Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 449 - Iyan ba ang Pinakamahina o Pinakamalakas na Grupo (2)

Chapter 449 - Iyan ba ang Pinakamahina o Pinakamalakas na Grupo (2)

Saglit na pinakilala ni Jun Xie si Fan Jin at si Qiao Chu ay malapad na nakangiti.

"Haha, maraming salamat sa'yo! Dahil sa pagbabantay mo kay Little Xie, nakahinga kami ng maluwag.

"Walang kaso iyon."

Matapos ang ilang sandaling palitan ng pagbati, tumingin sa kanila si Jun Wu Xie at sinabing: "Sumama kayo saakin sa gubat."

"Sige! Gagawin naman talaga namin iyon." Tumatawa ng saad ni Qiao Chu.

Napagkasunduan nilang pumasok sa Battle Spirits Forest bilang isang grupo. Ang mga tao galing branch division ay nakatingin nang sina Qiao Chu kasama si Jun Xie at Fan Jin na papunta kung nasaan nagtitipon ang mga disipulo ng main division. Bakas sa mga mata ng mga iyon ang inggit.

Nang makita ng mga disipulo ng main division si Fan Jin na kasama ang mga disipulo ng branch division, nagsimula ang mga itong tumawa ng malakas.

"Masyado nang nagpakababa si Fan Jin para makibilang sa mga basurang iyan! Ano sa tingin niya ang maitutulong ng mga iyon sa Battle Spirits Forest?" Nakatingin galing sa di-kalayuan si Fan Jin habang natatawang sinabi iyon.

Saglit namang sinulyapan iyon ni Ning Xin at agad ding tumalikod. Tinatago nito ang tuwa sa kaniyang mga mata.

"Hayaan mo siyang mahirapan, magiging ganoon pa rin naman ang resulta sa huli."

Ngumiti si Yin Yan at mas lalo itong nagsaya dahil sa katangahan ni Fan Jin.

Para bumuo ng grupo ang mga galing main division kasama ang mga disipulo ng branch division ay hindi pangkaraniwan. At ang lahat ay isang malaking biro ang grupo ni Jun Xie, pinangalanan ng mga tao ang grupong iyon na "pinakamahina".

Madiin namang pinunasan ni Qiao Chu ang kaniyang ilong nang lumakas ang bulung-bulongan. Hindi siya sensitibo ngunit nararamdaman niya ang mga matatalim na titig ng mga ito.

"Talaga bangg napakababa ng tingin sa mga disipulo ng branch division?" Tanong ni Qiao Chu.

"Hindi iyon dahil sa inyo." Walang emosyong sagot ni Jun Wu Xie.

Magsasalita pa sana si Qiao Chu nang tinignan siya ng masama ni Hua Yao, pinapatahimik siya nito.

Ang pangunahing dahilan sa mga bulungan ng mga disipulo ng main division ay naintindihan ng lahat. Tanging si Qiao Chu lang ang hindi pa nakakakuha ng ibig sabihin non at iniisip na dahil iyon sa mababa ang tingin sa mga disipulo ng branch division. Kung makikinig lang ito ng mabuti, makukuha niyang si Jun Xie ang puntirya ng mga ito.

"Jun Xie, gaano ka na katagal na natanggap sa main division at nakuha mong makahanap agad ng mga kaaway?" Si Fei Yan na may abilidad na mabilis makakuha ng impormasyon ay natukoy agad iyon.

Ayon sa kaniyang narinig, sa mata ng mga disipulo, si Jun Xie ay nakakasuklam!

Wala namang ekspresyon o emosyong makikita kay Jun Xie. Ngunit si Fan Jin ay parang napapahiya na.

"Sinabi nilang hindi mo ipinapakita ang sarili mo sa academy, pero bakit ka sasali sa Spirit Hunt?" Tanong ni Fei Yan. Wala siyang pakialam sa mga masasamang narinig niya patungkol kay Jun Xi.

Sumagot naman si Jun Wu Xie: "Para pumatay ng mga tao."

"..."

"..."

"..."

"..."

Bukod kay Jun Wu Xie, ang limang taong nakapalibot sa kaniya ay nanlalaki ang mga matang tumitig sa kaniya. Wala silang mahagilap na salita para sumagot sa sinabing iyon ni Jun Xie.

Pinunasan naman ni Qiao Chu ang namuong pawis sa kaniyang noo: "Little Xie...ang rason ay medyo...brutal...tingin mo?"

Pumatay ng mga tao…

Mahal kong Jun Xie, maaari bang maging maingat ka sa iyong pananalita?

"Nagbibiro ka lang di'ba?" Gulat na gulat si Fan Jin sa narinig niyang iyon. Ang batang sasali sa kaniyang unang ekspedisyon ay masyadong brutal ang intensyon. Hindi siya makapaniwalang narito talaga si Jun Xie para pumatay.

Inobserbahan naman ni Jun Xie ang namumutlang mukha ni Fan Jin at nagdalawang-isip bago sumagot ng labag sa kalooban: "Mmm."

Nakahinga naman ng maluwag si Jun Xie.