Kahit noong una pa, walang narinig ang Lower Realm na may isang naghahanap sa Guardian Grade Spirit Beast.
Kahit na ang maalamat na Purple Spirit na siyang may pinaka sukdulang lakas ay tatakbo kapag nakaharap ang Guardian Grade Spirit Beast!
Walang Purple Spirit user ang nakita dito sa matagal na panahon! Kahit ang Rui Lin Army ay hindi nagpupunta dito!
Nag marinig nila ang ungol na iyon, hindi lang mukha ni Fan Jin ang mukhang may sakit, pati ang mukha ni Qiao Chu. Marahil di nila alam ang Rui Lin Army, pero narinig nila ang pamamayani nito, at mataas ang respeto dito ng grupo.
"Bakit nila kikutain abg Guardian Grade Spirit Beast? Hindi lalaban ang lahat ng Spirit Beasts kung hindi sila sisimulang atakihin, at maghiganti!" Ang sabi ni Rong Ruo, at pati ang kulay ng mukha nito ay hindi rin maayos.
Pagkatapos masabi ni Rong Ruo ang mga katagang iyo, biglang may parehong napagtanto silang lahat.
Ang mga tauhan ng Rui Lin Army ay napagdaanan lahat ng pagdurusa at mga pagsubok, hindi sila tanga para manghimasok sa ganitong sitwasyon. Hindi nila sisimulan ang Guardian Grade Spirit Beast kung alam nilang matatalo sila nito. At ang tanging mga tao lang na magsisimula ng lahat ng ito ay ang tao ni Ning Xin na may masamang balak laban sa Rui Lin Army!
"Tapos na! Sa oras na ito tapos na…" Napakamot ulo si Qiao Chu, at napunit ang kanyang puso ng isipin nyang mamamatay sa bagsik ang mga bayaning kanyang narinig.
Ilang sandali lang, biglang natigil si Qiao Chu ng biglang may dumaan na isang malaking anino sa harap nila!
Nakaupo si Jun Wu Xie sa likod ng Black Beast, katulad ng isang pana na handang hilahin. At sumigaw si Ye Sha sa grupo na subaybayan si Jun Wu Xie!
'Little Xie! Anong ginagawa mo!?" Napagtanto ni Qiao Chu at ng mga kasama nito na susugod si Jun Wu Xie patungo kung saan galing ang ungol, at lahat sila'y nabigla!
Nagalit ba si Jun Xie? Base sa aksyon niya, mukhang sasagipin niya ang mga tao ng Rui Lin Army?
Anong klaseng biro yun?
Sa tagal nilang pagkakaalam kay Jun Xie, alam ni Qiao Chu at ng mga tao niya ang personalidad nito. Kalmado at determinado ito at hindi nakikialam sa gawain ng ibang tao. Ano ang meron ngayon at balak niyang sagipin ang mga taong hindi niya pa nakikita!?
Sa pagpunta niya doon para sagipin ang mga tao, hindi lang ordinaryong Spirit Beast ang tinungo niya, kundi ang Guardian Grade Spirit Beast!
Sanay ang Spirit Beasts sa lason at kahit ang pinaka matinding lason pa na ginawa ni Jun Xie ay di uubra sa
Guardian Grade Spirit Beast. Kaduda-dudang mapapatay niya ito!
"Bwisit! Talaga bang nagalit si Jun Xie!?" Sabi Qiao Chu habang lumangutngot. Wala na siyang oras para isipin pa ito kundi tinawag niya si Rolly para pasundan.
At biglang sumulpot ang Yin Yang bear sa grupo nila. Binaluktot nito ang mga binti niya at ibinaba nito ang likod sa lupa.
Tumalon ang matangkad na sii Qiao Chu sa likod nito, kasunod sina Hua Yao, Fei Yan at Rong Ruo.
"Rolly! Sundan mo sila! Bilis!'' Hindi nila hahayaang mag-isa itong haharapin ni Jun Xie!
Pagkatanggap ng utos ni Qiao Chu, agad bumilis si Rolly. Gumalaw ang malaking katawam nito ng mabilisan at maning-mani nito ang distansya, para ba siyang maliit na buwawi!
Nakatayo lang si Fan Jin, dilat na dilat ang mga mata habang nakatingin kay Qiao Chu at sa mga kasama nito para sundan si Jun Xie, at blanko ang kanyang isipan.
Bakit biglang nakaharap ng mga tao ng Rui Lin Army ang Guardian Grade Spirit Beast? Alam ng bawat isa ang nangyari ngunit wala ni isa man lang ang nagsalita tungkol dito.
Hindi rin manhid si Fan Jin. Inisip niya rin ito at hinulaan niya kung ano ba talaga ang nangyari.
Ngunit ng mapagtanto niya ito, hindi niya ito kayang tanggapin agad.
Matapos niyang mahirapan sa kanyang emosyon, humigpit ang panga niya sa determinasyon, at sumunod siya sa direksyon kung saan nagtungo si Qiao Chu at ang iba!