Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 422 - Ang Pakultad ng Beast Spirit (1)

Chapter 422 - Ang Pakultad ng Beast Spirit (1)

Kinahapunan, sinuot ni Jun WuXie ang sagisag ng pakultad ng Beast Spirit at sinamahan ni Fan Jin habang sila'y papunta sa pakultad ng Beast Spirit. Dahil sa presensya ni Fan Jin, hindi nagtangkang magloko ng ibang disipulo. Naggrupo-grupo lang sila at bumulong habang tinuturo si Jun Xue na nasa tabi ni Fan Jin. Subalit, hindi marinig ang kanilang mga pinaguusapan.

Ang mga junior at senior na disipulo sa pakultad ay hiwalay na tinuruan at nang dalhin ni Fan Jin si Jun Xie sa klase ng mga bagong natanggap na disipulo, nagalala siya.

"Wu Xie, aalis na ako. Pag may sinabi silang masakit, wag mo nalang dibdibin. At kung may nanggulo sa'yo, sabihin mo lang sa akin at ako ang magtuturo sa kanila ng leksyon." Sinabi ni Fan Jin habang inaalog ang kanyang kamao sa ibang disipulo sa klase. Kilala si Fan Jin na gusto ang katahimikan, ngunit sa lagay ni Jun Xie, handa siyang masira ang kanyang reputasyon.

Kailangan lang niyang hintayin na magtagumpay si Jun Xie at ang kanyang pagaalala ay mawawala.

Tinignan siya ni Jun Xie, at nakitang magkapareho sila ni Qiao Chu bago tumango.

Nagsalita pa si Fan Jin bago umalis, kita ang pagaalala sa kanyang mukha.

Paglabas na paglabas ni Fan Jin, nagingay ang buong klase.

"Akala ko kung sino, iyong walang hiya pala ng akademya. Bale, hindi ka nakapasok sa pakultad ng mga Spirit Healer kaya pumunta ka dito? Akala ko ang mga pinaalis sa pakultad ng mga Spirit Healer ay pinaalis na rin sa mismong akademya. Mali pala ako." May isang binata na nakilala ni Jun Wu Xie na kasama sa grupo ng mga binatang nasa bulwagan kasama si Li Zi Mu.

"Depende iyon sa kung sino ang pinaguusapan mo. Kapag nakakuha ka ng mga koneksyon, walang imposible. Pinaguusapan natin ang anak ng punong tagapagturo. Kailangan lang niyang magmakaawa ng kaunti at pwede niyang iligtas ang sinumang gusto niya! Hindi mo ba narinig, pag may nagtangka daw na manggulo kay Jun Xie, tuturuan niya ng leksyon?" Sinabi ng isa pang kabataan. Bagaman wala sa kanila ang may balak na hawakan si Jun Xue, ang mga sindak nila'y kita ng lahat.

At hindi rin sila takot na marinig sila ni Jun Xie.

"Mas magandang hindi niyo na pagusapan iyan. Hindi ba? May malakas na kilala ang taong yan. Nagawa nilang panatilihin ang dapat paalis na ng akademya, at baka sa ilang salita lang, tayo pa ang paalisin! Tumahimik nalang kayo."

Tumawa ang mga binata sa kanilang mga kabalastugan, at ang hangin sa klase ay mas bumigat.

Marami ssilang tinanggap na mga bagon disipulo at nahati sila sa mga pakultad ng Beast Spirit at Weapon Spirit. Ang mga kakaibang disipulo sa klase ay kasabay ni Jun WuXie na tinanggap.

At sa lahat ng mga disipulong iyon, walang isa ang may balak tumulong sa mag-isang Jun Xie.

Ang maliit na itim na pusa sa mga balikat ni Jun Wu Xie ay sumindak sa mga binata.

[Parang bata…..]

Hindi natinag si Jun Wu Xie ng mga pangaasar at dahan-dahang naglakad papunta sa kanto ng kwarto para umupo, at maghintay na dumating ang guro.

Para sa tatlong maingay na binata, mas nairita sila nang makitang hindi umimik si Jun Xie. Ngunit sa babala ni Fan Jin, hindi nila binalak na hawakan si Jun Xie, at hinatak lang ang klase para kutyain si Jun Xie kasama sila.

Ang guro para sa mga bagong disipulo ng pakultad ng Beast Spirit ay pumasok sa klase. Sa isang saglit, ang nakakabinging ingay sa loob ng kwarto ayanawala. Ang mga bagong disipulo ay umupo ng maayos at tinigil ang kanilang maingay na ugali.

Tinitigan ni Qian Yuan ang buong klase at nakita ang isang maliit na magisang anyo sa kanto, na pinagtutulungan ng ibang disipulo sa klase, at kumunot ang kanyang noo.