Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 423 - Ang Pakultad ng Beast Spirit (2)

Chapter 423 - Ang Pakultad ng Beast Spirit (2)

"May ilang bagay akong sinabi kaninang umaga, na dapat tapos na. Ngunit dahil may mga bago tayong disipulo na ngayon lang dumating, wala akong magagawa kundi pagusapan pa ito. Kapag nasa loob ka ng pakultad na ito, may mga patakaran tayo na kailangan niyong sundin. Bilang disipulo dito, lahat kayo ay maghihirap para sa kaluwalhatian ng pakultad ng Beast Spirit, at hindi magsisimula ng mga kontrobersya, kundi ay hindi ako magpipigil sa mga salarin. At, ako ay guro lang dito na magbibigay ng gabay sa inyo , hindi ako ang inyong amo. Sa Akademyang Zephyr, ang taong may lakas lang ng loob na magbigay sa inyo ng gabay hanggang sa inyong pagalis ay ang inyong amo." Tinignan ni Qian Yuan ng ilang beses si Jun Xie habang siya'y nagsasalita.

Nang makita na walang ekspresyon si Jun Xie, mas lumalim ang kanyang simangot.

"Wala akong pakialam kung may mga disipulo sa inyo na malapit sa ibang guro, ngayong nandito na kayo sa pakultad ng Beast Spirit, disipulo kayo ng pakultad na ito. Kung hindi kayo sumasangayon, umalis na kayo ngayon, at wag nang sayangin ang oras ng iba. Hindi kayo kailangan dito. Kung may mga may balak manlamang sa maling mga pamamaraan, masasabi ko na na mangarap nalang kayo."

Hindi man nagsabi ng pangalan si Qian Yuan, ngunit dinerekta niya ang kanyang mga salita kay Jun Xie, at pinakitang wala siyang etika.

Nang marinig ng ibang kabataan si Qian Yuan He, nagalak sila para sa kanilang guro.

Ang guro nilang ito, ay kilala na matuwid, at kinamumuhian ang mga taong mali ang ginagawa.

Mukhant mali ang unang guro ni Jun Xie, at binabantayan na sa simula palang.

Kinukutya at kinamumuhian agad ng guro, wala nang ibababa ang buhay ni Jun Xie sa akademya. Kung ibang tao ito, umalis na sila sa. Ngunit hindi nagpakita ng anumang pagkilos si Jun Xie, at umupo lang sa kanto.

Walang halaga sa kanya ang mga sinabi nila. Masasabi ngang, maliban sa mga salitang makakadagdag sa kanyang kaalaman, hindi naririnig ni Jun Xie ang mga boses na ito.

Nagkaroon siya ng sariling mundo.

Matapos mapagpasyahan ni Qian Yuan na sapat na ang kanyang babala kay Jun Xie, nagsimula na ang kanyang pormal na pagturo patungkol sa pagsasanay ng mga beast ring spirit.

Bilang isang taong may hawak na plant ring spirit, hindi magagamit ni Jun Wu Xie ang mga pamamaraang tinuturo. Umupo lang siya sa kanto ng kwarto buong maghapon bago niya mapagtanto.

Sa iba't ibang mga klase ng ring spirit, wala silang pagkakatulad sa isa't isa. Sa simula'y binalak lang niyang kumuha ng kaalaman sa Akademyang Zephyr patungkol sa mga ring spirit at spiritual power, ngunit ang sagot ay nabigo lamang.

Ang lahat ng kanilang tinuturo, ay walang silbi para sa kanya.

Matapos tiisin si Qian Yuan He buong maghapon, tumayo si Jun Wu Xie at agad na umalis, hindi pinansin ang mukha ni Qian Yuan na nangitim, may mga ugat na lumalabas sa kanyang mga pilipisan.

Nakita niya ang pinaka-ayaw niyang disipulo, na biglang lumabas, walang pinakitang kahit anong respeto para sa kanya. Walang magawa si Qian Yuan He kundi umalis ng may maalat na ekspresyon. Tinandaan niyang turuan ang bata ng mga simpleng kaugalian kung paano magrespeto sa kanyang mga guro.

Ngunit…..

Maliban sa unang araw, hindi na ulit pumasok si Jun Wu Xie sa pakultad ng Beast Spirit!

Pumunta si Jun Wu Xie kay Fan Jin at Fan Zhup nung gabing iyon at nagpaalam kung pwede ba niyang hiramin ang isang tirahan sa tabi ng kakaibang bakuran sa loob ng gubat ng kawayan. Linipat niya lahat ng kanyang gamit mula sa dormitoryo doon at doon na nanirahan.

Ang tahimik at mabilis na kilos ni Jun Wu Xie ay gumulat sa maraming tao. Bukod sa paggulat sa mga disipulo at mga Guro na naghihintay na 'pahirapan' siya sa pakultad ng Beast Spirit, pati si Yin Yan ay nagulat habang tinititigan ang kamang wala nang laman sa kanilang kwarto.

Ang mga taong nagbabalak na pahirapan si Jun Xie ay nawalan ng kalasag, at ang kanilang mga plano'y nabasura ng isang kilos ni Jun Wu Xie.

Related Books

Popular novel hashtag