Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 451 - Battle Spirits Forest (1)

Chapter 451 - Battle Spirits Forest (1)

Malalim na ang gabi at tuluyang binalot na ng kadiliman ang Battle Spirits Forest. Itinaas ni Jun Wu Xie at ng kaniyang

mga kagrupo ang dala-dalang mga sulo habang nilalakbay nila ang masukal na kagubatan.

Maririnig ang mga alulong ng mga Spirit Beast sa kadliman ng kagubatan. Sa katahimikan ng gabi, nakakapanindig

balahibo ang samot-saring ingay ng kagubatan na siyang tanging maririnig.

Ang apoy sa sulo na hawak ni Qiao Chu ay ang nagbibigay ng maliwanag na tanglaw sa kanilang dinaraanan. Inilibot niya

ang sulo sa paligid ng ilang beses habang tinitingnan ang mapa na hawak hawak niya. Sa huli, sumuko din siya.

"At ang tawag nila dito ay isang mapa? Sino ang makapagbabasa nito?!" malakas na hayag ni Qiao Chu sa mga kasama at

marahas na ibinulsa ang mapa sa kaniyang bulsa.

Ilang beses nang narrating ni Fan Jin ang kagubatang ito at nang narinig niya ang hinaing ni Qiao Chu natawa siya habang

nagsabi ng "ang mapa ay magbibigay lamang sa atin ng kabuoang ideya kung anong direksiyon an gating pwedeng

tahakin. At isa pa, malalim na ang gabi at halos wala na din tayong makita. Kahit mayroon pa tayo ng mapa, hindi din

natin makikita ng maayos an gating daraanan. Bakit hindi nalang tayo maghanap muna ng lugar na pwedeng

mapagpahingahan at hintayin nalang ang umaga. May oras pa naman tayo para makapanghuli kapag may araw na."

Si Fan Jin ang nakakatanda sa grupo at siya lang ang tanging nakarating na dati sa kagubatang ito. Kaya siya ang

inaasahan ng mga kasama nito na magbigay ng suhestiyon ng maiging gawin sa masukal na kagubatan.

"Maiging ganoon nga ang gawin natin." Tumango si Qiao Chu bilang pagsang-ayon.

"Ang kagubatan ay mas delikado sa gabi at may mga nocturnal spirit beasts na lumalabas para manghuli ng pagkain nito.

Ang suhestiyon ko ay magpahinga sa matatayog na puno kung ayaw nating maging pagkain nito." Babala ni Fan Jin sa

mga kasama.

Sumang-ayon ang grupo at nagsimulang maghanap ng magulang nang puno. Ang mga sanga nito ay malalapad at malago

kung kaya't mainam na mapapagpahingahan ng grupo.

Kinuha ni Fan Jin ang lubid na nakakabit sa kaniyang baywang at itinali ang dulo sa isang kalawit. Nang ihahagis niya na

ito sa puno, napansin niya si Qiao Chu at ang mga kasama nito na maliksing tumalon paakyat sa taas ng puno!

Ang kanilang mga galaw ay magaan at kaaya-ayang tingnan na tila hindi sila nahihirapan sa paglukso sa mga sanga ng

puno.

Nagningning ang mga mata ni Fan Jin habang napupuno ang puso niya paghanga.

Ang unang akala niya ay tinipon ni Jun Xie ang grupo dahil nakasama niya na ang mga ito sa paglalakbay patungong

Zephyr Academy. Siya ay nakahanda nang protektahan ang grupo sa kanilang paglalakbay sa kagubatan kung sila man ay

mahina at walang masyadong maitutulong. Ngunit ang mga nakita niya ngayon ay nagpapatunay lamang na hindi sila

mahina at walang kakayahan.

Sa gitna ng kadiliman ng gabi na kung saan halos wala nang makita, ang kaniyang mga kasama ay hindi manlang

nahihirapan na tumalon sa mga sanga ng puno na kanilang inaakyat. Sa maikling sandal ay narating nila ang tuktok ng

walang kahirap-hirap.

Kung ihahalintulad sa mga disipulo sa main division ng Zephyr Academy, alam ni Fan Jin na walang makakatapat sa

abilidad na ipinakita ng mga kasama niya ngayon.

"Ihagis mo ang lubid pataas. Hihilahin naming kayong dalawa pataas." Hindi alam ni Qiao Chu na ang ipinakita nilang liksi

ay lagpas pa sa pamantayan ng mga disipulo ng branch division.

Inalis ni Fan Jin ang kalawit na itinali niya kanina lamang at initsa ang isang dulo ng lubid kay Qiao Chu. "si Little Xie

nalang ang hilahin mo pataas, aakyatin ko nalang." Ibinigay ni Fan Jin ang kabilang dulo ng lubid kay Jun Xie. Itinali ni Jun

Xie ang lubid paikot sa kaniyang baywang para mahila siya ni Qiao Chu paakyat sa sanga ng puno. Ginaya ni Fan Jin ang

ginawa ng mga kasama at tumalon siya sa mga sanga paakyat sa tuktok.

Tahimik silang nagpahinga sa mataas at tagong parte ng puno. Ang liwanag ng buwan ay tumatama sa kanilang mga

pigura na tila mga bituin.

"Ngayon lang ulit ako matutulog ng ganito. Parang nakakapangulila din." Bumuntong hininga si Qiao Chu at mahinang

tumawa habang may naalala. Lumingon siya at nakita niya si Jun Xie sa kaniyang tabi at naging palaisipan sa kaniya ang

sunod na ginawa ni Jun Xie.

Si Jun Xie ay hindi pa nagpapahinga. Kinuha nito ang isang porselang bote sa kaniyang manggas. Itinaktak niya ang puting

pulbos sa kaniyang mga kamay at ipinahid sa sanga na kaniyang sinasandalan. Pagtapos niyang gawin ito, inihagis niya

ang bote kay Qiao Chu and simpleng sinabi "Ipahid mo, madaming insekto."

Related Books

Popular novel hashtag