Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 446 - Spirit Hunt (2)

Chapter 446 - Spirit Hunt (2)

"Sino ang nakakaalam?" sabi ng mga yamot na disipulo, pero sa kaibuturan ng kanilang mga puso, sila ay naiinggit at nagseselos kay Jun Xie dahil mayroon ito ng Fan Jin na pumoprotekta sa kaniya.

Pagkababa nila ng kalesa, masama ang tingin ng mga disipulo sa kanila. Ngunit hindi sila pinansin ni Jun Xie at sumunod na lamang kay Fan Jin na naupo sa tabi ng apoy.

Nang makita sila ng ibang mga disipulo na nakaupo sa paikot sa apoy, itinikum nila ang mga nakabukas nilang mga bibig at mariing tinitigan si Jun Xie.

Pinipigilan ni Fan Jin ang kaniyang galit dahil kung hindi, baka kung anon a ang nagawa niya sa mga disipulong iyon.

"Naging mahaba ang ating paglalakbay, kumain ka na muna." Sabi ni Fan Jin habang iniabot ang baon na nakapreserbang karne sa kay Jun WU Xie at tahimik na kumain ito sa gitna ng panghahamak ng ibang mga disipulo. "Meow~"

[Wala talagang hiya ang mga taong ito!]

Hindi sumagot si Jun Wu Xie at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain. Uminom muna ito bago tumayo at bumalik sa kalesa upang makapagpahinga.

Nang nakita nilang umalis I Jun Xie, ang mga mahihinang pang-iinsulto ay higit na lumakas.

Ang mukha ni Fan Jin ay mas lalong nandilim. Kahit si Fan Jin ay hindi maatim ang mga pang-iinsulto at panghahamak nila kay Jun Xie at hindi niya alam kung bakit hindi man lang pinansin ang mga ito ni Jun Xie. Hindi na ginusto ni Fan Jin na manatili pa roon, mabilis na tinapos ang kaniyang pagkain at bumalik sa kalesa pagkatapos.

Gusto niyang aluin si Jun Xie ngunit tulog na si Jun Xie nang nakita niya itong nakasadal sa pader ng kalesang sinakyan. Huminga ng malalim si Fan Jin at inalis ang suot niya jacket at ikinumot ito sa maliit na pigura ni Jun Xie. Umupo sa kabila ni Jun Xie si Fan Jin at nangalumbaba niyang pinagmamasadan ang natutulog na si Jun Wu Xie. 

Hindi naman namumukod tangi ang mga katangiang pisikal ni Jun Xie ngunit sa hindi malamang dahilan, para kay Fan Jin ang mukha ni Jun Xie ay mas nagiging nakakabighan. Ang matangos nitong ilong, ang mapupulang mga labi at ang mahahaba nitong pilik-mata.

Habang pinagmamasdan niya si Jun Xie, umiinit ang pakiramdam ni Fan Jin. Uminom siya ng tubig at mabilis na lumabas ng kalesa para mapababa ng malamig na hangin ang init na kaniyang nararamdaman.

Ang maliit na itim na pusa na nakahiga sa tabi ni Jun Wu Xie, bahagyang binuksan nito ang kaniyang mga mata para silipin si Fan Jin na biglang lumabas ng kalesa. 

Kung malalaman ng makapangyarihan demonyo na may isang taong nagkakagusto sa amo nito, ano kaya ang gagawin nit okay Fan Jin?

Pagkatapos magpahinga ng isang gabi, nagpatuloy sila sa paglalakbay. Pagkatapos ng dalawang araw na tila walang katapusang paglalakbay, sa wakas ay narating din nila ang bukana ng Battle Spirits Forest sa ikalawang araw ng paglalakbay.

Ang lawak ng Battle Spirits Forest ay tila walang humpay, mas malayo pa sa kayang maabot ng kanilang mga mata at ang kagubatang ito ay napapaligiran ng pitong bansa. Marami ang nanghuhuli ng Spirit Beast dito dahil sa dami at iba't-ibang klase at antas ang mayroon dito.

Ang mataas na kalidad na spirit stone ay nakapalakas ng kapangyarihan ng ring spirit kaya malaki ang pangangailangan nito. Ang ordinaryong Spirit Beast ay nakakapagbigay lamang ng maliliit na butil ng spirit stone kung kaya mas gusting hulihin ng nakararami ang mga may matataas na antas na Spirit Beast.

Kahit malalim na ang gabi ng sila ay makarating sa bukana ng Battle Spirits Forest, nakuha nila ang atensiyon ng ibang mga nanghuhuli ng dito. Ang pilak at puting tatak sa kanilang kalesa ay kilala ng bawat isang nanghuhuli ng Spirit Beast doon. Ang Zephyr Academy, isa sa tatlong nangunguna na academy, sikat dahil sa mga magagaling na mandirigma mula rito at ang pinakabinigyan ng atensiyon ay ang Spirit Healer faculty ng Zephyr Academy!

Lahat ng ibang mga nanghuhuli rito ay gustong makuha ang atensiyon ng mga disipulo na kabilang sa Spirit Healer faculty!

Related Books

Popular novel hashtag