"Welcome!" Nang makita ng gusgusing binata na may tumitingin sa kanyang mga tinda, tinabi niya ang kanyang libro at ngumiti. Kahit na marumi ang kanyang maputlang mukha, binigay parin niya ang pinakamaganda niyang ngiti.
"Tingin lang po kayo, pag may nakita po kayong nagustuhan niyo, paalam niyo lang po sa akin!" Masigasig niyang sinabi.
Pinilit ni Jun Wu Xie na ngumiti kahit na pilit na dumederetso ang kanyang mga labi. Nagdadawang-isip parin siya habang kinakalikot ang nagiinit na singsing.
"Ano po ang gusto niyong kapalit para sa mga librong ito?" Malamig na tinanong ni Jun Wu Xie. Naglakbay siya patungo dito sa palengke ng punong-puno ng pagasa; hindi niya inasahang ang hahantungan lang niya ay mga wasak-wasak na mga librong tungkol sa mga halaman.
"Lahat po ito? Gusto niyo po lahat ng ito?" Ngumiti ng husto ang gusgusing binata habang may kislap na tumawid sa kanyang mga mata na parang nakakita ng matabang tupa.
"Oo." Tumango si Jun Wu Xie. Gusto na lamang niyang matapos ito at nang matuloy niya ang paghahanap niya sa libro para sa kaniyang cultivation technique.
Ngumiti ang gusgusing binata at pinakita ang kanyang maduming kamay, nakalabas lahat ng limang daliri.
"Limang Eastern Pearls!"
"...." Napatulala sa kanya si Jun Wu Xie, tumingin sa mga libro at nagmamadaling tumalikod at umalis.
Kasing halaga ng isang Eastern Pearl ang isang toneladang ginto! Milyon-milyong halaga ng ginto! Sobra sobra ang unang presyo ng binata!
"Sandali lang po! Wag po kayong umalis!" Nahiya ang binata nang nakita niyang tumalikod si Jun Wu Xie.
Hindi pinansin ni Jun Wu Xie ang binata at nagpatuloy sa kanyang paglalakad ngunit kumislap ang singsing at biglang nagliwanag.
"Wag kang umalis! Wag kang umalis! Wag kang umalis!" Galing sa kanyang tabi ang isang boses na nababalisa pero malumanay. Nagulat si Jun Wu Xie nang tumingin sa kanyang kanang manggas.
LINALABANAN SIYA NG LITTLE LOTUS?
Para sa mga wasak na wasak na mga librong ito, lumaban siya at nagibang-anyo?
Agaw-pansin pa ang kanyang paglitaw, dahil sa biglaang pagliwanag sa madilim na lugar, pwede itong maging sanhi ng kaguluhan. May malakas na amoy ng lotus na kumalat sa kapaligiran sa kanyang paglitaw. Maraming naakit sa mga malalapit sa kanila na nagsimula nang maghanap.
Kung alam lang niya kung paano, pinabalik na niya ang Little Lotus sa Spirit World na nabanggit niya dati.
"Tumahimik ka!" Galit na sinabi ni Jun Wu Xie. Walang may alam na mayroon siyang contractual spirit at pag may nakaalam, magkakaroon ng gulo.
Nakahabol ang gusgusing binata nung sila'y nagtatalo at dala niya ang mga librong namataan nila.
"Wag po kayong umalis! Pag masyado pong mahal, bibigya ko po kayo ng tawad. Pwede na po ba ang apat na pearl?" Hinarangan niya ang daan nila habang binebenta ang mga libro niya.
Alam ni Jun Wu Xie na hindi hahayaan ng Little Lotus na bumalik sila ng hindi niya binibili ang mga libro. Nagbuntong-hininga siya at sinabi sa binata, "Wala akong Eastern Pearls, mga elixir lang."
"Ha? Mga Elixir?" Hindi na tinago ng gusgusing binata ang kanyang pagkadismaya sa pagkamot niya ng kanyang ulo at pagkawala ng kanyang ngiti habang binubulong, "Anong gagawin ko sa mga elixir dito….."
"Kalimutan na natin kung wala kang Eastern Pearls." Tumalikod siya at naglakad pabalik.
Nang gawin niya iyon, nagsimulang magwala si Little Lotus.
Nangitim ang mukha ni Jun Wu Xie.