Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 440 - Ang Matinik Na Mamamatay (2)

Chapter 440 - Ang Matinik Na Mamamatay (2)

"Anong ibig mong sabihin?" Naging Seryoso din ang mukha ni Fan Zhuo.

"Napakahina ng iyong katawan. At dahil sa hina nito, hindi ito makatanggap ng pampasigla o reaksyon sa katawan. Pero paulit-ulit ito nangyari sa katawan mo. Ibig sabihin, maaaring may gumawa nito na hindi basta basta masusuring gamot para himukin ang iyong sakit ng paulit-ulit." Pagpapaliwanag ni Jun Wu Xie habang hinihimas niya ang kaniyang baba at nag-iisip. Napagtanto niya kung bakit hindi niya masuri ang lason sa katawan ni Fan Zhuo.

Hindi gumagamit ng lason ang salarin sa simula, ngunit gumawa ito ng matinik na ibang paraan.

"Sakitin na si Fan Zhuo simula pa ng kaniyang pagkabata at ang mga bahagi ng kaniyang katawan ay mahina kumpara sa mga normal na tao. Sa kaso ni Fan Zhuo, kung bibigyan mo siya ng gamot ay yung mga mahihina lang dapat ang epekto. Ngunit kung bibigyan mo ito ng may malakas na epekto ng gamot, manghihina ito lalo at mauulit ang mga nangyayari sa katawan niya at hindi na kailangan magsumikap ang sinumang tao na may gustong mapahamak siya." Lalong lumamig ang mga mata ni Jun Wu Xie kapag iniisip niya kung paano ito nagawa ng may sala.

Kahit gaano man kaingat piliin ang lasong gamitin dito ay masusuri pa rin, pero kung gamot ang gagamitin ay hindi ito mapupuna agad at walang bagong makikita dito.

Sa unang pag-aakala ni Jun Xie ay nilason ito, pero hindi nagpakita ng senyales kahit kailan ang katawan ni FanZhuo na siya'y nalason. Hanggang sa huling pag-atake sa katawan nito ng paulit-ulit ay dito na naisip ni Jun Wu Xie na sigurado siya sa kaniyang hinala.

Sa kondisyon ni Fan Zhuo, ang gamot na iyon ay kasing bisa ng lason sa kanya.

"Nadagdag ba ito sa mga pagkain ngayon?" Nararamdaman niyang sumisiklab na ang galit niya.

"Oo. Ngunit napakatuso ng salarin. Hindi niya ito nilalagay sa ating lagkain araw-araw. Nilalagay niya lamh ito kapag gusto niyang atakehin si Fan Zhuo. Sa pamamaraangv ito ,inisip niyang ligtas niya itong maisasagawa sa kay Fan Zhuo at hindi siya basta basta mabubuking. Kahit ilan mang gamot at elixir ang ma konsumo ni Fan Zhuo at dalhin siya sa mga doktor para masuri, hindi pa rin nila malalaman na kagagawan ito ng isang gamot na hindi naman lason. Ang salarin ay hindi gumamit ng lason ngunit gamot na makakatulong laban sa katawan ni Fan Zhu, at hintayin ang hindi malamang pag-atake sa katawan ni Fan Zhuo para matapos nito mag sarili niya, sa pamamagitan ng hindi na kayang tanggapin ang gamot na binibigay sa kaniya."

Mapanlinlang ang ginamit na paraan sa kaniya, nakataas ang kilay ni Jun Wu Xie habang mas lalo siyang napaisip.

Kung hindi niya binigyang pansin ang pang araw-araw na kinakain at iniinom ni Fan Zhuo, hindi niya ito malalaman agad.

Nang marinig ni Fan Zhuo ang mga sinabi ni Jun Xie, namutla ito at nakakamao naman si Fan Jin sa galit.

"Sino ito!? Sino ang baluktot na gustong mamatay ang kapatid ko!?" Pinatumba ninFan Jin ang mesa at nagkalat sa sahig lahat ng nakahain.

Nanghina si Fan Zhuo. Sino ang may gustong gawin ang karumal-dumal na pagtataksil sa kanya?

Nilingon ng medyo nakatakilid ni Jun Wu Xie ang magkapatid. "Hindi mahirap hanapin ang salarin. Kailangan lang natin maghintay."

Sa payapang maliit na tahanan na kawayan, laging si Fan Zhui at Ah Jing lang ang nananatili. Kahit may galit si Ah Jing kay Jun Wu Xie simula nang tumira itondito, hindi inisip ni Jun Wu Xie na may idadagdag ito sa pagkain nila. Lahat ng hilaw at sariwang sangkap, prutas at gulay ay hinahatid sa kanila araw-araw ng disipulo ni Fan Qi, at lubos itong pinagkakatiwalaan. Kung ang problema ay hindi galing sa taong tumatanggap ng mga pagkain, ang tanging posibilidad na natitira ay ang pagkain mismong hina hatid sa kanila.

Para ma diskubre kung sino ang salarin sa likod nito, hihintayin nilang magbigay pa ng bakas na ebidensya ang may sala.

"Hintay?" Naguluhan si Fan Jin.

Tumungo si Jun Wu Xie kay Fan Zhuo at sinabing: "Wala kang nakitang kahit ano sa pagkain at kinain mo siya tulad pa rin ng dati. At magkakasinat ka ngayong araw."

Nagulat si Fan Zhuo, ngunit iniangat nito ang kanyang uli ng walang pag alinlangang sinabi niya kay Jun Xie: "Gagawin ko kung ano ang sasabihin mo."

"Little Xie,gusto mo bang pekein ang sinat ng kapatid ko? Pero… Hindi marunong si Fan Zhuo…" Kilalang kilala ninFan Jin ang kanyang kapatid. Hindi nito magawang magpanggap.

Tiningnan ni Jun Wu Xie ang mahkapatid at marahang sinabi: "Habang andito ako, hindi niya kailangang malaman kung paano."