Alam ni Jun Wu Yao na sumasang ayon na sa kaniyang 'hiling' ang dalaga bago ito mamahinga.
Mapalad siyang muli niyang nakamit ang kaniyang kalayaan. Yaman din lamang na pinagpala siya ng kalangitan, titiyakin niyang mababawi niya ang lahat ng nawala sa kaniya. Ngunit bago ang paghihiganting iyon, kinakailangan niyang maibalik ang dating lakas. At sa pagkakataong ito, mukhang hindi siya mababagot sa tulong ng dalaga. Dahil sa paniniwala niya, siya ay naiiba.
Nagdaan ang mga araw at tila lahat na ng mga gamot at inumin at nakita na niya. Kasabay ng pagpapatawag ng lahat ng pinakamahuhusay na manggagamot ng kaharian para lamang kay Jun Wu Xie.
Ngunit kung siya ang papipiliin, mas hangad niyang lunasan ang sarili.
Mga kwak-kwak! Mga kwak-kwak silang lahat! Ngitngit ng dalaga sa kaniyang sarili habang tinititigan ang uri ng pangagamot ng mga tinaguriang dalubhasang doctor.
Sa tantiya niya, aabutin lamang ng sampung araw para malunasan ang mga pinsalang tinamo niya kumapara sa hindi bababa sa isang buwang gamutan ayon sa mga 'manggagamot'.
Ngunit dahil sa kasalukuyan niyang kalagayan, wala siyang magagawa kundi magtiis sa loob ng isang buwan.
Sa mga sandaling iyon, araw-araw bumibisita si Jun Xian upang kamustahin ang kaniyang paggaling habang si Wu Yao naman ay bihira ang pagbisita.
Nang magkaroon siya ng sapat na kakayanang makalakad saka lang nagpakita ang binata.
"Sa wakas, mas matino ka nang tingnan." Asar ng binata habang nakasandal ito sa pintuan.
"Magpapalit ako ng damit." Bitiw ng dalaga habang nakatitig sa binata. Layas. Ang tanging nais ipahiwatig.
Sa kasamaang palad… mukhang may isang taong hindi nakakuha ng pahiwatig.
Sa halip na umalis, lumapit ito kay Jun Wu Xie at marahang binuhat ito.
Tumayo ang mga balahibo ng pusa at sumigaw sa kaniyang isipan.
[Bitawan mo siya, beast!]
"Hindi ka pa tuluyang magaling, kapatid ko. Mahirap ito para sa iyo, kaya natural lang na tulungan ka ng Kuya mo."
Hindi alintana ang inis na nais ipahiwatig ng dalaga, binuhat niya ang 'kapatid' hanggang sa kama at namili ng malinis na kasuotan para sa kaniya at binihisan ang dalaga.
"...…." Napatulala si Jun Wu Xie habang tinatanggal ni Jun Wu Yao ang panlabas na damit nito.
Bukod sa mga pagkakataong may kinalaman sa panggagamot, ni minsan ay hindi naging ganito kalapit sa isang lalaki.
Gulat at walang nagawa kundi titigan lang ng masama ang binata.
Sa pagkakataong ito, tanging ang munting pusa lang ang may malinaw na pag iisip. Hindi ito ang tamang oras para mawala sa tamang ulirat. Napagsasamantalahan na siya. ITULAK MO SIYA!!!!
...…..
Nanatiling nakaupong parang bato si Jun Wu Xie habang pinapalitan ito ng damit.
Maging si Jun Wu Yao ay nagulat sa kalmadong kilos ng dalaga matapos niya itong damitan, kung kaya panukso nitong nginitian ang dalaga habang buhat buhat ito palabas ng pintuan.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Wu Xie ng mahimasmasan ito. Sa pagkumpas ng kaniyang kamay, nagbalik ang pusa sa kaniya at naglahong parang bula.
"May bisita tayo." Sagot ni Wu Yao sabay ng nakasisilaw nitong ngiti sa dalaga.