabi ni Nangong Xu.
Tahimik na naghihimagsik ang kalooban ni Long Qi. Palihim niyang sinulyapan si Jun Wu Xie at nang nakita niyang bahayang tumango sa kaniya si Jun Wu Xie, hindi niya na pinigilan ang sariling ipakita ang kaniyang galit.
"Sa tingin ko ikaw nga ay isang bulag. Ang tanging inisip mo lang ay ang mga disipulo ng Zephyr Academy ngunit hindi mo inisip kung bakit sila nandito." Malamig na tumawa si Long Qi, ang kaniyang tingin sa Zephyr Academy ay lalong bumaba.
"Bakit?" naghahamong tanong ni Nangong.
"Hayaan mong sila ang magsabi mismo sa iyo ng rason!" saad ni Long Qi.
Inilipat ni Nangong ang kaniyang tinngin sa mga disipulo. Si Lu Wei Xie na siyang unang pumigil sa mga guro kanina ay nanginginig habang mariing nakatingin sa kanila si Nangong Xu. Alam nila na kahit pinoprotektahan ni Nangong Xu ang Zephyr Academy, hindi magpapaligoy-ligoy na magbigay ng naangkop na parusa sa kung sino man ang nagkamali, kahit pa kay Fan Jin o Ning Xin.
"Magsalita ka Lu Wei Jie. Ano ba talaga ang nangyari?" malamig na sabi ni NAnging Xu. "Kung ang sino man dito ang nagkamaling hamakin ang disipulo ng Zephyr Academy, hindi ako mangingiming makipaglaban kahit pa ang kapalit ay ang aking sariling kapakanan."
Iniisip ni Nangong Xu nab aka hindi magsabi ng katotohanan si Lu Wei Jiie dahil sa takot nit okay Long Qi.
Dahil sa narinig mula kay Nangong Xu, mas lalong nanginig si Lu Wei Jie.
"Hindi… Hindi ito tulad ng iniisip mo… Teacher Nangong… Ang totoo niyan… pinagtangkaan naming si heneral Long at ang kaniyang mga kasamahan… ngunit nahuli nila kami…" nanginginig at nauutal na sabi ni Lu Wei Jie.
Hindi makapagsalita si Nangong Xu dahil sa pag-amin ni Lu Wei Jie. Ang kaniyang kaarogantehan kanina ay mabilis na naglaho kasabay ng ihip ng hangin.
"Ano…ano ang sinasabi mo?"
"Pinagtangkaan sila? Paano mo nasabing ganoong lang iyon!" ginagamot pa rin ni Rong Heng ang mga sugat ng mga mandirigma ng Rui Lin Army ngunit hindi niya na mapigilan ang galit na kinipkipkip sa kaniyang dibdib. "Bakit hindi mo sabihin sa iyong mga guro kung paano mo sinadyang ginalit ang Guardian grade Spirit Beast at iginiya tungo sa amin upang kami ay patayin! Kung hindi kami sinuwerteng makatakas, isa na siguro kami sa mga kaluluwa na pakalat-kalat sa kagubatang ito!"
"Ano?!" galit na sigaw ni Nangong Xu! Ang mga sinabi ni Rong Heng ay parang matitigas na bato na itinarak sa kaniyang puso. Mariin niyang tiningnan si Lu Wei Jie at nang nakita niyang yumuko ito sa pagkapahiya, ang kaniyang mukha ay namula sa galit.