Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 434 - Tangang Matigas ang Ulo (2)

Chapter 434 - Tangang Matigas ang Ulo (2)

"Hindi iyon dala ng kanyang kakayahan! Ang sakit niya'y nagkaganito na dati at umayos ang kanyang lagay ng walang ginawang paggamot! Parehas lang ngayon at nagkataon na nandoon si Jun Xie! Ilang taon na si Jun Xie? Paano niya malalaman ang paggamot sa sakit ni Fan Zhuo?! Walang kinalaman si Jun Xie sa paggaling niya at inangkin lang niya ang puri! Napakawalang hiya ni Jun Xie!" Sinigaw ni Jun Xie.

May malakas na sampal na umalingawngaw sa opisina!

Hindi na niya napigilan ang kanyang galit, sinampal ni Fan Jin si Ah Jing. Namula agad ang pisngi ni Ah Jing at hinawakan niya ang kanyang uminit na pisngi, nanlaki ang mga mata at napatingin sa galit na Fan Jin.

Si Fan Qi, na tahimik lang ay nagbuntong-hininga at sinabi kay Ah Jing: "Ah Jing, labas ka muna. Kakausapin ko muna si Fan Jin."

Hawak parin ni Ah Jing ang kanyang pisngi at kinagat ang kanyang labi bago lumabas.

Pinanood ni Fan Jin na umalis si Ah Jing at binagsak ang pinto. Umupo siya sa upuan at huminga ng malalim.

"Alam mo naman na ang ugali ni Ah Jing, bakit mo pa siya seseryosohin?" Tinanong niya ang kanyang anak.

Naiinis parin si Fan Jun at sinabi: "Hindi ko inakalang ganoon siya kalala, ngunit ngayon, sumobra siya. Sigurado ako sa ugali ni Jun Xie. Hindi siya masyadong nagsasalita, ngunit wala siyang pinapatulan. Ang paggaling ni Zhuo ngayon ay dahil sa paggamot ni Jun Xie sa kanyang kalagayan at hindi ko maisip kung ano ang magiging lagay ni Zhuo kung wala siya. Narinig ni Ah Jing ang mga sabi-sabi sa akademya at naniwala siya agad ditoat nagpasyang masamang tao si Jun Xie. Ignorante siya."

"Sa tingin ko'y hindi ka nagpunta dito para lang sabihin iyan." Sinabi ni Fan Qi kay Fan Jin, ng may kislal sa kanyang mga mata.

Umupo ng maayos si Fan Jin at inayos ang kanyang lalamunan.

"Pinuntahan kita tungkol kay Zhuo"

"Kamusta na si Zhuo?" Narinig ni Fan Qi na inatake si Fan Zhuo at nagalala ito.

Kapag iniwan ni Fan Jin ang kanyang kapatid, mabuti na siguro ang lagay nito.

"Natutulog siya. At salamat ito sa tulong ni Wu Xie. Hindi ko inakalang sa murang edad, marami na siyang alam sa medisina….." Nang ang usapan ng mga kakayahan ni Jun Xie sa medisina ang lumitaw, nagliwanag ang mukha ni Fan Jin at kinwento ang lahat ng nangyari sa paggamot ni Jun Xie kay Fan Zhuo sa kanilang ama.

Nakaupo si Fan Qi ng kalmado sa kanyang upuan, ngunit sa nakadetalyeng kwento ni Fan Jin, nanlaki ang mga mata ni Fan Qi at natuwa sa kanyang naririnig.

"Totoo ba ang lahat ng iyong sinabi?" Tinanong ni Fan Qi sa gulat matapos marinig ang mga salita ni Fan Jin.

Alam niya ang ugali ni Fan Jin. Bagaman hindi magkadugo ang magkapatid, malapit sila sa isa't isa. Mapagtanggol si Fan Jin sa kanyang kapatid at kung may magtangka mang saktan ang kanyang kapatid, siya ang mauunang magtanggol dito.

Kaya naman, naniwala si Fan Qi sa lahat ng sinabi ni Fan Jin sa kanya.

"Totoo, ama. Nagpunta ako dito ngayon para ipaalam kung pwede bang si Jun Xie nalang ang manguna sa paggamot kay Fan Zhuo." Biglang sinabi ni Fan Jin.

"Ayun….." Nagaatubili si Fan Qi. Kahit na malaki ang tiwala niya sa kanyang panganay na anak, katotohanan parin na labing-apat na taong gulang palang si Jun Xie, at napaka bata paniya. Paano niya magagamot si Fan Zhuo?

"Ama, wala na tayong magagawa. Wala na ang angkan ng Qing Yun at wala ring nagawa ang mga naunang manggagamot. Kaysa maghintay lang ng ganito, ipusta nalang natin kay Wu Xie ito." Determinado si Fan Jin. "Kung ang mga kumakalat na sabi-sabi ang nagpapaduda sa'yo sa kakayahan ni Jun Xie, ako, ang anak mo, ang magpapatotoo para sa kanya. Walang problema sa pagkatao ni Jun Xie."