Ang kapal ng mukha ni Li Zi Mu! Sasabog na si Gu Li Sheng sa galit!
Tinanggap niya si Li Zi Mu sa kanyag pakultad para lang maayos ang kanyang mga plano. Malalayo dapat si Jun Xie sa peligro sa kanyang ginawa at kinailangan niyang magayos na may ibang disipulong matanggap sa kanyang pakultad para walang maghinala. Nadaanan lang niya si Li Zi Mu sa unang araw na natanggap ang mga disipulo at pinili siya dahil lang siya ang nakita niya noong araw na iyon.
Para sa nangyari kay Jun Xie, pinaliwanag niya ito sa punong tagapagturo at kay Li Zi Mu, na nagkamali siya at walang kasalanan si Jun Xie.
Ang rason ng kanyang paliwanag ay dahil natakot siyang pahihirapan ng ibang disipulo si Jun Xue pagkatapos niyang umalis sa aking pakultad at ginamit niya ang kanyang posisyon bilang puno ng pakultad para akuin ang sisi ng kanyang 'pagkakamali'. Hindi niya inakalang matapos niyang sabihin kay Li Zi Mu ang katotohanan, hindi niya ito papansinin at magkakalat ng maling mga sabi sabi!
Nang makita ang pekeng nagkakalat ng mga sabb-sabi na nagdala ng kalamidad sa kanyang paboritong disipulo, gusto na niyang durugin si Li Zi Mu.
Tinignan lang ni Gu Li Sheng si Fan Jin. Alam niyang sa mga nangyari, hindi tutulong ang kanyang pagpapaliwanag dahil kumalat na ang mga sabi-sabi sa buong akademya.
Sa lagay ng mga bagay noon, mas mahirap pa ang mga haharapin ni Jun Xue sa akademya.
"Fan Jin, may tiwala ako sa'yo at alam kong mapagkakatiwalaan ka. Ikaw na ang magbantay kay Jun Xie. Ang katotohanan ay….."
Pinaliwanag ni Gu Li Sheng ang totoong nangyari. At nagpasya siyang gawin iyon dahil sa dalawang bagay. Una, may tiwala siya sa ugali ni Fan Jin. Pumunta siya sa kanya para makipagusap para kay Jun Xie, na nagpakitang nakita ni Fan Jin si Jun Xie na isang taong ipaglalaban niya. Pangalawa, dahil sa mga sabi-sabing kumakalat pa sa akademya, mahirap parin ang mga araw ni Jun Xie kahit sa pakultad ng Beast Spirit at pag wala ang proteksyon ni Fan Jin, ayaw nang isipin ni Gu Li Sheng ang pagdadaanan ni Jun Xie.
Kaya naman, nagpasya si Gu Li Sheng na sabihin kay Fan Jin ang buong kwento.
Nakinig si Fan Jin ng mahinahon ngunit nagulat nang matapos ni Gu Li Sheng ang buong kwento. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi makapaniwala: "Si….. sinasabi mong….. kayang pagandahin….. ni Wu Xie….. ang pamamaraan ng Spirit Healing?!!"
Diyos ko! Ano ang naririnig niya!
Alam ni Fan Jin kung gaano kaimportante ang pamamaraang ng Spirit Healing, at…..
Sinasabi sa kanya ni Gu Li Sheng na naintindihan na ni Jun Xie ang lahat tungkol dito sa loob ng oras ng pagsunog ng isang insenso! Hindi siya makapaniwala!
"Oo, hindi parin ako makapaniwala, ngunit ang sinabi ko ay katotohanan. Mahalaga ito at bago ito matapos ni Jun Xie, kailangan niyang tiisin lahat ng pangaabusong ibabato sa kanya. Sana ay mabantayan mo siya sa mga oras na iyon at gawing mas magaan ang buhay niya dito sa akademya." Binilin ni Gu Li Sheng.
"Tito, sisiguraduhin kong walang makakasakit kay Jun Xie." Sinabi ni Fan Jin, at tinapik ang kanyang dibdib ng may lakas ng loob. Hindi niya masiguro si Gu Li Sheng sa ibang bagay, ngunit ang pagbantay kay Jun Xie ay isang bilin na alam niyang kaya niyang gawin.
"Gumaan ang loob ko." Ngumiti si Gu Li Sheng. Dahil kay Fan Jin, nakita niya ang lagay ni Jun Xie sa akademya.
Hindi niya inasahan na si Li Zi Mu na kanyang pinili ang magsisimula ng kaguluhan.
Pagkatapos malaman ang buong kwento, nawala ang lahat ng pagdududa ni Fan Jin. Nang makitang si Gu Li Sheng ang naglagay kay Jun Xie sa pakultad ng Beast Spirit, sinabi niyang babantayan niya ito. Matapos makatanggap ng ilan pang babala kay Gu Li Sheng, umalis na si Fan Jin sa pakultad.
Nagiisip parin si Gu Li Sheng. Ngunit, si Li Zi Mu na masaya parin sa kanyang nakuhang posisyon, ay walang alam tungkol sa kanyang paggalit sa huling taong dapat niyang galitin ng kahit kaunti sa pakultad ng mga Sppirit Healer. Ang naghihintay sa kanya sa akademya ay hindi ang pagkakakilala at yaman na kanyang pinapangarap, kundi ang pagpalpak at pagkatalo.